Chapter 8
Shane's POV
Ng mag hahapon na, sinabi ko kay Bryan na kung maaari uwi na ako. Ayaw pa niya sana akong umuwi kasi hindi pa niya ako naipapakilala sa mama at papa niya.
Kaso maghahapon na talaga. Next time na lang sabi ko sakanya. Buti at naintindihan naman niya ako. Nagpaalam na ako sa mga kapatid niya at nagpasalamat naman sila sa aking pagbisita.
Hinatid na ako ni Bryan hanggang sa may sakayan. At tyaka lang siya umalis sa paradahan ng umalis na ang sasakyang aking sinakyan.
Habang tinatahak ko ang daan papunta sa lugar namin ay parang nakalutang parin ako sa hangin. Ganito pala talaga ulit yung feeling. At hindi ako magsasawang sabihin ng paulit ulit na ang sarap mainlove. Yung tipong gigising ka ng umaga na nakangiti. Kakain na nakangiti. Magtotooth brush na nga lang nakangiti pa rin. Hanggang sa matutulog ka na nakangiti pa din.
At ito ang matindi, hanggang sa panaginip nakangiti pa rin.
"Paaaaaaaak!" sinampal ako ng aking kapatid.
"Ate! Nanaginip ka nanaman! May paBryan Bryan ka pang nalalaman diyan!" ang sigaw ng makulit kong kapatid na si Sheryl.
"ano ba, inaantok pa ako! Istorbo kang bata ka ah!" sigaw ko rin sakanya sabay bato ko ng unan ko sakanya.
Ipinalo naman niya ulit yun sa aking mukha. Aba, lumalaban ang bata.
"gising na sabi eh! Magsisimba pa tayo ate! Nagdate lang kayo kahapon ni kuya Bryan nakalimutan mo na si Lord!" sermon ng makulit at parang matanda kung magsalita kong kapatid.
Oo nga naman, tama naman siya. Lord sorry po. Kaya bumangon na ako dahil natamaan ako sa sinabi niya.
Ng nasa banyo na ako at naliligo, ako'y nakangiti pa rin. Pilit ibinabalik ang mga kaganapan kahapon.
"ate ang tagal mo! Malapit na mag umpisa yung service eh!" ang sigaw ulit ng aking kapatid. Nakalimutan ko, maliligo pa pala sila.
Kayat iwinaglit ko muna pansamantala sa aking isipang si Bryan my babe.
Born-Again Christian nga pala kami.
Ng matapos na ang service sa Church namin ay tumuloy kami sa isang restaurant para doon kumain. Sunday kasi, kaya.. its a family day. Ang saya saya talaga kapag kompleto kayong magkakapamilya. Sama sama, nagmamahalan at may malasakit sa isa't isa...plus Bryan na nagpapakilig sa akin araw tanghali at gabi. Mahal na mahal ko siya at wala na akong mahihiling pa sa Poong Maykapal.
Sapat na ang mga taong nasa aking paligid na nagmamahal sa akin at mahal ko rin.
Pagkatapos naming kumain, namasyal kami konti at namili saka umuwi na ng bahay.
Pagdating namin sa bahay ay ang mga libro at notes ko ang inatupag ko. Tyaka ko in off muna ang cellphone ko para walang istorbo.
Kailangan ko kasing magreview para sa finals.
Wednesday, thursday at friday ang final exam namin.
Excited na akong matapos ang sem na ito.
Kasi new course na ako next sem.
Salamat naman at BSBA na talaga ako next sem.
Ng matapos na akong nagreview at talagang ipinasok ko pa sa kasuluksulukan ng aking utak ang mga rinebyu ko ay saka ko pa lang in-on ang cellphone ko.
Sunod sunod ang mga mensaheng natanggap ko galingkay Bryan my babe.
Bakit daw nakapatay ang cellphone? Ayaw ko daw ba siyang makausap o makatext? Bakit di man lang daw ako magreply sa mga text niya.
Anak ng tokwa. Its my fault.
Bakit di ko man lang kasi naisip na sabihan siya na i off ko muna saglit ang aking cellphone. Kaya tinawagan ko siya para humingi ng dispensa.
"Hello babe." ang bati ko sakanya pagkasagot niya ng tawag ko.
Isang buntong hininga lang narinig ko galing sakanya.
"Babe sorry na" malungkot na boses ko.
"Sorry na babe, naka off kanina cellphone ko kasi nagrereview ako. Sorry nakalimutan kong iteks sayo na i-off ko muna." malungkot na boses ko.
Hindi pa rin siya umiimik. Puros buntong hininga ang naririnig ko.
"Babe ok ka lang? Sorry na po, please.. Please please." paghingi ko ulit ng sorry.
Maya maya nagsalita na rin siya.
Parang matamlay ang kanyang boses.
"Sige ok lang, naiintindihan ko"
"eh bakit ganyan ang boses mo, may sakit ka ba ?" ang tanong ko, iba kasi yung boses niya.
"O-okey lang, nagtatampo lang ako. Pero isang kiss mo lang okay na ako." tinig ng loko. Sabi ko na nga ba eh.
"yiiiih babe ah.. Ok muaaaah" halik ko sakanya sa kabilang linya.
"parang text naman yang halik mo babe. Muaaaaah daw hahaha." tumatawang asar niya sa akin.
"oh eh paano sana haha?" tawang tanong ko din sakanya.
"bukas na lang babe para mas okay kahit sa cheeks ko lang yiiih. Joke babe." pabirong sabi niya.
Naalala ko lunes bukas. At basta lunes pinupuntahan niya ako sa school namin. Busy ako bukas dahil madami akong requirements na aayusin para sa mga subject ko. Baka di ko siya maasikaso bukas.
"Babe... Pw-pwedeng next monday ka na lang du-dumalaw, busy kasi ako bukas." alanganing sabi ko.
Isang buntong hininga ulit ang aking narinig. Halatadong di niya gusto yung nais ko. Nakakainis, para yun lang.
"please" sabi ko.
"sige bye na" pamamaalam niya sa kabilang linya.
Dahil bye sabi niya kaya in-end call ko na.
Bahala siya, magtampo siya kung gusto niya
BINABASA MO ANG
One True Love
أدب المراهقينOne True Love naniniwala kba sa love at first sight? eh sa 2nd sight? eh sa 3rd sight? joke eh sa destiny? ako kht anu d ako naniniwala eh basta alam ko nararamdaman na lng yan yung ramdam mong sya na ang para sayo may naninira man sa inyo, sa in...