AUTHOR'S POINT OF VIEW:
Nakatayo si Ken sa harapan nang pinto nang kapitbahay nya, nag dadalawang isip kung kakatok ba ito o hindi.
"bakit ko ba to ginagawa?" Tanong nya sa sarili nya. Tinakbo nya ang kanyang mga daliri sa buhok nya at napa hinga ng malalim at saka kumatok sa pinto nang tatlong beses. Nakarinig naman sya nang ingay nang pinto sa loob.
Baka palabas palang nang kwarto.
Bumukas ang pinto sa harap nya at tumambad si Arya, hindi maiwasan ni Ken na mapatulala.
Ken, umayos ka nga.
Nabalik naman sya sa wisyo at ngumiti nang marahan sa babae kaya napangiti din ito.
"Yes..?" Tanong nito, napa kamot naman nang ulo si Ken. Hindi sigurado sa sasabihin nya.
"nung isang gabi kasi..." simula nya.
"May nabanggit ka tungkol sa 'youth' diba?"
Napataas ang mga kilay ni Arya at unti-unting nahiya. Akala nya nakalimutan na ni Ken yon.
"gusto mo ba maranasan at mabalik ang kabataan mo?" Tanong ni Ken, nag tinginan lang ang dalawa. Unti-unting napa tungo si Arya.
"ibabalik natin...bayad ko na rin ito sayo sa pag aalaga mo saakin" ani ni Ken at umiwas nang tingin.
"Seryoso ba yan?" Tanong ni Arya, napatingin naman si Ken sakanya saka napatungo. Napangiti naman si Arya at napatawa nang marahan.
"Ano gagawin natin?" Nakangiti nyang tanong. Nilabas naman ni Ken ang cellphone nya at binasa ang mga text ni Justin.
"Manood nang movie?" Hindi sigurado nyang ani. Naisip nya kasi na baka ang corny at chessy nito. Galing pa naman sa corny na tao.
Bigla lumiwanag ang mata ni Arya sa sinabi ni Ken.
"Movie!!?" Sigaw nya, napatungo naman si Ken.
Parang napapangiti basin is Ken dahil sa malawak na ngiti ni Arya. Kitang kita sa mga mata nito ang excitement.
"yesssss!!!!" Masayang nyang ani sabay talon talon.
"Mag bibihis lang ako Ken" ani nya at agad na tumakbo papasok sa kwarto nito. Napailing nalang si Ken at sinirado ang pinto nang babae.
Hindi naman kailangan mag bihis ni Ken, komportable na sya sa suot nya na jacket at pantalon.
Alam nya naman na matagal mag bihis ang mga babae kaya naisipan nya nalang maupo sa tabi at manood nang kung ano ano.
Josh:
Dre, absent ka parin para sa practice?
Napakunot ang noo nya sabay kati sa ulo nya, nakalimutan nya ata na may practice. Sa Sunday na pala ang competition, wala naman sya problema alam nya naman ang step eh.
Oo, mag papalakas ako para sure na sure ako sa competition.
Pag sisinungaling nya sa kaibigan, nawala kasi sa isip nya ang practice. Ayaw nya naman sabihin na may lakad sya.
📞Stell is calling
Accept Decline
Napairap nalang sa kawalan si Ken at sinagot ang tawag.
"Hello?" Medyo walang gana nyang ani.
![](https://img.wattpad.com/cover/201879292-288-k336989.jpg)
BINABASA MO ANG
Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎
Fiksi Penggemar《SB19 𝐊𝐄𝐍 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 》 "tama ba na mahulog ka sa dalawang tao?" Tanong ni Ken sa kaibigan nyang si Sejun. Hindi mapinta ang muka ni Sejun na nakatingin sa kaibigan nya "Sino ba ang mas matimbang sa dalawa?" Napa kamot nang ulo si Ken. ...