10: WALANG MAKAKAPIGIL

373 16 1
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

Tunog nang mga sapatos at music ang maririnig sa loob nang dance studio nila. Seryosong sumasayaw ang limang lalake, pursigido silang matapos ang sayaw ngayon araw dahil malapit na ang competition nila.

Napa punas nang pawis sa Stell habang sumasayaw, binibigay nya ang lahat para hindi na sila umulit pa-nakatingin kasi sakanila ang manager nila.

"Ken, konting energy naman" ani nya kay Ken, napa lunok nang laway si Ken at inayos ang pag sayaw.

"Tama yan Josh, keep up that stare" Napangiti naman si Josh.

Seryosong nakatingin ang manager nila sakanila, bawat kilos ay binabantayan. Sinisigurado na walang bahid nang mag kakamali.

SB19 ang tawag sa grupo nilang lima, kilala sila sa larangan nang dance covers. Sadyang magaling kasi ang grupo nila at nakailang panalo narin.

Natapos na ang music at nag pose na sila, mga limang segundo muna bago sila naupo at nahiga sa sahig. Hinahabol nila ang pag hinga nila at mukang naliligo na sila sa mga pawis nila.

"T-tama nga si m-manager, ang pag s-sasayaw parang sex" tawa ni Josh agad namang napatingin si Sejun sakanya.

"g-ganito ang feeling after" Tuloy nya, napatawa naman si Stell at Justin.

"Bakit naranasan mo na ba? Virgin ka pa" asar ni Stell sakanya, napatawa nalang din si Sejun saka tumayo at kinuha ang tubig nya sumunod naman sina Josh maliban kay Ken na nanatiling naka higa sa sahig. Nakapikit ang mga mata nito at malalim ang pag hinga.

"Ken?" Tawag ni Sejun pero walang imik si Ken, nilapitan naman sya ni Josh-lumuhod si Josh sa tabi nang ulo ni Ken at tinapik ang balikat nito.

Napakunot naman ang noo ni Josh dahil walang imik parin si Ken, sumunod namang lumapit si Stell na may dalang tubig.

"Ken, tubig oh" ani nya at hinawakan ang noo nito, natigilan naman si Stell nang maramdaman na mainit si Ken.

"Dre, mainit ka" ani ni Stell, napatingin naman si Sejun sakanila habang sinapo naman ni Josh ang kamay nya sa noo ni Ken. Talagang mainit nga.

"Ken, may lagnat ka" ani ni Sejun, tinulungan naman sya ni Justin at Stell na tumayo-halos walang lakas na si Ken at medyo nakapikit na rin ito. Pinipilit nya ang sarili nya na tumayo.

"H-hindi d-dre, kaya ko" mahina nyang ani nung naka upo na sya sa isang upuan. Kailangan nilang matapos ang sayaw ngayon para sa finals.

"Anong kaya mo? Nakita mo naman na halos hindi ka na maka tayo" saway ni Stell sakanya, pinunasan naman ni Justin ang pawis ni Ken.

"Ken, maalis mo ba ang damit mo? Kailangan mo mag palit nang damit"

Napailing naman si Ken.

"W-wala ako d-dalang damit" bulong nya, napa sapo nalang si Sejun sa muka nya.

"May damit ako" ani ni Josh sabay abot nang damit nya, umiling nanaman si Ken.

"H-hindi na Josh" mahina nyang ani, Sakto namang dumating ang manager nila at nakita si Ken, lumapit sya dito.

"Uy Ken, bat yan" ani nya, napatingin naman sila sakanya.1

"May lagnat si Ken"

"Kaya mo ba Ken?" Tanong nya sabay sapo nang noo ni Ken, nabahala naman sya nang maramdaman na sobrang init nito.

"Ken, umuwi ka muna mas unahin natin ang kalusugan mo. Kayong apat maiwan kayo"

"Sino mag aalaga kay Ken?" Tanong ni Justin, napatungo naman ang tatlo. Nag isip naman ang manager nila, hindi naman pwede na yang apat ay umalis dahil kailangan nila i-tuloy ang ensayo.

Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon