36: YEAH

316 16 0
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

Gabi na pero gising na gising parin si Arya. Hindi mawala sa isip nya yung mga nang yari kanina, yung muka ni Ken at yung mga sinabi ni Ken sakanya.

Masakit yung mga sinabi sakanya sa totoo lang. Kinakain na sya nang konsensya sya, may karapatan si Ken na malaman ang totoo.

Napatingin sya kay Josh na ang sarap nang tulog, nilapag nya ang kanyang kamay sa buhok ni Josh at pinadaan ang mga daliri nya sa buhok nito.

Sa dalawang taon, hindi nya lang naman nagawang mahalin ito.

Mabait ka Josh, nasayo na nga ang lahat...walang mali sayo... saakin meron.

Hindi parin ako maka alis sa nakaraan namin ni Ken.

Sana, mapatawad mo ako sa gagawin ko Josh.

Napa punas nang luha si Arya. Gagawin nya ang tama.

Kakausapin nya si Ken, sasabihin nya ang lahat nang dapat malaman ni Ken.

"Salamat sa lahat Josh" bulong nya at hinalikan ang noo nito. Umalis sya sa kama at nag bihis, tumingin pa sya kay Josh at napangiti bago pumunta sa kwarto ni Jk.

"Kenji.." tawag nya pero ang sarap lang nang tulog nito. Kumuha sya nang bag at nilagyan ito nang mga gamit ni Jk, binuhat nya si Jk na wala lang naman imik dahil tulog mantika ito. Hindi nya rin kinalimutan ang chicken stuffed toy nito.

Dala dala ang isang bag at buhat buhat si Jk mailap syang nag lakad pababa nang hagdan.

"Where are you going?" Napatigil si Arya at napatingin sa may sofa. Nakaupo doon si Mister Santos.

"Saan mo dadalhin ang apo ko?" Tanong nya, napalunok naman si Arya.

Naupo sya sa sofa at kandong kandong si Jk.

"Dad..may aaminim ako" simula nya.

Natagpuan nalang ni Arya ang sarili nya na nakaupo sa isa sa mga kotse nang mga Santos.

Sinabi nya ang lahat kay Mister Santos at mukang naintindihan nya naman ito. Mali ata ang tingin nya dito dahil sobrang bait nito, hinatid pa sila.

Nakatulala lang sya sa bintana nang kotse.

"Tama itong gagawin mo Arya" bulong nya sa sarili nya. Napatingin sya sa bata na natutulog sa mga kamay nya at napangiti.

"kaya siguro hindi ko makalimutam tatay mo kasi ikaw yung nag papaalala saakin sakanya" matamis nyang ani at hinimas ang pisngi nito. Naalala nya nanaman yung biro ni Ken tungkol sa ilong nya na ipamamana nya sa anak nya at totoo nga namana nang anak nya yon.

"Ma'am andito na po tayo" ani ni Charles, napatingin sya sa labas nang bintana at napangiti nang mapait nang makita ang apartment building nya. Ang daming alala dito.

"Salamat Charles" ani nya at ngumiti dito. Binuksan naman ni Charles ang pinto at tinulungan sya na kunin ang bag.

Umalis na ito at naiwan sila sa tahimik at madilim na daan. Ala una na kasi nang umaga. Binuhat nya ang ang bag nya at nag simula nang mag lakad papasok nang building.

Kahit nahihirapan sya dahil medyo mabigat si Jk hindi nya nalang ito pinansin at at nag patuloy umakyat sa hagdan.

Nakarating na sya sa floor nila ni Ken dati at napalunok nang malalim. Sobrang dilim na dito nga madaling araw na. Tanging mga yapak nya lang ang maririnig nya. Napatigil sya sa pinto nang apartment ni Ken, ito na. Nakatingin lang sya dito.

Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon