Chapter 18

127 13 0
                                    

Chapter 18

Shane's POV

Mula ng ipagtapat sa akin ni Reymond ang kanyang nararamdaman, ay nagkaroon na rin ng lamat ang aming pagkakaibign.

Naiilang na ako sakanya ng malaman ko ito.

Akala ko kaibigan lang din ang tingin niya sa akin tulad sa akin, pero lumalim at lumalim na pala ang kanyang damdamin.

Sabi ko nga sakanya, mas mabuting di na lang niya sinabi iyon, kasi masaya at okay naman lahat ng di ko pa iyon nalaman. Hindi tulad ngayon, dahil ang dating pagkakaibigan na dati ay masaya ay meron ng ilangan.

Kahit na rineject ko na siya ay patuloy pa rin niya akong sinusuyo. Maghihintay daw siya kung kailan handa na ulit akong magmahal. Pasensiya siya kasi hindi na darating ang panahon na iyon.

Ilang ulit ko na bang sinabi iyon sakanya...na hindi kami darating sa lagay na iyon, maka one thousand siete mill na yatang ulit.

Hayy, mag-iisang taon na rin pala ang lumipas ng huli kong makita si Bryan. Pero ganun pa rin ako,

humihinga pa rin at umaasa. Umaasa na kahit alam kong wala ng pag-asa. 

---

Bryan's POV

Yes! Isang buwan na lang at makakauwi na ulit kami ng Pilipinas! Akalain niyo yun, kaybilis ng panahon..parang panaginip lang ang lahat.

Kasunod niyan ay makikita ko na rin sa wakas si Shane.

Excited na ako sa muli naming paghaharap.

Excited na akong makita ang Bansa kong mahal.

Excited na akong ipagpatuloy muli ang aking kinukuhang kurso. Para tuluyang matupad ang pangarap ko na maging nurse balang araw.

Excited na rin akong makita at makasama ang mga kaibigan ko.

Mga kaibigan na maasahan sa lahat ng oras.

Excited na.. super. Ahyy napapangiti tuloy akong mag-isa ngayon at nagsasalita pang mag-isa.

"Ohhhh Shane ko, bulagaaaaaa gugulatin na ulit kita. Muah!" sabi ko pa sa aking sarili habang hawak hawak ang picture niya at hinalikan ko pa ito.

"hmmm.. Nag-iimagine ka nanaman bunso!" ang pasulpot na sambit ni Ate Elena.

May tao pala? Hahaha. So what! Totoo naman ah...totoo namang nag-iimagine nanaman ako. Hehehe.

"si ate talaga ohh, umeksena pa. Naudlot tuloy yung iba pang sasabihin ko sana" maktol ko sa ate ko.

"Huy! Gutom lang yan! Kumain ka ng kumain para di ka na nag-iimagine diyan, at nagsasalitang mag-isa. Makikita mo rin siya soon bunso, huwag mainip! Bleeeeeh " dilat na sabi ni Ate.

"Bleeeeeh ka rin ate... Joke joke joke!" sabi ko sabay takbo.

Sa excited kong makauwi na ng Pilipinas, lumabas ako ng inuupahan naming bahay at pumunta sa isang Mall.

Mamimili ako ng pasalubong, lalo na kay Shane. 

"ano kaya ang magandang pasalubong para sa babe ko?" ang tanong ko sa aking sarili ng nasa mall na ako.

May naisip agad ako. Oo iyon...iyon ang ipapasalubong ko sakanya. Tiyak matutuwa iyon.

Kayat dali dali kong tinungo ang lugar kung saan may nagbebenta ng ganon.

"sa kaibigan ko kaya na si Reymond? Ano kaya ang ipapasalubong ko sakanya? Para naman pampalubag loob sa kabutihang ginawa niya sa akin sa patuloy na pagmamatyag niya kay Shane." sabi ko ulit sa aking sarili ng mabili ko na ang para kay Shane.

Wala akong maisip kung ano naman ang para kay Reymond. Siruro mabuting tanungin ko siya, kahit mahal bibilhin ko, para naman makabawi ako.

At gusto ko rin sabihin sakanya na next month kita kits na ulit.

Kayat dali dali ko siyang tinawagan.

"hi brad." tinig ko.

"Yes brad, musta na? Ohh brad buti napatawag ka..ano.. kasi ano eh.. ano.. may..

"ano brad? Tungkol ba kay Shane. May sasabihin din sana ako brad eh. Pero sige una ka na, ano yun?" tanong ko.

"Ikaw na muna ang mauna brad." ang sagot niya.

"Hindi brad, ikaw na. Tungkol ba ito kay Shane?" tanong kong muli.

"oo eh." ikling sagot lang niya.

"Ano, ano ang tungkol kay Shane brad." atat na tanong ko uli.

"Huwag ka sanang mabibigla brad!" ang medyo malungkot na tinig niya.

"Brad..ano ba..pwede bang huwag mo na akong bitinin! Kailangan kong malaman, ngayon din! Ano ...ano ang tungkol kay Shane!" ang naiinis na sabi ko. Sasabihin din naman kasi binibitin pa!

Napatahimik siya konti, pero nagsalita ring muli.

"May bago na siya eh, nakita ko siya kahapon may kasamang lalaki papasok sa eskwelahan nila. Ang sweet sweet nila brad. Ako nga ang nasasaktan kahapon ng makita silang magkasama at magkahawak kamay pa, kasi kaibigan kita, at alam ko kung gaano mo siya kamahal. Brad, brad ok ka lang? Siguro hindi siya ang para sayo brad. Madami pa naman diyan brad.. Braaaaaad, anong nangyayari sayo. Ok ka lang brad..brad"

ang mahabang impormasyon na sagot Reymond. At ang patuloy niyang pagtawag sa tawagan namin.

"Shaaaaaaaaaane!!!" malakas na sigaw ko sa loob ng Mall. Napatingin ang mga tao sa akin.

At di ko na pala narinig at nasagot ang mga ibang sinasabi sa akin ni Reymond. Hindi pwede at hindi maaaring magsinungaling ang kaibigan ko. Kilala ko siya at simula bata pa kami ay kapatid na ang turing namin sa isa't isa.

Kaya naman maaring totoo nga ang nakita at nasaksihan niya.

Shaaaaaaaaane!! Bakit mo nagawa sa akin ito! Shaaaaaaaane!" ang patuloy na pagtangis ko.

Hanggang sa nawalan ako ng malay.

One True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon