AUTHOR'S POINT OF VIEW:
Dala dala ang mga pagkain at kung ano pa, maingay na umakyat ang anim sa apartment building. Minsan sinisita pa nga sila nang mga ibang tao na nakatira dito.
"Alam nyo, wag nyo kami bigyan nang bad impression sa mga tao dito" ani ni Ken.
Nakarating na sila ngayon sa harap nang apartment ni Ken, binuksan naman ito ni Ken at parang sila ang may ari nang bahay kung pasok ang apat.
Hindi nalang ito pinansin ni Ken at pumasok narin.
"mag saya tayo all night! Wala kaming biniling alak ngayon eh" ani ni Josh. Nilapag naman ni Stell at Sejun yung mga dala nilang plastik sa lamesa.
"Ken! Paki labas nga nang tv mo, Bakit kasi nasa kwarto mo yon" reklamo ni Stell.
"hmnn, Alam na" asar ni Josh sabay taas baba nang kilay. Nakatanggap lang sila nang middle finger kay Ken pero sinita sya ni Sejun.
"ano pala yon?" Inosente na ani ni Arya kaya natahimik sila.
"Wala yon" ani ni Ken at ngumiti dito. Nag 'owww' naman si Stell at Justin.
Napakamot nalang nang ulo si Ken at pumasok sa kwarto nya, sumunod naman si Sejun sakanya para tulungan sya sa pagkuha nang tv.
"So, may plano pala kayong dalawa na mag sleep over?" Tanong ni Sejun,napatingin naman si Ken.
"Hindi naman sa ganoon—"
"Pasensya na kung naka-sira kami sa plano nyo" ani ni Sejun, natigilan naman sa pag kuha nang tv si Ken at tinaas ang kilay nya.
"Sejun, natandaan mo yung tinanong ko sayo tungkol sa youth?"
"Oo, bakit?"
"Si Arya kasi ang nag sabi non..."
Tuluyang hinarap ni Sejun ang katawan nya sa kaibigan. Mukang naintriga sya dito.
"Nawala sa kanya ang kabataan na dapat naramdaman nya dahil sa mga responsibilidad nya"
"Ang gusto ko lang naman ay ibalik sakanya, ito narin siguro ang bayad ko sa pag aalaga nya"
Walang imik na nakatingin si Sejun sa kaibigan nya, parang nag bago ito.
Hindi naman kasi talaga nakikialam si Ken sa buhay nang iba pero nang dahil kay Arya, natuto nang bumukas ni Ken nang pinto para sa iba.
Arya for the better
Tama si Stell, this girl is unbelievable.
Ang kinatatakutan nya lang ay si Josh, alam nya ang nararamdaman ni Josh kahit hindi ito sabihin ni sakanya.
"Sige na, ilabas na natin tong TV" ani nya, tumungo naman si Ken at nag simula na silang ibuhat ang TV palabas.
"Andyan na ang tv!! Ano panonoorin natinnnn!!!" Sigaw ni Justin, Masyado syang nag e-enjoy.
"Ken! Ken! Ilabas mo mga mattress mo, hihiga tayo dito sa sahig lahat" ani ni Stell, napatungo nalang si Ken at nag tungo ulit sa kwarto nya.
Ito ang ayaw ko na dito mag overnight eh, gagawin lang akong katulong.
"Saan ang ibang mattress?" Halos mapatalon sa gulat si Ken nang may nag salita sa likod nya.
Si Arya lang pala.
"Tutulungan na kita" ani nya at ngumiti , parang nawala ang inis ni Ken.
Nababaliw nanaman daw sya.
"meron pa sa cabinet" ani nya, nag tungo naman si Arya sa cabinet at binuksan ito.
"Alam mo Ken, first time kong mag overnight with friends..?" Hindi siguradong ani ni Arya, hindi nya naman alam kung kaibigan nya ba talaga sila. Napangiti naman si Ken.
BINABASA MO ANG
Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎
Fanfic《SB19 𝐊𝐄𝐍 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 》 "tama ba na mahulog ka sa dalawang tao?" Tanong ni Ken sa kaibigan nyang si Sejun. Hindi mapinta ang muka ni Sejun na nakatingin sa kaibigan nya "Sino ba ang mas matimbang sa dalawa?" Napa kamot nang ulo si Ken. ...