9: SA DILIM

372 13 0
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

Naka upo si Ken sa isang table na mag isa, seryoso syang nakatingin kay Sinclair na sumayaw sa entablado. Wala syang emosyon na nanonood-nag iisip kung paano nya ba mapapaalis yang babae na yan dito sa club. Hindi sya nararapat sa lugar na yan.

"ano ba ang kailangan ko gawin para makinig ka" bulong nya sa sarili nya, nagulat naman sya nang may humawak sa balikat nya. Napatingin sya dito at agad na napa-atras.

"Sir, can I join you?" Malanding ani nang babae na mukang employee dito sa club. Napa kurap kurap naman si Ken dahil hindi nya alam ang gagawin nya.

Napa hawi nang buhok ang babae, pinapakita kay Ken ang balikat nito, Napa ngiwi nalang si Ken.

"Sir, relax lang" ani nya pa uli at lumapit kay Ken, naiilang naman si Ken-hindi sya sanay sa ganto. Mas dumikit naman ang babae sakanya pilit ipadama kay Ken ang dibdib nito, napapikit si Ken at huminga nang malalim.

"Ken, kumalma ko. Babae yan" bulong nya sa sarili para hindi nya masapak tong babae na to.

"ehem"

Napadilat si Ken at napatingin kung saan nang galing ang boses, tumambad sakanya ang babae na naka suot nang pula na maskara.

Agad namang napa bitaw ang babae kay Ken nang makita ang tao na nasa harap nya.

"Sinclair, bat ka andito? Diba hindi ka pwede mag table?" Ani nya, deretsyo lang ang tingin ni Arya sa dalawa. Habang sumasayaw kasi sya kanina sa entablado nakita nya na mukang naiilang si Ken sa ginawa nang babae. Kaya minabuti nya nalang ito tulungan kasi alam nyang hindi sya tatantanan nito hangga't hindi mag lalabas nang pera si Ken.

Sumenyas si Arya sa babae na lumapit sakanya, tinaas naman ng babae ang mga kilay nya pero tumayo lang din ito at lumapit kay Arya.

"May reservation yan saakin" bulong nya, napatingin naman sakanya ang babae nang may pag tataka.

"Kailan ka pa nag karoon nang reservation?" Bulong nya pabalik. Aware naman ang babae na to na patok si Arya sa mga lalake dito pero alam nya naman na hindi pumapayag sa ganyan yan.

"ngayon lang"

Napatingin naman muli ang babae kay Ken at mukang nang hihinayang ito na ipa-ubaya kay Arya.

"Ghorl, ang hot nyan sayang naman. Ano naman ang alam mo sa pag table eh baguhan ka lang? Yang mga ganyan na lalake dapat pinaparanas nang langit yan" bulong nya, napangiwi naman si Arya sa sinabi nya.

"ako na nga bahala, reserve nga diba?" Bulong nya pabalik, onti nalang at masasapak nya tong babae sa tabi nya. Napairap nalang sya at nilapag pasan ang babae at naupo sa tabi ni Ken. Hindi naman maka paniwala ang babae sa ginawa ni Arya at1 inis na umalis. Nung nakita na ni Arya na umalis na ang babae, napa buga naman sya nang hangin.

Nabaling ang tingin nya kay Ken na nasa tabi nya na nakatingin lang sakanya. Wala naman sya balak na mag salita kasi baka makilala sya nito.

Gumawa sya nang parang box gamit ang kamay nya, nag taka naman si Ken dahil hindi nya ito makuha kung ano ang pinahihiwatig nya.

Napa-sapo nalang sa ulo si Arya dahil sa sobrang slow ni Ken. Inulit naman ni Arya ang ginawa nya pero mas klaro para makuha ni Ken, napatungo naman si Ken dahil mukang naintindihan nya. Nilabas nya ang cellphone nya-napatungo naman si Arya dahil sa wakas nakuha na ni Ken ang ibig sabihin nya.

Napa kunot lang ang noo ni Ken dahil hindi nya alam kung ano ang gagawin nang babae na nasa tabi nya. Nag tungo si Arya sa notes nang cellphone ni Ken at nag simula mag type. Ito lang ang naisip nyang paraan para makausap si Ken nang hindi nag sasalita.

Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon