AUTHOR'S POINT OF VIEW:
Nakarinig nang mga malalakas na katok si Arya, napakunot ang noo nya saka dinilat ang mga mata nya. Nakatulog pala sya sa kwarto ni Ken, nakaupo sya sa sahig habang pinatong ang ulo nya sa dulo nang kama. Napaupo sya nang maayos at napatingin kay Ken na natutulog.
Narinig nya nanaman ang sunod sunod na mga katok kaya napatayo sya, sinapo nya ang kanyang mga kamay sa noo ni Ken–mainit parin ito pero hindi na katulad kanina na parang halos pwede ka na mag luto sa sobrang init nya.
Napakamot sya nang ulo nya at nag tungo sa pinto—pag bukas nya palang tumambad sakanya ang muka nang apat na lalake na puno nang pag aalala.
Hindi mapinta ang mga muka nila nang makita ang itsura ni Arya, medyo basa parin ang mga damit nito at medyo magulo rin ang buhok nya.
"Arya" ani ni Josh, alam nya na–na si Arya ang nag alaga kay Ken dahil hindi sya tumigil sa pag tatanong kanina, kaya nga sila nandito dahil nag pumilit sya. Bigla nalang sya umiyak habang sinasabi ang pangalan ni Stell sabay yakap sakanya.
Naramdaman ni Stell ang basa nang mga damit ni Arya pati narin ang pagod nito. Niyakap nya ito nang pabalik at hinimas-himas ang ulo nya para kumalma.
Nakatingin lang ang tatlo sa babae na umiiyak sa harap nila. Napatingin si Sejun kay Stell–mukang mali na si Arya ang pinaalaga nila kay Ken.
Mukang kumalma naman si Arya at napabitaw kay Stell, pinunasan nya rin ang mga luha nya. Siguro na-muo yung pagod at kaba nya kanina sa pag aalaga kay Ken.
"S-sorry. Mental breakdown lang.."mahina nyang ani. Pumasok naman sila sa apartment ni Ken, napatingin-tingin sa paligid habang papasok—kahit kailan ang lungkot talaga nang presensya dito.
Napakunot ang noo nila nang makita ang mga kalat sa sala ni Ken. Yung bag ni Ken na nasa sahig at naka bukas pa at yung pantalon at underwear din ni Ken.
Nagka tinginan silang apat hindi mabasa ang mga isipan nang isa't isa. Napansin din nila ang basang parte nang sofa.
"Anong nangyari dito?" Tanong ni Sejun sabay kamot sa ulo nya. Naupo naman sila sa parte nang sofa na hindi basa.
Nabaling ang tingin ni Josh si bukas na banyo at sa mga bakas nang mga paa dito.
"Stell, diba tumawag ka kay Ken kanina?" Ani ni Justin,napa tungo naman si Stell.
"Si Arya ang sumagot nang tawag" sagot nya, sakto namang dumating si Arya dala dala ang laundry basket ni Ken. Mag sasalita pa sana si Josh nung kunin ni Arya ang pantalon ni Ken at nilagay sa basket. Mukang hindi naman kasi appropriate na isang babae ang gagawa nyan.
"A-Arya, hindi mo naman kailangan–"
"Ano-ano na ang nakita ko kanina ngayon pa ba ako mag iinarte?" Halos walang emosyong ani ni Arya at hinatak nanaman ang basket papunta sa kwarto ni Ken. Bumalik naman muli si Arya sa sala at naupo narin kasama nila.
"S-so...diba may sinasabi ka kanina..nung tumawag ako? Pwede mo na sabihin ngayon.." mahinang ani ni Stell. Ilang segundo munang tumingin lang si Arya sa kanila bago ito bumitaw nang hininga sabay sapo sa ulo nya.
"Hindi ko alam sa buong buhay ko, gagawin ko to" simula nya, napa kunot naman ang mga noo nila. Kanina pa kasi sila nag tataka kung anong nangyari sa dalawa.
Pinipilit na itago ni Justin ang mg ngiti nya dahil hindi mawala sa isip nya na talagang mukang mag asawa ang dalawa.
"Hindi naman ako nainform na sobrang taas nang lagnat ni Ken, yung tipong parang lasing na sya. Akalain mo, kahit ang bigat nya pinilit ko syang dalhin sa loob nang apartment nya"
"At isa sa pag kakamali ko yung pinaliguan ko sya—"
"Pinaliguan mo sya!?" Sigaw ni Josh, nakarinig naman sila nang mga ingay sa loob nang kwarto—mukang naingayan si Ken.
"Ganoon kasi ang ginagawa saakin nang nanay ko pag mataas ang lagnat ko. Eh nakalimutan ko ata na, isang 23 years old na lalake pala tong may sakit"
Napangiti naman si Stell, hindi naman pala ganoon ka sama.
"ang problema doon..." mahina nyang ani.
"hindi nya kaya mag tanggal at mag bihis."
Bigla naman nag karoon nang isang malaking katahimikan sa paligid nila. Ano ano ang pumasok sa mga isip nila.
"I-ikaw ang nag b-bihis kay Ken?" Tanong ni Josh, napapikit naman si Arya at tumungo.
"Sana hindi to maalala ni Ken" nahihiya nyang ani, pero syempre maalala yun ni Ken.
"I-ikaw rin ba ang nagtanggal nang pangbaba nya?" Tanong nanaman ni Josh, halos hindi mapinta ang muka nya.
"O-oo, w-wala naman kasing ibang paraan!" Nag tinginan ang apat saka naman nabalik ang tingin nila kay Arya na saan saan na napadpad ang mga mata.
"Paano? Kung ok lang ba tanungin?" Ani ni Justin, pinanlakihan naman sya nang mata ni Sejun.
"W-wag kayo mag alala! Wala ako nakita! Wala ako nahawakan! Nilagyan ko nang panyo ang mata ko. Si Ken ang nag bukas nang zipper hindi ako! Promise..." Kitang kita nila ang malalim na pag hinga ni Arya. Tumayo si Josh at tumabi kay Arya sabay hawak sa kamay nya, malamig ang mga kamay ni Arya.
"Kalma, ok na" mahinahon nyang ani, napa hinga naman nang malalim si Arya.
"H-hindi ba magagalit si Ken?" Mahina nyang tanong, ngumiti naman nang bahagya ang apat at umiling.
"Ako ang magagalit kay Ken pag sya nagalit sayo—" natigilan sa pag sasalita si Sejun nang marinig nila si Ken sa kwarto nito. Agad na napatayo si Arya at pumunta doon.
"Ganoon na ba kasama ang lagay ni Ken?" Pag aalala ni Justin, tumayo naman si Stell at dinala ang gamot at isang bote nang tubig sa loob nang kwarto–sumunod naman ang tatlo.
Napangiti sila–maliban kay Josh nang makita ang pag aalaga ni Arya kay Ken.
"Ken, kamusta ka?" Matamis nyang tanong, napakunot lang ang noo ni Ken at inayos ang pwesto sa pagkahiga. Naupo si Arya sa tabi nang kama at nilagyan nang bagong basa na bimpo ang noo ni Ken. Hinimas nya ang buhok nito na dahilan na pag hum ni Ken. Nakatingin lang si Arya sa mga kamay nya habang pinag lalaruan ang buhok ni Ken, kahit nabasa na to nang pawis kanina nakakagulat parin dahil ang bango pa rin nito.
Komportableng nakangiti si Sejun habang pinag mamasdan ang dalawa.
"ito na siguro yung hinihiling nya" aniya, napagalitan naman sila sakanya.
"Ang alin?" Tanong ni Justin.
"Yung may mag mamahal at magpalahalaga sakanya, dumating na" nakangiti nyang ani. Walang bakas nang ngiti ang muka ni Josh at binalik ang tingin sa dalawa.
Dapat maging masaya para sa kaibigan nya, saksi sya sa hirap na pinag daanan ni Ken sa buhay at alam nya na pag mamahal ang kulang dito pero bakit hindi nya magawang maging masaya? Bakit nasasaktan sya sa tuwing iniisip nya na si Arya yung tao na mag papadama kay Ken nang pag mamahal na hinahanap nito.
"Arya, gamot ni Ken oh" ani ni Stell, napatayo naman si Arya.
"Mag bibihis lang ako, wala pang kain si Ken siguro bibili nalang ako nang lugaw sa baba para may makain sya at maka inom na rin nang gamot" ani ni Arya, napatungo naman si Stell.
"Kayo muna bahala, inaapoy parin nang lagnat yan kaya madali matuyo ang bimpo, paki palit nalang" bilin ni Arya saka lumabas.
Nag si-lapit naman sila sa kama ni Ken at nag si-pwesto. Napansin din nila ang bukas na cabinet ni Ken at medyo nagkalat ang damit nito.
"Tulog naman si Ken diba?" Tanong ni Justin, napa tungo naman sila. Nagulat sila nang inangat ni Justin ang kumot ni Ken.
"Huy, Jah anong ginagawa mo?" Bulong na pasigaw na ani ni Sejun.
"Kanina pa ako nag iisip, kung ano ang pag baba nito" saad ni Justin at napatingin sa baba ni Ken, Nag tinginan silang lahat.
"So, underwear and short? Si Arya ang nag bihis?" Tanong ni Josh, tumungo naman si Stell.
"Ano kaya reaksyon ni Ken pag nalaman nya to" napailing nalang silang tatlo.

BINABASA MO ANG
Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎
Fanfikce《SB19 𝐊𝐄𝐍 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 》 "tama ba na mahulog ka sa dalawang tao?" Tanong ni Ken sa kaibigan nyang si Sejun. Hindi mapinta ang muka ni Sejun na nakatingin sa kaibigan nya "Sino ba ang mas matimbang sa dalawa?" Napa kamot nang ulo si Ken. ...