Yoon Jeonghan
active now
seungkwan: hyung? kamusta si chan?
seungkwan: ano daw sabi ng doctor?
seen.
jeonghan: okay na si chan, sa ngayon. lumabas na yung resulta.
jeonghan: over fatigue daw si chan. kailangan nyang maconfine ng three to four days para makapagpahinga.
seungkwan: sabi na nga ba e, sinasabihan ko na huwag ganong magpapagod pero sige padin kakasayaw
jeonghan: kanino pa ba magmamana? edi sa pinsan nyang magaling din sumayaw
jeonghan: okay na daw ba yung bahay nyo? pupunta ka ba dito sa ospital? kasi bukas maaga akong aalis, may client akong aasikasuhin
seungkwan: oo hyung, okay na. papunta na ko dyan, hintay lang ako ng taxi. ako na bahala kay chan gang umaga
seungkwan: pupunta din naman mga magulang ni chan after
seungkwan: sige hyung, out na ko. nandito na yung taxi
seen.
jeonghan: sige, ingat ka at gabi. hintayin kita dito.
seungkwan: 👍
Boo Seungkwan logged out
Yoon Jeonghan logged out
Kwan's
inilagay ko sa bag ko yung cellphone ko pagdating ng taxi sa harapan ko. sinabi ko kung saan ako pupunta at pumerenteng sumandal sa likod.
umuwi kasi ako ng bahay dahil may nangyaring nakawan sa loob ng dorm, mabuti nalang at DVD lang yung nakuha sa dorm namin ni chan. yung iba naming kasama sa ibang bahay, mga alahas at cellphone yung nakuha. nasa dulo naman kasi yung bahay naming dalawa ni chan kaya pagkadating sa pintuan namin ay nahuli na agad nung lanlord yung magnanakaw.
si chan naman dinala namin sa ospital kaninang umaga, hindi ko na kasi kayang alagaan. hindi dahil sa nahihirapan ako, kundi iba na yung lagay nya at apat na araw na syang nilalagnat at sumusuka. buti nalang at natawagan ko si jeonghan at wonwoo hyung na libre nang mga oras na yun kaya nadalian akong makaalis kanina para nga don sa bahay.
kinuha ko ulit yung phone ko sa bag ko at tinignan ko yung messages ko. naseen na ni vernon yung last message ko kagabi pero ni isang like o tuldok hindi sya nagreply.
ilang araw nadin ang nakalipas simula nung nangyari yung hindi ko makakalimutan na kasal, sana. mag tatatlong linggo narin yata simula nung nangyari yun e, hanggang ngayon wala padin kaming balita kung kumusta na si hansol.
ang sabi sakin ni sofia, lumabas daw sya one time tas umuwi ng lasing. after non wala na, nagkulong na ulit sa kwarto nya. maski mga kaibigan nya hindi nya kinakausap, pano pa kaya ako?
sunod sunod din ang naganap na kasalan, at hindi ako sumasama sa mga events na yun kahit na gusto ko. lagi kasi akong ganon, support kumbaga sa mga kaibigan ko na wedding organizer din. ayoko munang makakita ng kinakasal, sariwa pa sa utak ko yung nangyari nung nakaraang linggo.
BINABASA MO ANG
over and over [verkwan]✔
Fanfiction[chat series] it will stay brand new, cause I'll love you, over and over again. chat series #2 STATUS: COMPLETED.