AUTHOR'S POINT OF VIEW:
"Josh"
Napalunok si Josh habang nakatingin sa kanyang ama na naka upo sa dining table nila na pang sampung tao kahit dalawa lang naman silang kumakain.
"Mag bihis ka na tapos bumaba ka dito, kakain tayo" ani nito.
"okay po" ani nya at dahan dahan na umakyat papunta sa kwarto nya.
Hindi sanay si Josh sa ganitong buhay, sobrang laki nang bahay tapos dalawa lamig naman sila nang tatay nya dito. Yung mga katulong namin kasi may sariling bahay sa loob.
Itinulak ni Josh ang malaking pinto sa kwarto nya, sobrang laki nang kwarto nya tapos sya lang naman mag isa. Pwede na ata matulog dito yung apat nyang kaibigan eh.
Nag bihis sya gaya nang sabi nang tatay nya at agad na bumaba. Naupo sya sa isa sa mga upuan at sinundan nang tingin ang mga katulong na nag lalagay nang pagkain sa lamesa.
Sana ayos lang sya, dalawa lang kami kakain tapos parang may pista.
"Let's eat" ani nang tatay nya, kinabahan naman si Josh sa pag kuha nang pagkain kasi yung mga tingin nang tatay nya hindi naalis sakanya.
"Bukas, mag sisimula tayo sa training mo. Mag sisimula tayo sa table etiquette"
Natigilan si Josh.
May mali ata sa ginawa ko?
Agad naman pumasok sa utak nya ang party nila bukas. Napakagat sya nang labi nya, nahihiya ito na mag paalam.
"Mister Santos—"
"Dad, call me Dad"
Napalunok naman si Josh at huminga nang malalim.
"Dad" mapait itong lumabas sa bibig nya.
"M-May lakad po ako bukas kasama mga k-kaibigan ko..." mahina nyang ani, napa-ayos nang upo si Mister Santos.
"Hmn, sige. Pero bago ka pupunta doon mag training ko muna sa table etiquette mo" mukang nakahinga naman nang maayos si Josh.
"Ipapahatid kita kay Charles, tawagan mo lang sya"
"opo"
"Bakit ba ayaw mo mag salita?" Tanong ni Ken kay Sinclair.
Isa mo pang tanong sasakalin kita|
Napatawa naman si Ken. Para syang tanga. Kasi hindi nya maintindihan ang sarili nya.
Parang may kakaiba syang nararamdaman sa tuwing kasama nya itong si Sinclair. Parehas sa nararamdaman nya kay Arya.
Napailing nalang sya.
Ipag kakaila nya pa ba? Gusto nya si Arya, tinanggap nya ito pero ang hindi nya maintindihan bakit may nararamdaman din sya kay Sinclair.
May sira na ata ako .
Ayaw nyang tanggapin yung katotohanan na may nararamdaman sya kay Sinclair kasi nga mali.
Yung pakiramdam nya na parang iisang babae lang ang mahal nya. Parehas syang napapangiti nang dalawa, parehas syang nakaka ramdam na kakaiba sa dalawa.
Sa sobrang parehas, natatakot na si Ken.
It feels so wrong and right at a same time.

BINABASA MO ANG
Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎
Fanfic《SB19 𝐊𝐄𝐍 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 》 "tama ba na mahulog ka sa dalawang tao?" Tanong ni Ken sa kaibigan nyang si Sejun. Hindi mapinta ang muka ni Sejun na nakatingin sa kaibigan nya "Sino ba ang mas matimbang sa dalawa?" Napa kamot nang ulo si Ken. ...