Kwan's
"always fvcking busy!"
tinignan ko si hansol pagkatapos nyang sabihin yung salitang yun at binalibag nya din yung cellphone nya sa gitna namin kaya nagbounce back yung cellphone nya at napunta sa sahig.
kinuha ko yung phone nya at nilagay yon don sa gitna namin, sa kotse. binalik ko ang tingin ko kay hansol na nakakunot ang noo habang matalim ang tingin sa daan. hindi naman sya ganyan kanina, tawa pa nga sya ng tawa at yung ngiti nya halos makita na yung gilagid nya.
"ayos ka lang?"
"yeah.. i just.. just ugh nevermind."
tumango nalang ako sa sagot nya kahit na yung yeah lang naintindihan ko. kinuha ko yung cellphone ko at nagsearch ng wedding venue dito sa batangas. ilang minuto akong nagsesearch, puro beach wedding or garden wedding yung lumalabas na results.
just like yesterday sa tagaytay, puro ganon yung inooffer samin ng mga staff na napagtatanungan namin. kung para saken, okay lang naman kahit saan ganapin yung wedding nila, all i care is that matapos na tong project na to at makakuha agad ng panibagong client since magju-june na. para nadin matulungan ko yung iba ko pang kaibigan sa mga client nila.
i heard na may client na hawak as of today su wonwoo at jihoon hyung, gusto ko din sana silang tulungan kaso pano ako makakatulong kung ilang weeks nalang ikakasal na tong hansolito na to kahit wala pa silang venue.
"may nasearch ka na ba? ilang saglit nalang nasa batangas na tayo."
"wala e. kagaya lang din kahapon. puro beach wedding and garden wedding lang din ang lumalabas."
"why is it so hard?! pwede naman kasi sa simbahan nalang e."
"sabi nyo diba, ayaw ng magulang nyo ikasal sa simbahan? so, wala tayong choice kundi maghanap ng venue."
"ikaw, may nagustuhan ka ba kahapon don sa tagaytay? i mean, sa venue."
"kung ako tatanungin mo, oo meron. actually lahat naman maganda, afford naman sila at kakayanin ko naman bumyahe don para ayusin yon."
"alin don?"
"yung viewpark hotel."
"garden wedding? e ayaw ni umji don e."
"kesa naman dito sa batangas. ilang oras tayong nasa byahe, sobrang hassle kasi malayo sa town natin. di nya pa kasi nakikita yung mismong lugar kaya di nya pa alam."
"..."
"pasensya na pero kung ako tatanungin, mas bet ko na yung pinuntahan natin kahapon. chaka anong petsa na, balak nyo ba kami paggahulin? kayo lang yung naging client ko na magulo about sa venue nila."
"..."
"ito yung unang beses na makakuha ng client na hindi ready sa lahat. kung hindi pa ready, bakit kayo magpapakasal agad? ang gulo gulo pa oh."
"k-kwan.."
"sorry. pero eto lang payo ko ah, pag nagkita kayo nyan ni yewon, please remind her na sumama sya sayo para sya nadin yung makakita ng venue. ang hirap kayang bumyahe. tas sabihin mo din na pwede nyong ipa-move ang kasal nyo, so that i can handle more clients na hindi magulo at seryoso sa kasal nila."
BINABASA MO ANG
over and over [verkwan]✔
Fanfiction[chat series] it will stay brand new, cause I'll love you, over and over again. chat series #2 STATUS: COMPLETED.