AUTHOR'S POINT OF VIEW:
Hindi makapaniwala si Arya sa kung ano ANG NAKIKITA nya. Kaharap nya lang naman ang lalakeng nag ligtas sa kanya sa kapahamakan.
Sinundan nya lang ng tingin ang lalaki nang pumasok na muli ito sa loob ng apartment nito. Halos hindi parin sya makapaniwala, bagong lipat lang kasi sya dito sa apartment building na ito at mag da-dalawang buwan na rin sya dito ngunit hindi nya lang naman nakita ang lalaki na yan dito. Siguro dahil laging syang wala sa apartment dahil abala sya sa pag hahanap buhay para sa sarili nya.
"bakit sa lahat ng tao sya pa?" Ani nya sa sarili nya. Mukang hindi naman sya nakilala nung lalake kaya naka hinga sya ng maayos kahit papano.
Napailing nalang sya at nag patuloy nalang sa pag lalakad. Kailangan nya pa pala mamili ng mga kakainin nya, habang may pera pa sya.
Malalim syang nag iisip habang pababa sya ng building,hanggang ngayon iniisip nya parin kung tama ba ang desisyon nya na bumalik sa club. Wala naman kasing tatanggap sakanya na matinong trabaho lalo na't hindi pa sya nasa legal na edad, kung meron man hindi rin ito sapat para mabayaran ang mga babayarin nya dagdag pa dito ang utang nya.
Dahil sa sobrang lalim ng iniisip nya hindi nya na nabantayan ang kanyang dinadaanan kaya may nasagi syang ibang tao. Napa-aray naman sya ng mahina saka tumingin sa taong na-sagi nya.
Tumambad sakanya ang isang lalake na may kakaibang kulay ng buhok, silver ang buhok nito at naka suot ng sweater.
"Miss, sorry" ani nito, napa tungo naman si Arya at nag patuloy lang sa kanyang pag lalakad.
-
"Bro! Buksan mo to!" Ani ni Josh sa labas ng pinto ng apartment ni Ken. Napakamot naman ng ulo si Ken at inis na nag tungo sa pintuan.
"Ano ba Josh!?" Inis nyang sambit, ngumiti naman si Josh at walang paalam na pumasok sa apartment ni Ken.
"Alam mo, may nabangga akong cutie sa baba kanina" ani ni Josh, napa taas naman ng kilay si Ken.
"Hindi mo naman pala sinabi saakin na may mga cutie dito"
Napairap naman si Ken.
"Josh, sa tingin mo ba may pakealam ako sa 100+ na mga tao na nakatira sa building na to?"ani nya, napa busangot naman si Josh at napaupo sa sofa ni Ken.
"Bakit ba iba ang timpla mo? Nung isang araw ka pa eh"
"Lagi naman hindi maganda timpla ko" sagot ni Ken, napatawa naman ng mahina si Josh.
"Oo, pero iba ang timpla mo ngayon. Daig mo pa yung kapeng nasobrahan ng paglagay ng kape eh" Napaharap naman si Josh sa kaibigan nya at deretsyong tumingin sa mga mata nito.
"Simula nung lumabas ka ng club naging ganyan ka na,sabihin mo anong ginawa sayo ng babaeng yon?" Napatingin naman si Ken kay Josh at tiningnan ito ng may pag tataka.
"gago ka ba?" Ani nito, napailing lang si Josh.
"Ken, hindi naman ata ako maniniwala na walang nangyari. Imagine nag bayad ka ng 78 thousand tapos ano? Umalis ka lang?" Halos dumikit na ang mga kilay ni Ken dahil sa mga pinag sasabi ni Josh.
"Aha!" Biglang sigaw ni Josh na kina-gulat ni Ken.
"Baka naman masyado kang na disappoint dahil hindi ka na virgin? O di kaya di ka natuwa sa performance?" Pang aasar nito, napuno naman si Ken kaya nahampas nya si Josh. Tumigil naman si Josh sa pag tawa at tumingin ng seryoso kay Ken.
"Seryoso Ken, walang halong biro. Kilala kita hindi ka nakikialam ng buhay ng iba, bakit mo sya tinulungan? Anong dahilan?" Seryosong tanong ni Josh, natigilan naman si Ken at napatingin lang din kay Josh.
BINABASA MO ANG
Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎
Fanfic《SB19 𝐊𝐄𝐍 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 》 "tama ba na mahulog ka sa dalawang tao?" Tanong ni Ken sa kaibigan nyang si Sejun. Hindi mapinta ang muka ni Sejun na nakatingin sa kaibigan nya "Sino ba ang mas matimbang sa dalawa?" Napa kamot nang ulo si Ken. ...