AUTHOR'S POINT OF VIEW:
"Congratulations Felip Jhonnnnn!!!!" Masayang sigaw ni Justin.
Naka pasa si Ken sa board exam.
"Wag mo nga ako tawagin nyan!" Reklamo nito, Napatawa lang si Arya.
"Dapat mong mahalin ang pangalan mo Felip Jhon" asar nya mas lalo.
Andito sila Justin, Stell at Sejun sa apartment nya. Wala si Josh dahil busy.
Nag ce-celebrate sila para kay Ken."Cheerssss!!!" Malakas na sigaw ni Stell, natapunan naman sya nang unan ni Sejun.
"Umayos ka nga" utos nito, napa busangot naman si Stell.
"Ano na plano mo Ken?" Tanong ni Justin kay Ken na kumain sa tabi nya. Andoon si Arya sa kusina nag luluto nanaman nang fried chicken dahil nag hahanap ang anak nya nito.
"Well Architect na ako, hahanap nalang ako nang kompanya pero habang wala pa doon muna ako kay Josh" ani nya, lumapit naman si Stell.
"Musta maging boss si Josh?"
"Okey lang man sya, lagi lang sya stress. Meeting doon meeting dito! very busy man" ani nya sabay inom nang coke.
"Sa pamilya mo, ano plano mo?" Tanong ni Sejun, napangiti naman si Ken.
Ang sarap pakinggan sa mga tenga nya ang salitang 'pamilya nya'. Lamaki kasi syang malayo ang loob sa sarili nyang pamilya kaya sobrang saya nya nang nag karoon sya nang pamilya nya.
"Hmn, mag pro-propose ako kay Arya" bulong nya, nanlaki naman ang mata nilang lahat. Napatakip nang bibig si Stell para hindi maka sigaw.
KenYa shipper yan since chapter 1
Mas solid pa sa relasyon nyo.
"Habang nag hahanda kami sa kasal may nahanap na akong malilipatan. Mas malaki sya para may sariling kwarto na kami ni Arya diba?" Ani nya sabay tawa.
"Hmn, may kakaiba sa tawa natin Suson" ani ni Stell, tumawa nalang si Ken.
"Proud ako sayo, Ken" ani ni Sejun at ngumiti sakanya.
"Salamat Sejun, salamat Jah, salamat Stell"
"Hindi nyo ako iniwan, nandyan kayo lagi sa tabi ko" ani nya. Na-touch naman si Stell.
"Ano ba mag kapatid tayo diba??" Ani ni Justin.
"Group hugggggg" sigaw ni Stell at nag yakapan sila.
"Sayang wala si Josh" malungkot na ani ni Ken.
"Okey lang, kahit andito yun di ko rin feel hug non—"
"Sige, asarin mo nanaman si Josh eh!"
Tumawa lang sila.
"Babe, kape gusto mo" agad naman nabilaukan sa sariling laway si Arya. Hindi talaga sya masasanay sa babe na yan eh.
Tinanggap naman ni Arya ang kape.
"Ubusin mo yan ah, lagot ka saakin pag di mo ubusin yan" banta ni Ken, napakunot naman ang noo ni Arya.
Hindi naman sya mahilig sa kape eh.
"Hindi ko mauubos to" busangot nya, kinuha naman ito ni Ken at ininom ang kalahati.
"Ayan, ubisin mo" weird lang na nakatingin si Arya kay Ken pero kinuha lang din ang baso at ininom ito.
Habang umiinom sya may napapansin sya sa dulo nang baso sa loob, may nakasulat.
WILL
Tinuloy nya lang ang pag inom.
YOU
Natigilan naman sya,
Ano to?
Ininom nya ito nang mabilisan para tuluyan mabasa ito.
MARRY ME?
Nabilaukan si Arya at nabitawan ang baso kaya nabasag ito sa sahig.
"Oy!" Sigaw ni Ken, gulat parin si Arya sa nabasa nya. Dahan dahan syang napatingin kay Ken.
"So?" Tanong nya, mas lalo naman nang laki ang mata nya. Nabigla lang sya.
Niyayaya na sya nang kasal ni Ken,dahan dahan nyang kinakalma ang sarili nya.
ARYA SAGOT!!!
"Arya?" Napatingin sya muli kay Ken. Napalunok sya.
Yes! Sabihin mo!!
Parang ayaw lumabas nang boses nya, nabahala naman si Ken at hinawakan ang dalawang kamay ni Arya.
"Babe?" Hindi ito nakatulong at mas lalo lang sya nahirapan sumagot.
Huminga sya nang malalim.
"Ken" tawag nya, nag tama naman ang mata nila.
"Yes, mag papa kasal ako sayo" ani nya. Nanlaki naman ang mga mata ni Ken.
"Yes!?" Sigaw nya, tumungo naman si Arya.
"THANK YOUUUUUU!!!" malakas na sigaw ni Ken at niyakap si Arya.
May nilabas naman na box nang singsing si Ken at nilagay ito sa daliri ni Arya.
"Alam mo balak ko ilagay ang singsing sa kape" natatawang ani ni Ken, natawa naman si Arya.
"Buti hindi mo ginawa, baka nasakal kita bago ako magkasal sayo" ani nito.
Ngumiti naman si Ken kay Arya.
"Akalain mo, yung babae na nakilala ko sa club kapitbahay ko pala tapos ngayon magiging asawa ko na" ani ni Ken, napatawa naman si Arya.
"Akalain mo, yung lalake na nag bayad nang 78 thousand kapitbahay ko pala tapos ngayon may anak na kami" laban ni Arya.
"Akalain mo yun, tinadhana tayo.."
"Oo, tinadhana tayo"
Pinag dikit ni Ken ang mga noo nila.
"Akalain mo yun, yung kanta na best part parang kinukwento ang love story natin" napa tawa nalang nang marahan si Arya.
"I love you"
"I love you too"
oh I just wanna see, I just wanna see how beautiful you are. You know that I see it I know you're a star, Where you go I follow no matter how far. If life is a movie oh you're the best part, oh oh oh You're the best part, oh oh oh Best part
THE END
============================
BINABASA MO ANG
Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎
Fanfiction《SB19 𝐊𝐄𝐍 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 》 "tama ba na mahulog ka sa dalawang tao?" Tanong ni Ken sa kaibigan nyang si Sejun. Hindi mapinta ang muka ni Sejun na nakatingin sa kaibigan nya "Sino ba ang mas matimbang sa dalawa?" Napa kamot nang ulo si Ken. ...