37: LUMAKAD NANG

322 15 9
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

Nagising si Josh sa pagka tulog nya at napatingin sa tabi nya, nag taka naman sya nang wala syang nakita na Arya. Bumangon sya sa kama nila at nag tungo sa kwarto ni Jk ngunit wala din syang nakita kaya bumaba sya.

"Asan ang mag ina ko?" Tanong nya sa isang maid.

"Mag ina mo ba?" Napalingon si Josh sa tatay nya na nag lalakad papunta sakanya.

"Umalis na sila" nanlaki naman ang mga mata ni Josh.

"Hah?! Saan sila pumunta!?" Sigaw nya.

"Sa lugar kung saan sila dapat"

Napa mura si Josh sa nang mahina at nilapasan ang tatay nya pero hinawakan sya nito sa braso.

"Stop it son, umamin si Arya saakin kanina. Sinabi nya lahat saakin, hayaan mo na sya" ani nya, napatingin si Josh dito. Hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon nya.

"D-dad.." mahina nyang ani, namumuo na ang lahat sa mga mata nya.

"Maybe hindi lahat nang gusto nang isang Santos nakukuha nya"

"Josh, this is fate. Madami nga tayong pera pero alam mo ano ang kapalit nito? Pag mamahal" hinawakan nya ang kamay nang anak nya at dinala ito sa sofa para maupo. Nakatingin lang si Josh sa mga hita nya, pinipigilan ang sarili.

"May karapatan yung kaibigan mo na malaman ang totoo, hinayaan ko sila kasi alam ko ang pakiramdam na hindi mo alam na may anak ka tapos saka mo lang malalaman pag huli na ang lahat. Kung kailan hindi ka na pwede magpaka tatay sakanya"

"Alam mo Josh, wala man tayo nang pag mamahal galing sa isang babae malakas naman tayo sa kaibigan" napatingin si Josh sa tatay nya.

"Ayusin mo ang relasyon mo sakanila kasi sila ang meron ka" hinimas ni Mister Santos ang likod nang anak nya, napa sandal naman si Josh sa tatay nya at naiyak.

Wala, talo sya.

"Hindi pa huli para itama ang mali Josh. Itama mo ang dapat mong itama" ani nang tatay nya. Napahikbi nalang sya, dumating na nga ang araw na kinatatakutan nya.

Nagising si Arya sa ibabaw ni Ken, nakatulog pala sila sa sofa. Ang sakit nang mata nya sa kakaiyak. Umalis sya sa ibabaw ni Ken nagising naman si Ken at napaupo.

Napatawa nalang nang marahan si Ken pero agad na natigilan nang may naalala sya.

"Tulog pa ba si Kenji..?" Tanong nito, Tumungo naman si Arya.

Tumayo si Ken at nag tungo sila ni Arya sa kwarto ni Ken at nakita ang anak nila na ang sarap nang tulog.

Naupo si Ken sa kama nya at pinag masdan ang muka nang anak nya.

"Ang ganda nang pangalan na Kenji" ani nya, napatawa naman si Arya nang marahan.

"Sinunod ko pa sa pangalan mo yan ah. Yung pinag bubuntis ko si Kenji hanap ako nang hanap nang fried chicken, kasalanan mo yan" ani nya, Napailing nalang si Ken.

"Bakit kasalanan ko? Ganoon na ba kalakas ang genes ko?"

"Diba sabi mo dati ipapamana mo sa anak mo yang matangos mong ilong? Ayan namana nya nga" ani ni Arya sabay turo kay Jk. Tiningnan naman ito ni Ken at napangiti.

Hindi na nya kailangan nang DNA test anak nga talaga nya.

"Ano whole name nya? Santos ang dinala nya?"

Naupo naman si Arya sa kama at tumungo.

"Joshua Kenji Santos. Si Josh nag pangalan nyan, ang gusto ko talaga actually Kenji lang pero yung nanganganak ako si Josh ang nag sign nang birth certificate nito"

Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon