The Big Wedding Part
The Final Part
Shane's POV
Makalipas ang isang taon buhat ng magpropose sa akin si Bryan at naengage sa isa't isa ay ito....ito na ang pinakahihintay ng lahat.
I'm wearing a wedding gown dress at nagmamartsa kasama ang aking mga magulang para ihatid sa altar.
Di mapigilang dumaloy ang mga luha sa aking pisngi habang nagmamartsa kami. Sa kanan ko ay si mama at sa kaliwa ko naman ay si papa.
Pati sila ay naluluha na din.
Tears of joy ang mga luhang yon.
Tears of excitement and kilig.
Nakita ko si Bryan sa harap ng altar, nakangiti siya at nakatingin sa amin habang patuloy paring nagmamartsa. Sabik na sabik na naghihintay para kunin ang aking mga kamay sa aking mga magulang.
"Mano po Ma, mano po Pa." magalang na mano ni Bryan sa aking mga magulang ng tuluyang narating nanamin ang kinatatayuan ni Bryan.
"Ingatan mo ang anak namin ah, huwag mong sasaktan." ang sabi ni Mama kay Bryan bago niya tuluyang binitawan ang pagkakahawak kamay sa akin.
"Ingatan mo ang anak ko Bryan." ang huling sabi naman ni Papa.
"Makakaasa po kayo, Ma, Pa." sagot ni Bryan sabay kuha na ng aking kamay.
Ngumiti kaming apat.
"Can I have you're hand please?, my wife to be?" sabi pa niya sabay lahad ng kanyang kamay.
Agad ko namang tinanggap iyon at nagmartsa na nga kaming tuluyan para marating ang dapat naming marating.
Ganito pala ang feeling ng ikakasal sa taong sobrang mahal na mahal mo. Masaya, nakakaiyak, halo halong emosyon ang aking nararamdaman.
---
"May tumututol ba sa kasalang ito?" ang tanong ng Pastor namin na siyang gumanap ng seremonya.
Nakita ko si Reymond sa may pintuan ng simbahan.
Bigla akong nakaramdam ng takot at kaba. Pero maya maya nangibabaw naman ang pag-asa at tiwala
Tinignan ko si Bryan, nakita niya rin pala si Reymond.
"calm babe, wala na siyang magagawa. Kasi nagmamahalan tayo." mahinang sabi ni Bryan sa akin habang mahigpit nitong hinawakan ang aking kanang kamay.
"May tumututol ba sa kasalang ito?" ang tanong muli ng Pastor.
Walang sumagot o tumutol man lang.
"Kung wala..... I now pronounce, husband and wife. You may now kiss the bride." sabi din ng Pastor sa wakas.
Dali dali na nga akong hinagkan at niyapos ng halik ni Bryan pagkarinig ng sabi ng Pastor. Iyon ang halik na masasabi kong pinakamatamis kasi its our legal kiss ever hehe.
Nagpalakpakan ang mga taong dumalo. Lahat kami ay masaya, at wala na akong mahihiling pa.
"wuhhhhh mabuhay ang bagong kasal" sigaw nila.
"Mabuhay!" sigaw naman ng iba.
Picture picture na, at ito ihahagis ko na ang bulaklak na hawak ko.
"1..2..3" bilang ko sabay hagis sa mga dalagang naghihintay non.
"ha! Bakit ako! Wala pa ako balak noh!" ang reklamo ni Lyca, dahil siya ang nakasalo nito.
Kinindatan ko na lang siya.
At nagthumbs up pa ako.
"Ikaw na ang susunod. Kaya maghanap ka na halla ka." sabi pa ng isa pa naming kaibigan.
---
Makalipas pa ang isang taon, buhat ng makasal kami ni Bryan. Ay ito...nagdadalang tao na nga ako, at limang na buwan na ang tiyan ko.
Sabi nila babae daw ang magiging anak ko kasi blooming daw ako. Ewan, ganun ba talaga yun?
Pero kahit ano pa man, lalaki man o babae ang hiling ko lang sa Diyos ay sana healthy si baby hanggang sa masilayan niya ang mundo.
"Aray, baby nasa tiyan ka pa lang ni Mama pero malikot at pilya ka na tulad ni Papa ha" sabi ko sabay himas ng tiyan ko. Sumipa kasi si Baby. Nakakatuwa kapag sumisipa siya.
"Baby, behave konti ah, kasi kawawa naman si Papa, palaging si Papa na lang kasi ang nakikita ni mama tuwing sumisipa ka." ang nakangiting sabi ni Bryan sabay himas at halik ng tiyan ko.
"Baby, anong sinabi mo? Gusto mo magkaroon ng kapatid kapag nakalabas ka na? Oo sige ba kaya namin yan ni Mama para sayo. Gagawa uli kami baby" sabi pa ni Bryan na nakangiti pa ang loko sabay tingin sa akin.
"sira ulo talaga to, paanong makakapagsalita si Baby eh wala pa ngang ipin. Excited ka masyado? kahit ngayon na gawa na ulit tayo kasi maging ako excited nanaman pala uli hahaha." tawang sabi ko.
Tawa rin si Bryan at tila nakisabay rin si baby dahil sumipa uli.
Kaya ngayon ang masasabi ko ay I'm happily married with Bryan Agoncillo.
My first love, my bestfriend, my king, my one and only and my husband.
Napaka blessed naming mag-asawa talaga kasi, bukod sa may angel na kami ay pareho pa kaming napromote muli sa kanya kanya naming trabaho. Ako bilang assistant manager sa dati paring kompanya na pinagtratrabahuan ko, at siya bilang head nurse sa isang hospital dito sa Manila.
Hayyyy pag-ibig nga naman..... Kahit ilang bagyo, unos, at delubyo ang dinanas ng relasyon namin ay hindi natinag ang isa't isa dahil sa pagmamahalan na meron kami sa isa't isa.
Kaya naniniwala ako na kung kayo ay kayo talaga.
Gagawa man ng paraan o plano ang mga taong nasa paligid niyo para paghiwalayin kayo, ang Amang nasa langit ay gagawa naman ng paraan para maging maayos muli kayo.

BINABASA MO ANG
One True Love
JugendliteraturOne True Love naniniwala kba sa love at first sight? eh sa 2nd sight? eh sa 3rd sight? joke eh sa destiny? ako kht anu d ako naniniwala eh basta alam ko nararamdaman na lng yan yung ramdam mong sya na ang para sayo may naninira man sa inyo, sa in...