21: IBIBIGAY KO

349 15 5
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

"Milagro at late si Josh" ani ni Sejun habang nakatingin sa relo nya.

"Nauna pa nga si Ken sakanya"

"Inspired yan~" Asar ni Justin nasapak naman sya ni Ken.

"Itong si Josh talaga" inis na ani ni Sejun at tinawagan na si Josh.

Nasa studio na kasi silang lahat ngayon para mag practice pero wala pa si Josh.

"Baka broken yun dahil sa kalandian na naganap kanina?" Bulong ni Stell, sasapakin sana ni Ken si Stell pero pinigilan nya ang sarili nya dahil mas matanda si Stell sakanya.

"Susumbong kita kay Sejun pag sinaktan mo ako!" Banta nito, inirapan lang si Ken.

"Porket may girlfriend ka na ganyan ka na" bulong ni Stell, sasapakin na talaga si Ken si Stell nang biglang may pumasok.

"S-sorry! Late ako" hinihingal na ani ni Josh, naka hawak pa ito sa frame nang pinto.

"Josh, umupo ka nga muna. Bakit ba hingal na hingal ka" ani ni Justin at binigyan nang upuan si Josh. Hinabol nya naman ang hininga nya.

"malamang, umakyat nang hagdan yan eh" ani ni Ken, sinamaan lang sya nang tingin ni Sejun.

"dre" ani ni Josh kaya napatingin sila sakanya.

"huling sayaw ko na ata sa sunday"  napakunot naman ang noo nilang lahat.

Bakit huling sayaw? Sa pagkakaalam kasi nila mahal na mahal ni Josh ang pag sasayaw.

"Bakit naman?" maririnig mo ang lungkot sa boses ni Justin. Napabuga nang hangin si Josh.

"Nakilala ko na tatay ko...."

Nanlaki naman ang mga mata nila. Alam nila yung issue ni Josh sa tatay nya dahil sa tuwing nag kaka-problema ito lagi nyang sinisisi ang tatay nya.

"Tapos? Bakit ka aalis??"

"kukunin nya ako...." mahina nyang ani, hinawakan naman ni Justin ang balikat ni Josh.

"Mayaman yung tatay ko, gusto nya akong mag  training para maging heir nya"

Nag tinginan lang lahat.

Mayaman?? Sa kanila kasing lahat si Josh yung lagi nagkaka problema sa pera.

"mabuti yon!"

"Oo nga Josh! Mayaman ka na!"

Masaya nilang ani sa kaibigan, ngumiti lang ito nang bahagya.

"ano ba ang business nang tatay mo?" Tanong ni Sejun, naintriga naman silang lahat.

"Wine, sya ang nag mamayari nang Santos Imports"

Halos malaglag ang panga ni Sejun, kilala ito ni Sejun. Kasi naman sobrang sikat at successful nang Santos Imports.

"Jared Santos?" Tanong nya, napatingin naman agad si Josh nang nabanggit ang pangalan nang tatay nya.

"Bakit mo sya kilala?" Tanong nya, tiningnan lang ni Sejun si Josh nang 'sana aus ka lang's look.

"Alam mo naman mahilig ako mag basa nang articles tapos nabasa ko yung article tungkol kay Jared Santos. Mataas ang tingin sa kanya nang mga tao sa larangan nang wine making" pag papaliwanag nito. Napanganga naman sina Stell.

"Hindi na ikaw ang rich kid saamin Jah, talo ka nito ni Josh eh" asar ni Stell.

"No wonder..." napatingin sila kay Justin.

Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon