2: LIWANAG

606 23 1
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

LIWANAG ang bumungad sa mga mata ni Arya kaya agaran syang napatayo sa pag-kakahiga at nag unat ng katawan.

"Anong oras na?" Tanong nya sa sarili at tumingin sa orasan nya, saktong alas' dose naman ng tanghali kaya di na sya nag abala.

Arya Sinclair Salvatore, labing pito'ng taong gulang. Nag iisa nalang sa buhay at wala ng pamilyang mauuwian, kaya huminto sya sa pag aaral dahil mas importante ang kanyang pang araw-araw na pagkain.

Walang gana syang nag timpla ng kape, tanghaling tapat pero umiinom ng kape. Nakatulala lang sya habang iniinom ang kape nya, nag iisip kung paano nya mabubuhay ang sarili.

"78 thousand...para lang sa wala.."bulong nya sa sarili.

"Bakit sya nag sayang nag ganoon ka-laking pera para sa wala..."

Nabalik naman sya sa wisyo ng narinig nyang tumunog ang cellphone nya, kinuha nya naman ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napangiwi sya ng makita ang boss nya na tumatawag sa kanya.

"Umuwi ka na at wag ng babalik sa lugar na to. Sapat naman siguro ang pera na nakuha mo sa bidding para pang tustos sayo"

"Hindi mo kailangan babaan dignidad mo"

Nakataktak parin sa utak nya ang mga salita na yan, parang kinakain sya ng konsensya nya sa tuwing naalala nya ang mga salita na yan. Kahit namang di sya nag pagamit sa mga lalake, teka... hindi pa dahil yung lalake na nag bayad ng 78 thousand ay ang unang costumer nya. Halos mag tatlong araw na syang di bumalik doon sa club dahil ang kalahati 78 thousand ay sakanya. Ngayon ang pinag tataka nya bakit tumatawag itong boss nya?

"Hello..." ani nya sa kabilang linya.

"Sinclair! My dear" napa-busangot naman sya.

"Bakit po kayo napatawag?"

"Sinclair, kailangan ka dito sa club! Ikaw ang hinahanap ng mga tao dito. Naku may kakaiba talaga sa sayaw mo kaya ikaw ang bukang bibig nila!"

"Marami naman pong iba dyan..."

"Marami nga pero di ka katulad nila"

Napa-buga nalang ng hangin si Arya, di nya na talagang gustong bumalik doon nagawa nya lang naman yon dahil ang dami nya ng babayaran na utang.

"Ikaw na mismo nag sabi diba? Kailangan mo ng pera, kita mo naman sa isang gabi lang ang laki na ng kita mo ano pa kaya pag nagtagal ka. Pwede mo ng mabili lahat ng gusto mo!"

Di sya makasagot dahil nag iisip sya. Alam nyang mauubos din ang parang meron sya ngayon at hindi pa ito sapat para sa mga utang nya. Kaso sumasagi din sa isip nya ang sinabi ng lalake, ano nalang sasabihin nya pag nakita nyang bumalik sya muli sa club?

Pero napaisip din sya, hindi nakita ng lalake ang muka nya...

"ano na Sinclair, uunahin mo pa ba dignidad mo? Baka malaman ko nalang isang araw wala ka nang buhay dahil napatay ka na nang mga pinagkakautangan mo"

Napalunok si Arya, nag lalaban ang kanyang isipan. Napatingin pa sya sa picture nang kanyang ina na nasa lamesa nya. Napahawak sya dito, sariwa pa sa isipan nya ang mga pag hihirap nila nang mama nya hanggang sa namatay ito sa sakit.

"Ok po....pupunta ako dyan...mamaya.." bulong nya.

'Talaga?! Yan ang gusto ko sayo! Sige kita nalang mamaya" binaba na ng boss nya ang linya, Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kwarto nya. Hindi sya makapaniwala kung bakit...tinanggap nya muli.

"Mahirap talaga pag...nag iisa ka, kailangan mong kumapit sa patalim.." ani nya.

Napag-desisyonan nalang nyang lumabas ng bahay at mamili ng kanyang makakain para kahit papano maaliwasan ang kanyang utak.

"Ano ba yan Ken! Ayusin mo sayaw mo! Di ka sumasabay sa music"

Napatingin naman si Ken sa manager ng grupo nila (hindi po si Anne to) Sinamaan nya ito ng tingin bago inirapan, napansin ito ng manager nila at nag init ang ulo.

"Hoy Ken ayus-ayusin mo yang ugali mo, napaka wala mong galang! Ikaw na nga itong mali" pangaral nito.

"Edi ako na ang mali" sabat nito.

"Ken, tama na yan" ani ni Sejun.

"Hindi porket, magaling ka na ganyan ka umasta! Tandaan mo wala kang mararating kung ganyan ugali mo" inis na ani nito kay Ken.

"Edi kayo ang sumali sa finals, nakaka wala kayo ng gana" ani ni Ken bago umalis sa dance room nila, di naman sya nakinig sa mga sigaw ng kasama nya.

"Hays! Yang si Ken talaga! Kung di lang talaga namin kailangan paaalisin ko na yan dito!" Inis na sambit ng manager nila.

"Pag pasensyahan nyo na po si Ken..." ani ni Stell,

"Hays ewan ko! Bahala kayo" inis nitong sambit at umalis rin sa dance room, napa buntong-hininga naman sila.

"Bakit ba nag kaka-ganito?" walang ganang tanong ni Josh, napatingin naman si Stell sakanya.

Inis na nag lalakad si Ken palabas ng studio nila. Dati pang maigsi ang pasensya ni Ken konting pang iinis mo lang sakanya napipikon na sya kaagad.

"akala mo kung sino! Sila naman sana ang may kailangan saakin!" Inis nyang sambit habang nag lalakad pabalik sa apartment nya, walking distance lang naman ito sa studio nila.

"Bahala sila, sila mag compete sa finals" ani nya sabay irap.

Para syang sira na kinakausap ang sarili habang papasok sa building ng apartment nya.

"Gusto ko silang murahin kaso masyado naman atang bastos" napa kati nalang sya ng ulo nya at huminga ng malalim.

"Ken, kumalma ka" pag kakalma nya sa sarili nya, nag patuloy lang sya sa pag lalakad hanggang sa naka abot sya sa apartment nya. Bubuksan na nya sana ito pero natigilan sya ng bumukas ang katabing apartment nya. Simula ng lumipat sya sa dito hindi nya pa nakita ang taong naka tira dyan.

Lumabas sa pinto ang isang babae, nanliit ang mga mata ni Ken dahil hindi nya inaakala na babae ang naka tira dyan, ang akala nya kase isang matandang lalake na busy sa buhay nito pero mali sya isang babae na parang mas bata pa sakanya.

Nagkatinginan ang dalawa at halos lumuwa ang mata ni Arya.

"Diba sya yung lalake sa club?" Ani nya sakanyang isipan, hindi sya maka galaw nanatiling nakatingin kay Ken.

"Um.. miss? Ikaw ang nakatira dyan?" Ani ni Ken, Nabalik naman sa wisyo si Arya at napatungo.

Mukang hindi ata sya nakilala ni Ken, eh paano sya makikilala kung naka suot sya ng maskara at tanging mga mata nya lang ang makikita.

"Ikaw lang ba mag isa dyan?" Tanong ulit ni Ken, napatungo naman ulit si Arya.

Mukang umiba naman ang atmosphere nilang dalawa kaya naisipan nalang ni Ken na mag paalam para pumasok sa loob.

"ok... sige mauna na ako" ani ni Ken at pumasok sa loob ng apartment nya, napatingin lang si Arya sa naganap. Hindi sya makapaniwala na ang lalaking nasa club ay kapitbahay nya.

Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon