Chapter 21
Author's POV
"Happy birthday!" ang sabay sabay na sorpresang bati ng pamilya ni Shane ng kadarating niya sa bahay nilang bago sa Manila galing sa trabaho nito.
Bente dos anyos na siya, at limang taon na rin ang nakakaraan ng magkawalay sila ni Bryan.
"Naku, nakakagulat naman kayo! Salamat mga kapatid, Ma at Pa. Surprise pa talaga ah, akala ko di na niyo naalala birthday ko eh." gulat na pasasalamat ni Shane sakanila.
"Oh ate wish na!" ang sambit pa ng kapatid niyang si Sheryl na siyang may hawak ng cake na may nakasinding tatlong maliliit na kandila.
Nagwish nga si Shane sa isip isip niya at hinihipan na ang mga kandila.
"Anong wish mo ate?" ang tanong naman ng kapatid niyang si Sherwin.
"Secret. Gusto niyong malaman?" ang tanong ni Shane.
"oo naman noh!" ang sabay sabay na sagot nila.
"Search niyo sa Google hahaha." tawang sagot ni Shane.
"tara kainan na!" ang sigaw ng ina nito.
---
Samantala sa kabilang banda. Halo-halo ang mga emosyong nararamdaman ni Reymond.
Hindi siya nagtagumpay sa mga plano niya sa relasyon nila Shane at Bryan.
Dahil sa tuwing sinusuyo nito ang dalaga na siya na lang ang mahalin nito ay nasasaktan siya sa sagot Shane.
Ayaw niya sakanya dahil di naman siya mahal nito.
Ayaw niya dahil may mahal pa rin daw si Shane.
Nalulungkot na din siya para sa dalagang iniibig niya. Dahil kung hindi dahil sakanya ay masaya pa rin Shane.
At sa wakas, sa mahabang panahon na pagiging makasarili niya at sa maitim na plano niya noon sa dalawa ay kinatok din siya ng sarili nitong konsensiya.
Buo na ang desisyon nito na sabihin kay Bryan ang totoo.
Alam niyang sa gagawin niyang ito ay maaaring masira na rin ang pagkakaibigan nilang dalawa.
Ngunit nakahanda na siya.
Nakahanda na siyang magparaya, palayain ang dalawa na sila ang deserving na maging masaya.
Handa na siyang magpakatotoo kahit na lam nitong marami ang magbabago pagkatapos nito.
Kaya naman sa sumunod na araw ay nakipagkita siya kay Bryan.
At si Reymond na rin ang pumunta kung nasaan si Bryan ngayon.
Nagtra-trabaho na rin pala si Bryan sa isang pampublikong hospital ito ang nais niya. Ang maglingkod sa bayan.
Ng dumating na ang araw ng pagkikita ng dalawa ay kinakabahan si Reymond. Marahil, ito na siguro ang pinakamaganda niyang nagawa dito sa balat ng lupa.
Ang magsabi ng totoo.
"Uhy brad, ano kanina ka pa ba dito?" tapik ni Bryan sa balikat ni Reymond ng magkaharap na sila.
"Hindi naman bra-brad kadarating lang" ang medyo nagaalanganing sabi ni Reymond.
"Ano nga palang sasabihin mo? At ikaw pa talaga ang pumunta dito brad ah. Importante siguro? Or confidential? Ohhhh huwag mong sasabihin brad ah na ikakasal ka na at kukunin mo akong best man?" saad ni Bryan na excited ng marinig ang nais sabihin ni Reymond.
"Hindi yon eh, actually hanggang ngayon ako'y single pa rin dahil ayaw sa akin ng babaeng napupusuan ko. Ayaw sa akin dahil may iba itong gusto. At ikaw yon!" ang pagtatapat ni Reymond.
"Huh? Ano kamo Brad? Ako ang gusto ng babaeng mahal mo? Naku di pwede, dahil may mahal rin ako. Sabihin mo sakanya kung sino man siya na may mahal na ako. At alam mo na kung sino yun diba?" ang sabi ni Bryan.
"Oo alam ko, na si Shane pa rin ang mahal mo.....
At..at ..si ..si Shane na mahal mo at ang babaeng mahal ko ay iisa. Bryan iisa sila!" ang nakayukong sabi ni Reymond pagkasabi non.
Ayaw niyang makita ang reaksiyon ni Bryan.
"Ano? Brad paki ulit nga ng sinabi mo? Tulog ka ba?" ang tanong ni Bryan na di maintindihan ang sinabi ni Reymond.
"Bryan, patawarin mo ako kung nagsinungaling ako. Dahil ang lahat ng sinabi ko sayo noon na may iba na si Shane ay plano ko lang. Gawa gawa ko lang Bryan, dahil sa lubos na pagmamahal ko sakanya! Tulad mo ng una ko pa siyang nakita ay tumibok na ito! Noong una pinilit kong huwag mahulog sakan........."naputol ang iba pang nais sabihin ni Reymond ng bigla siyang sinuntok ni Bryan.
Bogshhhhhhh! Isang kamao sa mukha nito ang dumapo galing kay Bryan!
"G*go ka! Ng dahil pala sayo ang lahat ay nasira! May gana ka pang tumawag sa akin ng brad,,ng kaibigan! ahas ka isa kang ahas na kaibigan! Reymond bakit mo nagawa sa akin ang bagay na ito!
.....ilang taon akong nagdusa mula ng sabihin mo na may iba na siya, at may litrato pa! Ilang taon na nagdusa at nagkaroon ng sakit ang mga buhay namin! Sinira mo ang relasyon namin! Sinira mo ang pagkakaibigan natin! Hindi ko lubos akalain na magagawa mo sa akin ito!" ang pagtangis na sigaw ni Bryan kay Reymond at dinuro duro pa niya ito at itinulak tulak.
Maraming tao ang nakasaksi non.
"Brad, patawarin mo sana ako. Nagmahal lang ako.. nagmamahal lang ako.!" ang paghingi ng tawad ni Reymond.
"Nagmamahal? Reymond naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ang totoong nagmamahal ay hindi ang sarili lang nito ang iniintindi.
Ang totoong nagmamahal ay kayang tumanggap ng pagkatalo!" ang sabi ni Bryan saka nito sinuntok muli si Reymond.
"Pawarin mo sana ako!" ang sabi pang muli ni Reymond at sinuntok siyang muli ni Bryan.

BINABASA MO ANG
One True Love
Genç KurguOne True Love naniniwala kba sa love at first sight? eh sa 2nd sight? eh sa 3rd sight? joke eh sa destiny? ako kht anu d ako naniniwala eh basta alam ko nararamdaman na lng yan yung ramdam mong sya na ang para sayo may naninira man sa inyo, sa in...