third person's
"nandito na ko sa tapat ng unit mo"
"okay wait"
binaba na agad ni seungkwan ang tawag pagkatapos nyang sabihin sa may ari ng unit na nasa harapan nya ngayon na nandito na sya.
tinignan ni seungkwan ang pintuan while wearing her unbothered face, naalala nya kasi ang mga pinagsasasabi nya kagabi sa conference call nila nila jeonghan.
ilang saglit pa ay bumukas na ang pintuan saktong pagtatama ng kanilang mga mata sa isa't-isa.
tila ba nasa isang pelikula, parang nagsl-slow motion ang bawat pagkurap ng kanilang mga mata. parang tumigil ang oras at wala silang ibang nakikita kundi ang sarili nila sa mata ng isa't-isa.
tumagal ng halos isang minuto ang kanilang pagtititigan, si seungkwan din ang unang umiwas kasi pakiramdam nya ay natutunaw sya sa lalim ng titig ni hansol sakanya.
"pasok ka"
sinunod naman ni seungkwan ang sinabi ni hansol.
as soon as seungkwan stepped inside hansol's unit, he can smell the aroma of the brewed coffee with a combination of the food he is making at the moment.
walang kaano-ano'y nagutom sya ng wala sa oras kahit na kakakain lang nila ni seoks sa isang cafe, one hour ago before sya pumunta dito.
umupo si seungkwan sa usual spot nitoㅡkahit na kahapon lang talaga sila nagsimulang magusap about sa upcoming collaboration nila. kung saan sya umupo kahapon, don din sya umupo ngayon.
sa salas. :)
"i made something for the both of us, tara sa kicthen."
at halos maparolyo na ang mata ni seungkwan kasi kakaupo lang nya tatayo na naman.
kung maaga lang sinabi no hansol yon edi sana dumeretso na sya don. wie kakatamad na kayang tumayo once na naupo kana.
diba? huehue
sinundan ni seungkwan si hansol papunta sa kusina and hansol signaled him to sit on the round dining table na sya namang sinunod nito.
"wait lang ah, matatapos na to."
tumango si seungkwan kahit na hindi nakita ni hansol.
tumalikod si hansol sakanya para gawin yung ginagawa nya kanina.
he stared at hansol's beautiful back. he never knew that this board back of him was this kind of beautiful. kahit likod palang, alam mo nang si hansol to.
"kelan ka pa natutong magluto?"
a stupid question, ain't it?
hansol chuckled enough for seungkwan to hear.
"way back in new york. naghire si mommy ng taga-luto namin ni sofia kasi busy kami. but in my free time, nagpapaturo ako sakanya kung paano magluto."
BINABASA MO ANG
over and over [verkwan]✔
Fanfiction[chat series] it will stay brand new, cause I'll love you, over and over again. chat series #2 STATUS: COMPLETED.