Chapter 15

137 13 0
                                    

Chapter 15

Bryan's POV

Kahit alam kong di na ako maooperahan dahil normal na ang puso ko tulad ng sabi ng Doctor ko, ay minabuti ng aking pamilya ng magpacheck up sa ibang espesyalista.

May tiwala ako na normal na talaga ngunit mapilit sila.

At iisa lang ang sabi ng mga doctor na tumingin dito.

Normal nga.

Nais ko ng umuwi ng Pilipinas ng masiguro kong ok na ang lahat.

Ang saya saya ko kasi makikita ko na ulit ang bayan kong Sinilangan.

Pero payo ng doctor ay dumito daw muna ako, at tapusin ko ang isang taon. Para masiguro talagang ok at normal ng talaga.

Naiinis ako, kasi okay na nga eh, bakit ko pa hihintayin ang mga nalalabing buwan na iyon. Uwing uwi na ako. Gustong gusto ko ng makita si Shane.

Pero yun ang payo ng doctor.

Kaya para sa kalusugan ko, ay sumunod na lang ako sa kanilang gusto.

Anim na buwan na lang naman, madali na lang lumipas iyon.

---

Shane's POV

Nasa mall ako kasama ng aking pamilya.

Matagal ko na itong napapansin, at kahit na saan ako mapunta ay may lalaking sunod ng sunod sa akin.

Katulad ngayon, habang kami ay namimili ng mga damit ng aking pamilya ay nakita ko nanaman ang isang lalaki na noon pa sunod ng sunod kahit saan ako mapunta.

Ano to?..stalker? Natatakot ako kasi baka may balak siyang masama at nais niya akong patayin.

Hindi naman niya ako pwedeng holdapin, kasi ni singkong duling wala.

At di rin niya ako maaaring kidnapin, kasi sorry siya walang pera ang magulang ko para pang ransom.

Or siguro nagkataon lang na ang nais kong puntahan ay doon nito gusto pumunta.

Pero napaka impossible naman yata iyon. 

Binayaran na namin ang aming pinamili saka kami pumunta sa isang fastfood para doon na kumain.

Luminga linga ako sa aking paligid kung nakabuntot nanaman ang lalaki. Salamat naman at hindi. Nakahinga ako ng maluwag.

Maya maya pa ay umuwi na kami. Masaya ang aking pamilya kasi, hindi na ako masyadong nagkukulong sa aming bahay kapag ganitong weekend.

Ng nasa bahay na kami, kinapkap ko ang aking cellphone sa bulsa ng aking pantalon na suot ko.

Itetext ko kasi yung mga kagroupmates ko para sa group project namin.

Ngunit huli na ang lahat ng matuklasan kong wala ito sa aking bulsa.

Agad kong tinungo ang kusina kung saan andoon ang aking Ina na abala sa pagliligpit ng aming pinamili.

"Ma ang cellphone ko, nawawala!" daing ko sa aking ina, na kinamot ko pa ang aking ulo kahit hindi makati ito.

"Paanong...

"Hindi ko alam Ma eh. Dito lang naman sa bulsa ko linagay eh." sabi ko sa Ina ko at di ko na alam ang gagawin ko. Iphone din yun, sayang.

Imbes na icomfort ako, ako'y binatukan pa at pinagalitan.

"Mmmmmm! Anong silbi ng bag mo kasi, may bag ka namang dala bakit sa bulsa ng pantalon mo pa ito nilagay." sermon niya sa akin.

Di na lang ako umimik. Sana may awa, puso at balunbalunan ang taong nakapulot non at ibalik sa akin. Kailangan ko yun eh. Marami kaming picture doon ni Bryan. Isssss Bryan, Bryan nanaman.

"ito, hiramin mo muna itong cellphone ko." sabay abot ni Papa ang celphone niya. Nasa likod lang pala niya kami.

Kayat dali dali kong tinawagan ang numero ko, baka sakaling magring pa ito at sasagot ang taong nakapulot nito.

"Hello." boses ng isang lalaki.

Sobrang saya ko, sana ibalik niya.

"Hi po, kayo po ba ang nakapulot ng cellphone ko?" tanong ko.

"Ah opo, napulot ko sa may labas ng mall. At huwag po kayong mag-alala isosoli ko po. Saan ang address niyo at ako na mismo ang pumunta para masoli ko?" tanong ng lalakig nakapulot non.

"Magkita na lang po tayo, sa mismong Mall kung saan mo napulot ang cellphone ko po. Salamat po Sir, maraming maraming salamat. Naway pagpalain kayo ng Diyos sa kabutihan niyo Sir" ang magiliw na sagot at pasasalamat ko.

"Call me Reymond not Sir, Reymond Santos is my name. And you are Shane Hidalgo, right?" ang tanong niya.

"ok po Reymond. Salamat po ulit. At paano mo po nalaman ang pangalan ko?" pagtatakang tanong ko.

"Shane Hidalgo Love Bryan Agoncillo na picture ng mga letra miss ang wallpaper mo sa Cp mo. Remember?" pagpapaalala niya.

Oo pangalan nga namin ni Bryan ang nandoon. Naglettering kasi ako ng pangalan namin tapos pinicturan ko at iyon ang ginawa kong wallpaper.

"Opo, Opo.... Ahyyyy salamat talaga. So kailan po tayo magmemeet?" excited na tanong ko.

"Kahit ngayon na po kung may time pa kayo." Sagot niya.

"Sige, sige po. May time po ako, uhy salamat talaga ah. Napakabuti mo po." ang sambit ko.

Pagtapos nun ay nagpaalam na kami sa isa't isa. At muli ko siyang pasasalmatan sa personal.

"Ano? Okay na?" tanong ni papa ng ibalik ko na ang cellphone nito.

"Opo Pa, isosoli niya ngayon din, lalaki yung nakapulot at mukhang mabait. Sige po alis na ako." paalam ko sa kanila.

"Kapag manligaw te, sagutin mo na agad. Mukhang mabait pala eh" nakangising sabi ng aking kapatid na si Sherwin ng palabas na ako.

"Ohy, kabata bata mo pa ah. Isosoli niya lang, tapos, tapos na. Yun lang yun. Tyaka para kay Bryan lang to noh" sagot sabay turo ng puso ko.C

One True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon