Chapter 4
...
Shane's POV
Tapos na ang Linggo, so Lunes nanaman, ganun ba yon.
Haist nakakastress talaga kapag Lunes. Pero buti na lang at masaya ako kahapon.
Mag-isa lang ako dito sa lilim ng punong mangga. Gusto ko lang mapag-isa muna para makapag-isip ako ng maayos. Hindi kasi ako masaya sa course na kinuha ko at gusto ng mama ko.
Ang gusto ko kasi ay BSBA, Major in Marketing. Kaya siguro di ako makafocus sa mga lecture ng mga guro namin. Nagsasalita ako ng mag-isa. Kiber wala naman nakakarinig.
Di ko inaasahan may kumiliti sa gilid ko.
"Huy!" gulat na lingon ko.
"ay sorry, nagulat yata kita?" sabay atras niya konti. Natakot yata mga teh?
Nagulat talaga ako, kasi anong ginagawa ng mokong na ito. Paano siya nakapasok dito sa campus namin. Kasi as far as I know eh hindi naman dito nag aaral ang lalaking to eh.
"Anong ginagawa mo dito Bryan? Tyaka paano ka nakapasok? Dito ka na ba nag-aaral?" sunod sunod na tanong ko sakanya na di parin ako makapaniwala.
"Hinay hinay lang, mahina ang kalaban hehe" tawang sagot niya.
Bryan's POV
Basta Lunes wala akong pasok sa umaga. Pang hapon kasi ang pasok ko. Nursing student nga pala ako. Naisip kong puntahan si Shane sa school nila. Hindi kasi masyadong malayo ang eskwela nila sa amin, isang sakayan lang siya.
Kinontak ko yung kaibigan niya, si Lyca. At sinabing gusto kong isurprise si Shane. Sinabi ko ding huwag na huwag niyang sasabihin ito sakanya. Sumang ayon naman siya.
Nang nasa school na nila ako. Kinausap namin ni Lyca yung nakaduty na guard na kung pupwede ay papasukin ako kahit saglit lang. May bibisitahin lang po, yun ang pakiusap ko. Buti mabait pinayagan naman ako.
Nakita namin ni Lyca si Shane sa silong ng mangga. Dito daw kasi ang paboritong lugar ni Shane kapag gusto niyang mapag isa. Iniwan na ako ni Lyca para di daw niya kami maistorbo at baka makagat pa ng langgam ang loko. Hehe.
Nagsasalita ng mag-isa si Shane.
"Hmp nakakaasar, ayaw ko na. Ayaw ko na talaga. Di ako masaya." yun ang sinasabi niya ng nasa likod na niya ako.
Magsasalita na sana ako kung bakit di siya masaya pero minabuti kong makinig muna.
"Akalain mo ba namang ipilit kasi ako sa kursong ayaw ko. Gusto ko talaga BSBA eh! Ayaw ko maging teacher! Di talaga ako masaya. Pero buti na lang nakilala ko siya. Siya na lang iisipin ko kapag ganitong naiinis ako sa course ko. Ayiiiiih kagwapong Bry--" at di ko na nga pinatapos pa ang iba pa niyang gustong sabihin. Sapat na ang narinig ko.
Kiniliti ko siya sa gilid, halatang nagulat siya.
"Huy!" napalakas boses niya sa dahil gulat.
"Ahy sorry nagulat yata kita." paghingi ko ng paumanhin, sabay atras konti. Malay ko, baka masampal niya ako sa sobrang gulat niya diba.
"Anong ginagawa mo dito? Tyaka paano ka nakapasok dito? Dito ka na ba nag-aaral?" yun ang sunod sunod na tanong niya.
"Hinay hinay lang, mahina ang kalaban hehe." tawang sagot ko.
Sunod sunod ba naman kasi.
"Kanina ka pa ba diyan?" tanong niya ulit.
"Ah, hindi kararating ko lang." pagsisinungaling ko. Hindi masama ang magsinungaling, basta paminsan minsan lang hehe.
"Sure ka? Baka naman kanina ka pa talaga diyan!" nahihiyang sambit niya.
"Sure nga. Tyaka bakit ba kung totoo mang kanina pa ako dito? May masama ba?" tanong ko kay Shane sabay punas sa maliliit na butil ng pawis niya.
Maganda pa rin siya kahit pinagpapawisan na.
"ako na, ano ba naman to." suway niya sa akin sabay kuha ng panyo ko na ipinampunas sa pawis niya.
"para sayo pala." sabi ko ulit sabay abot ng dala kong tatlong rosas.
"ano to?" tanong ni Shane sabay kuha naman. Salamat tinanggap niya di ako napahiya.
"ahh bigas yan" biro ko. Malamang rosas yun, si Shane talaga oo.
"Hmp! I know, pero what I mean is para kanino naman to?" kulit na tanong niya.
"Para sayo, kanino pa sana. Sayo ko nga inaabot eh. Ikaw talaga hehe." natutuwang sagot ko. Nakakatuwa talaga.
Shane's POV
Naku malamig naman ang simoy ng hangin, pero bakit tila pinagpapawisan ako.
Hindi ko alam baka kanina pa talaga ang mokong na to sa likod ko. Sana di niya narinig yung mga huling katagang nasabi ko.
Pinunasan niya tuloy pawis ko nakakahiya naman. Kaya kinuha ko ang panyo niya at ako na ang nagtuloy magpunas sa pawis ko.
Tapos binigyan niya pa ako ng tatlong rosas. Tila mahihimatay na yata ako sa kilig moments na ito.
Luminga linga ako baka may tao sa paligid. Salamat at wala naman. Kung hindi baka kung maghihiyawan nanaman. Tulad ng mga nakikita ko sa TV kapag may ganitong eksena.
Tinanggap ko ang mga rosas na iyon at niyaya ko siyang maupo at magkuwentuhan.
Inopen ko sakanya ang aking pinagdadaanan at kung bakit ako nandito at mag isa.
Pero pinaamin ko muna talaga siya kung kanina pa siya doon. Ngunit ganun pa rin ang sagot niya "kararating ko lang".
"Eh kung hindi ka masaya sa course mo, sabihin mo sa mama mo. Maiintindihan ka naman niya siguro" payo sa akin ni Bryan.
"Sana. Sana maintindihan talaga ako. Salamat ha. At salamat din dito." sabi ko sabay taas ng mga rosas.

BINABASA MO ANG
One True Love
Novela JuvenilOne True Love naniniwala kba sa love at first sight? eh sa 2nd sight? eh sa 3rd sight? joke eh sa destiny? ako kht anu d ako naniniwala eh basta alam ko nararamdaman na lng yan yung ramdam mong sya na ang para sayo may naninira man sa inyo, sa in...