👰 03.

190 8 0
                                    

bold - seugkwan

bold italic - vernon

normal - yewon

Kwan's

from: mr. chwe

hello, were on our way to kim cafe and restaurant. we'll see you there. :)

to: mr. chwe

papunta nadin ako. see you :)

"chan? chan?! CHAN?!"

"ANO?!"

"ayan kala ko di ka na lilingon e."

"nu ba kailangan mo, hyung?"iritang tanong sakin ni chan, ka-dormmate ko.

"aalis ako, kikitain ko lang yung client ko tas deretso ko sa pledis. lock mo nalang yung pinto ha kung aalis ka man."bilin ko sakanya.

tumango naman sya sakin sabay ngiti. "oo na, pwede mo nang lantakan yung leche flan at banana milk ko sa ref. ngingiti-ngiti ka pa dyan."

"THANK YOU, HYUNG! DA BEST KA TALAGA!"

"shempre. best quality e."sabi ko sabay paypay pa sa sarili ko at pose nang pacool.

halata sa itsura ng mukha nya na medyo nairita sya sa ginawa ko kaya babatuhin ko sana ng basahan na nakasampay sa gilid ko kaya wala syang nagawa kundi ang tumango saakin sabay saludo.

"alis na ko."

"bye, hyung!"

lumabas na ako ng bahay dala dala ang mga gamit na ipapakita ko mamaya don sa client ko. kailangan ko kasi to para dito sila mamimili ng nga motif nila sa nalalapit nilang kasal. and yes, ako magaayos ng kasal nila, even the smallest details about their wedding ay responsibilidad kong malaman. yon ang trabaho ko.

nagantay ako ng bus sa may tapat ng inuupahan namin nila chan na bahay. kahit wala pang alas nuwebe ay tirik na tirik na ang araw, aysh maghuhulas agad yung bb cream na nilagay ko. andami ko pa namang nilagay para magpantay yung kulay ko sa leeg.

ilang saglit pa ay dumating na yung bus na kanina ko pa inaantay na halos limang minuto. dat pala nag-taxi nalang ako e. malay ko ba kasi na punuan pala yung bus? pero wala akong choice, ginusto ko to hays.

tinignan ko yung oras gamit sa wirst watch ko at fiveteen minutes nalang ay nine na, for sure nandon na yung mag-fiancee na yun, kasi nga diba naka-kotse sila tas ako nakasakay lang dito sa bus na punuan at bawat kanto hinihintuan. kaloka diba?

lumipas ang trenta minutos, oo ay, trenta. pano naman kase mas sugapa pa sa sugapa yung driver ng bus, punong-puno na nga nagsasakay pa. eto namang mga pasahero sakay ng sakay di tinitignan kung kasya pa ba sila sa loob o hindi na e. mukha tuloy kaming sardinas kanina hays.

pumasok ako agad sa restaurant na sinasabi nung vernon na yun. tinanong ako nung isang waiter at sinabi ko yung pangalan ni vernon kaya nilead nya ko sa may VIP seats. kinabahan naman ako kasi nga mahigit bente minutos akong late, kainiz first time kong malate ng ganito sa client ko aysh.

over and over [verkwan]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon