Author's POV
Ng silang dalawa na lamang ang nasa loob ng opisina, ay parang may dumaan na anghel sa pagitan nilang dalawa at kapwa natahimik ang bawat isa.
Si Shane ay tinungo nito ang upuan niya at hindi mapakali sa sarili.
Kung anu-ano ang ginagawa nito pagkaupo niya dahil sa kaba at kilig na nararamdaman kanina pa.
At si Bryan naman ay naupo rin sa upuan na nasa harap ng mesa ni Shane.
Si Bryan ang hindi nakatiis sa katahimikan nilang iyon.
"Hi." ang basag niya sa katahimikan nila.
"Hello." sabi naman ni Shane at hawak pa ang ballpen at kunwari may isinusulat.
"Hello" sabi ni Bryan.
"Hi." sabi naman ni Shane.
"hi, hello mike test? Or mike test hello hi?" ang biro ni Bryan.
Para lang kasi silang nagma-mike test sa ginagawa nila.
"Or! Hmp anyway, wha--what brings you here?" tanong ni Shane na hindi matignan ng deretso si Bryan.
"I want to talk with you, and to fix all what is broken." sagot ni Bryan.
"for what? For what Bryan? Kaytagal mong nawala, nawala ka na parang bula na di man lang nagpaalam ng maayos.
Bakit ka nandito? Para saan pa ang sinasabi mong maayos muli ang lahat ng nasira? Para saan pa? Para saktan muli ako? Para paluhain muli at iwan muli?" ang tanong ni Shane na tumayo pa at palakad laad sa opisina nito habang sinasabi iyon.
"Let me explain Shane. Please? Can you please give me a chance to explain. Mali ka ng iniisip at inaakala, na kaya ako nandito ay para paluhain kang muli. Hindi lang ikaw ang nagdusa ng mahabang panahon Shane. Ako, mas lalo na ako, nagdusa at naghirap ang kalooban ko ng husto. Kaya pwede ba bigyan mo naman ako ng pagkakataon na makapagpaliwanag? Kung okay lang?" ang saad naman ni Bryan at sinusundan si Shane sa likod nito sa bawat hakbang niya.
"go!" ikling sabi lang ni Shane.
At niyaya niyang maupo sila sa maliit na salas ng opisina niya.
Tulad ng eksplanasyon niya kay Lyca noong magkita sila ay ganun din ulit ang eksplanasyon niya kay Shane. Sinabi niyang si Reymond na kaibigan niya at ang lalakeng matagal ng nanliligaw sakanya ay iisa.
Tulad ng inaasahan nagulat at kinilabutan ng husto si Shane ng marinig ang mga iyon.
Kung bakit pumunta sila Bryan ng America at kung bakit nawala ito ng mahabang panahon.
Klarong klaro na ang lahat para kay Shane, na ang lalaking si Reymond pala ang lahat ng may kagagawan kung bakit umabot pa ng ganitong kahabang taon bago ulit sila nagkitan ni Bryan.
"so anong plano mo ngayon sa pagkakaibigan niyo?" ang tanong ni Shane ng malaman na niya ang lahat.
"after all those things that he did to me, to us, sa tingin mo kaibigan pa ang turing ko sakanya? Magpatawad, oo napatawad ko siya, pero hindi na muling maibabalik pagkakaibigan namin na siya mismo ang sumira. Huwag nga siya ang pag-usapan natin. Ikaw kumusta na?" sabi ni Bryan.
"Eto happily married na." ang biro ni Shane, pero seryoso ang mukha nito sa pagkakasabi.
"Ohw? Really? Well congratz, pero buti hindi nagagalit ang butihing asawa mo kapag suot mo yan?" nakangiti at pilyong tanong ni Bryan kay Shane na nakatingin pa sa bracelet na bigay niya kay Shane noon.
"Syempre............. joke lang yun noh. Naniwala ka naman agad, sa itsura kong to halatang may asawa na ba?" taas kilay na sagot ni Shane.
"Sa tingin mo rin ba napaniwala mo ako? You're sorry babe dahil ......... ." putol na sabi ni Bryan.
"Dahil ano?? Tyaka don't call me babe nga, mamaya may makarinig sayo, malaman pa ng asawa mo sugurin pa ako dito." ang irap ni Shane kay Bryan.
"Huwag ka ngang umirap, pinapatalon mo nanaman uli ang puso ko. Paki pulot naman po, kasi nahulog oh." banat ni Bryan.
"Tse....!" taray ni Shane.
"Wala pa ako asawa noh! Kung yun ang inaakala mo. Kaya nga ako pumunta dito para maayos ang relasyon natin. Yun eh kung bibigyan mo pa ng chance ang pag-iibigan natin." sambit ni Bryan at timingin sa angelic face ni Shane.
"Bryan???" ikling tanong ni Shane.
"Shane, mahal mo pa ba ako?" saad ni Bryan at lumapit pa konti sa kinauupuan ni Shane.
Hindi makaimik si Shane dahil sa saya at kilig na nararamdaman.
"Shane, isang tanong isang sagot, mahal mo pa ba ako? Dahil ako oo mahal na mahal pa rin kita. Mula noon hanggang ngayon." sabi uli ni Bryan.
"Mahal...mahal na mahal Bryan. Sobrang mahal na mahal na mahal pa rin kita, at hindi nagbago ang nararamdaman ko sayo." mahinang boses ni Shane.
"Thank you Shane. I love you, and I will always do." sabi uli ni Bryan tyaka niya muli siniil ng halik si Shane.
"I love you too." sambit naman ni Shane ng maghiwalay ang mga labi nila saka muling nagyakapan ang dalawa.
"So? Tayo na ulit?" pagsisigurado ni Bryan.
"Tayo na, halika tayo na tayo, nakakangawit kayang umupo.. Bleeee habulin mo ako haha." tuwang tuwang sabi ni Shane at nagtatakbo pa kunwari sa loob ng opisina.
"Kapag nahuli kita, isang kiss uli ang premyo ah!" pilyong sabi naman ni Bryan. At hinabol naman niya si Shane.
Swerte ni Shane at nahuli nga siya ni Bryan kaya ang premyo ay muli nilang pinagsaluhan.

BINABASA MO ANG
One True Love
Novela JuvenilOne True Love naniniwala kba sa love at first sight? eh sa 2nd sight? eh sa 3rd sight? joke eh sa destiny? ako kht anu d ako naniniwala eh basta alam ko nararamdaman na lng yan yung ramdam mong sya na ang para sayo may naninira man sa inyo, sa in...