Chapter 23

131 13 0
                                        

Chapter 23

Author's POV

Masaya at kakaiba ang pakiramdam ni Shane sa buong linggo na iyon.

Una ay naidaos niyang muli ng matiwasay ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang pamilya.

Pangalawa ay napromote siya sa kanyang trabaho para sa mas mataas na posisyon.

At ang pangatlo ay hindi na siya kinukulit ni Reymond.

Malaki, maluwang at komportable ang kanyang bagong opisina ngayon.

Hindi nakapagtataka na sa edad niyang iyon ay malayo na rin ang kanyang narating. Dahil sa angkin nitong talino at galing, hardworking at hindi mareklamo, at higit sa lahat ang pagiging humble nito sa kapwa niya tao.

Pero kahit malayo na ang narating niya ay marunong parin siyang lumingon sa pinanggalingan. Walang nagbago sa kanya at sa pakikitungo nito sa kapwa niya.

---

Samantala, narating na rin ni Bryan ang Manila matapos ang ilang oras na pagmamaneho nito.

Nagcheck in muna siya pansamanta sa isang hotel, para makaligo. Nagbihis na siya ng maayos at humahalimuyak pa ang pabangong pinaligo niya sa katawan nito.

Gusto niya kasi kapag makarap na niya si Shane ay disente siyang tignan. Baka kasi ibang iba na ang babae at nakakahiya naman dito kung amoy lupa pa rin ang amoy niya.

Pagkatapos niyang makapagbihis at magpaguwapo ng husto ay gumayak na rin ito at hinanap ang kompanyang pinag tra-trabahuan ni Shane.

Ilang sandali pa ay narating na rin nito ang kompanya.

Tinignan pa nito ang buong anyo ng gusali mula taas hanggang baba.

Sinuri niyang mabuti at napakaganda at napakalaki nito.

"Sir may maipaglilingkod ba kami sayo?" ang tanong ng guardiyang nakaduty. Kanina pa pala siya pinagmamasdan ng guwardiya dahil kanina pa siya nakatayo sa labas ng gusali.

Bryan"s POV

"opo, magtatanong lang po sana ako, kung dito ba nagtratrabaho si Shane Hidalgo?" tanong ko sa guardiya.

"Ah oho. Dito nga." sagot nito.

At pinapasok nga ako dahil sinabi kong isa ako sa mga kliyente ni Shane.

At totoo naman ah, kliyente ng puso ni Shane.

"ah, Sir, saglit lang po itatanong ko lang po muna saglit si Ma'am." ang sagot ng isang babae ng tanungin ko kung saan opisina ni Shane. At eksakto naman na ang napagtanungan ko ay sekretarya pala niya ito.

"hello Ma'am Shane, may naghahanap po sa inyo." ang narinig ko pang sabi ng serkretarya niya.

Malayo na nga talaga ang narating ni Shane, at masaya ako para sa kanya.

"Ano ka ba naman Claire, sabi ko naman sayo huwag mo na akong tawaging Ma'am eh, Shane na lang."humble na sabi ni Shane.

"Sino daw naghahanap sa akin?" tanong niya.

At iyon na rin ang pagkakataon na pumasok ako at magpakita na kahit di pa ako binibigyan ng pahintulot para pumasok. Excited na kaya ako, at ayaw ko ng marami pang tanong, mababaliw na ako kapag ganun.

"Si Bryan Agoncillo po Ma'am Shane Hidalgo. Maaari po ba daw niyang makausap kahit saglit lang ang babaeng pinakamamahal niya? Ang babaeng umukit ng ilang taon sa puso niya? Maaari po ba?" ang agad agad na sagot ko pagkapasok ko.

Napatayo siya at nabitawan pa ang hawak hawak na kape nito dahil sa gulat.

Para siyang nakakita ng multo.

"Bryan!?" ang naluluhang sambit ni Shane sa pangalan ko.

"Shane!" ang sambit ko rin sa pangalan niya at hindi ko ikinurap o ipinikit man lang ang aking mga mata. 

Dahil baka kako panaginip lang ito, na madalas kong mapanaginipan sa panaginip ko.

At ang mga paa namin ay kapwa humakbang palapit sa isa't isa. Nagyakapan kami ng mahigpit na mahigpit na mahigpit.

Ang mga yakap na matagal ko ng inaaasam asam. Mga yakap ng pagmamahal. Yakap na sabik na sabik sa bawat isa.

Hindi nga maikakaila na mahal parin namin ang isa't isa.

Hindi maikakaila ang sayang nararamdaman ng bawat isa sa muli naming pagkikita.

Ang lakas lakas ng kabog ng mga puso namin, ramdam na ramdam ko ang kabog at talbog ng puso ni Shane na para bang tinatambol ng sampong tao.

Di ko na nga napigilan ang aking sarili at bigla ko siyang siniil ng halik. Akala ko sasampalin niya ako dahil sa bigla biglang halik ko sakanya. Pero hindi naman siya pumalag, bagkus ay nagpaubaya pa siya at nakipaglaban. I kiss her gentle and soft.

Kaysarap pala ng ganitong feeling na makita, mayakap at mahagkan mong muli ang taong mahal na mahal mo.

Ilang sandali pa ay tumigil kami saglit. Akala ko sasampalin na niya ako, pero hindi pala. Dahil siya naman muli ang kusang humalik .

Mga halik na matatamis, na sa kanya ko lang naranasan. Mga halik na akala ko ay di ko na muli mararanasan sa piling niya.

Mga halik na nagpapakilig sa akin tuwing ninanamnam ko iyon.

Ilang minuto pa ay naghiwalay ulit ang aming mga labi.

"Ma'aaaaaaaam! Siiiiir! Ang sweet niyo yiiiiiiiiih" ang sigaw sa kilig ng sekretarya niya. 

Kapwa napatingin kami ni Shane sa babae.

Inirapan ni Shane ang babae saka ngumiti rin sa huli. Hindi ko alam kung para saan ang irap na iyon, kung dahil ba sa pagkabitin  or dahil sa hiya dahil may tao nga palang iba bukod sa amin.

"Peace" ang sambit ng sekretarya niya at saka umalis para mabigyan niya kami ng pagkakataong makapag usap.

One True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon