Chapter 22

134 13 0
                                        

Chapter 22

Bryan's POV

Ng marinig ko ang lahat ng iyon ay nabuhayan ako ng pag-asa. Pag-asa na maayos pang muli ang relasyon namin ni Shane na nasira.

Relasyong nasira ng dahil sa agad agad na pagtiwala sa isang balita galing sa isang kaibigan. Isang kaibigan na matatawag kong ahas at buwaya.

Isang kaibigan na traydor at makasarili. Isang kaibigan na akala ko mapagkakatiwalaan pero hindi.

Walang pasabi ay binarurot ko ang kotseng regalo pa ng aking magulang.

Pinaandar ko ito patungo kila Shane. Wala akong ibang iniisip ng mga oras na iyon kundi si Shane lang. Kung paano ko sisimulan ang muli kong pakikipag harap sakanya.

Mahal pa niya ako, at masaya akong nalaman iyon, dahil tinupad pala talaga niya ang mga pangako niya sa akin noon.

Ilang oras pa ang nilakbay ko ay nakarating na ako sa probinsiya namin. Ilang taon ang tiniis kong di masilayan ito dahil sa pag-aakalang may bago na si Shane.

Pero ito muli akong nagbabalik para maayos muli ang sa amin ng babaeng pinakamamahal ko.

"Shane! Tao po! May tao ba diyan!" sigaw ko sa may gate nila Shane sabay doorbell.

"tao po! Shane .. !" ang tawag kong muli.

"Mawalang galang na iho! Sino ang hinahanap mo?" ang narinig kong sabi ng isang ale na napadaan sa likuran ko.

"Shane Hidalgo po. Diba dito po sila nakatira?" ang magalang na sagot ko sa Ale.

"Ah si Shaning, eh iho, matagal na silang lumipat sa Manila para doon manirahan eh. Umuuwi lang sila rito dalawang bese sa isang taon." ang sagot ng Ale.

"Ah ganun po ba, hindi niyo po ba alam ang numero nila o bagong address man lang?" tanong kong muli.

"Pasensiya iho hindi eh." ang malungkot na sagot ng Ale.

Napasimangot ako, paano ko naman kaya malalaman kung saan sila sa Manila? Napakalaki ng Manila at saan ko sila sisimulang hanapin.

Si Lyca? Oo si Lyca. Pero paano? Di ko naman pala alam kung saan ang bahay nila.

Maya maya nagsalitang muli yung Ale.

"eh Iho, may kaibigan yung si Shaning or Shane, baka alam niya kung saan sila ngayon." ang sabi ng ale.

"Ho? Talaga ho? Sino? Saan ko po siya mahahanap?" sunod sunod na tanong ko.

"eh may ballpen ka ba at papel?" sabi ng Ale.

"opo, saglit lang po" sagot ko na sumilay ang ngiti sa aking labi. At dali dali kong tinungo ang sasakyan ko at kinuha ang ballpen at papel.

"Ito po." sambit ko sabay bigay ng mga iyon.

"Salamat po. Maraming maraming salamat." ang pasasalamat ko sa ale ng maisulat na niya ang address kung saan matatagpuan ang kaibigan daw ni Shane.

Ilang saglit pa ay narating ko na ang sadya ko.

"Tao po." katok ko sa may pinto.

"Saglit lang." ang narinig kong sagot ng taong nasa loob ng bahay.

Pagkabukas niya ay kapwa nagulat ang isa't isa.

"Br-Bryan! Is that you? My gosh! Buhay ka pa ? I mean kaytagal mong nawala, then, this.. your here again! What happen!?" ang manghang mangha na sabi ni Lyca.

Pati ako nagulat din. Di ko akalain na siya iyong tinutukoy ng Ale.

"Ohw! Oo naman buhay na buhay. At mahabang istory eh. Ano kumusta na? Si...si Shane? Kumusta?" pangungumusta ko sakanya.

"Halika pasok ka muna saka ko sagutin ang mga tanong mo." anyaya niya sa akin.

"Si Shane kumusta na?" tanong kong muli ng nasa salas na nila kami.

"Ayun, may balak yatang tumandang dalaga." ang sagot lang niya.

"huh? Bakit naman?" tanong ko.

"Eh kasi ikaw pa rin daw, kahit iniwan mo siya ng walang pasabi. Naku Bryan, alam mo ba ikaw na lang lagi ang bukambibig non. Laging umaasa na maging kayo muli. Kaya kahit sinong ponsiyo pilato ang manligaw dun di niya pinapatulan. Kasi nga ikaw parin ang mahal niya! Eh ikaw kumusta may asawa ka na? Tagal mong nawala ah! Suntukin kita diyan eh! Ilang drum din na luha ang inubos ni Shane dahil sayo eh!" ang mahabang kwento ni lyca sa akin, at tinaas pa nito ang kamao niya.

Natawa ako, kasi ganun pa rin si Lyca. At natitiyak kong, ganun parin din si Shane na kalog katulad ni Lyca.

"Mahabang kwento eh." ang sagot ko sakanya.

"Eh di paliitin mo para di mahaba" kulit na sagot niya.

At sinimulan ko ngang ikwento sakanya ang lahat ng punot dulo ng lahat kung bakit ako lumayo. At kung bakit ganun kahaba ang pagkawala ko.

"Ahhh so you mean si Reymond na isa na nanliligaw kay Shane at bestfriend mo na pinakiusapan mong bantayan si Shane ay iisa?" gulat na tanong nito ng maikwento ko na.

"Yeah exactly!" ikling sagot ko.

Ng matapos ang paguusap naming iyon ni Lyca ay binigay niya kaagad ang address niLa Shane si Manila.

Wala na akong sinayang na oras at pinaharurot kong muli ang kotse ko paluwas ng Manila.

Wala akong naramdaman na pagod at gutom ng mga sandaling iyon. Dahil alam kong ang kapalit naman non ay si Shane. Ang muli naming paghaharap. Ang matagal ko ng pinapangap. Pangarap na akala ko ay di na matutupad. Subalit salamat sa Diyos dahil kahit sino pa ang humadlang sa amin ay nandiyan pa rin siya na laging nakatingin at gumagabay sa mga taong di nawawalan ng pag-asa at pananampalataya. Salamat at magiging maayos na din ang lahat, at magiging masaya muli ang lahat.

One True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon