12: PINAPANGAKO

331 16 2
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

Napangiti si Arya nang masilayan ang pag aalaga nang mga kaibigan ni Ken sakaya. Inaayos ni Stell ang mga damit ni Ken na nag kalat, pinapalitan ni Justin ang bimpo ni Ken habang nanatili sa tabi nya si Sejun at Josh na nakatulog.

"Arya andyan ka na pala" ani ni Stell, napadilat naman agad sina Josh at napa tayo.

"Kayo talaga, Nakiki-higa pa kayo sa may sakit" ani ni Justin, napa tawa naman nang marahan si Arya.

"Grabe ka naman, ang layo namin! kita mo naman na ang laki nang kama ni Ken. Ano ba Ken, mag isa ka lang naman ba't pang dalawang tao tong kama mo" Sabat ni Josh.

"Wag mo naman masyadong ipaglandakan na mag isa lang si Ken. Sige ka mamaya may hindi ka inaasahan na tao ang hihiga dyan katabi si Ken" asar ni Stell, inirapan lang sya ni Josh. Kinuha naman ni Arya ang eyeglasses nya na sakto nasa tabi nang basin na ginagamit para sa bimpo. Napatingin si Justin kay Arya nang sinuot nya ito.

"Sayo pala yan, nag taka ako kung kanino yan eh. Akala ko kay Ken" ani ni Justin.

"Arya yan na ba yung lugaw ni Ken?" Tanong ni Stell nung nakita nya ang dala ni Arya, napatungo naman sya.

"kukuha ako nang kutsara" ani ni Josh at tumayo.

Umalis naman si Justin sa lugar nya para maka-pwesto si Arya dito. Dahan dahang umupo si Arya sa tabi ni Ken at sinapo ang kamay nya sa noo nito.

"Medyo bumaba na" aniya sakto nang dumating si Josh dala-dala ang kutsara.
Binabantayan lang nang apat ang mga susunod na ginagawa ni Arya kaya napatingin sya sa kanila.

"Baka may gusto sainyo na pakainin sya...?" Hindi nya sigurado na ani,agad naman silang napailing. May sasabihin pa sana si Josh pero agad sya pinanlakihan nang mata ni Stell.

Napa-buga nalang nang hangin si Arya at nilapag yung lugaw sa bed side table ni Ken kasama nang basin nito, andoon na rin yung tubig at gamot.

"Ken, gising. Kailangan mo kumakain para makainom ka na nang gamot" ani nya, nagtama lang ang dalawang kilay ni Ken. Biglang nawala ang emosyon sa muka ni Arya at napalanghap nang hangin.

"Ken, kailangan mo kumain para gumaling ka. Diba may competition pa kayo? Gusto mo mawala nalang nang ganoon ang pinag hirapan mo? Sige na please kain na, para sa mga kaibigan mo"

"At saakin..." mahina nyang ani pero narinig ito ni Ken. Dahan-dahang dumilat ang mga mata ni Ken at nag tama ang mata nilang dalawa ni Arya.

Napasiko naman si Stell kay Sejun.

"tingnan mo tong si Ken, pabebe pa" bulong nya.

"Ken, umupo ka para makakain ka" nakangiting ani ni Arya, dahan dahan namang napa-tungo si Ken at pinilit ang sarili na umupo—inalayan naman sya ni Arya para mapa-sandal sya sa headboard nang kama nya. Kinuha naman ni Arya ang unan at nilagay ito sa likod ni Ken para mas komportable ito.

"Magiging magaling na asawa to si Arya someday" komento ni Sejun, napatungo naman ang iba.

Nakatitig lang si Josh sa dalawa, hindi nya alam pero hindi sya natutuwa sa mga nang yayari. Napa yukom sya nang kamao nya nang sinubuan ni Arya si Ken, hindi nya nalang pinansin ang mga mahinang tili ni Stell at Justin.

Sumasabay ang tingin nya sa kutsara na papunta sa bibig ni Ken, hindi nya alam kung bakit pero nakakaramdam sya nang....selos.

Napatingin si Sejun kay Josh at bumaba  ang tingin nito sa kamao ni Josh.

"Josh, pwede mo ako tulungan punasan yung basa sa sala?" Aniya, napatingin naman si Josh sakanya at tumungo.

"Josh, anong nararamdaman mo?" Tanong ni Sejun habang pinupunasan ang sahig, napatigil naman sa pag mop si Josh nang sadlit at tumuloy nanaman.

Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon