14: SUSUKO

342 20 2
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

"Tama ba na iniwan natin si Josh sa studio?" Nag alalang tanong ni Justin.

"Kailangan mag pahinga ni Josh,pagod sya pati yung puso nya" ani ni Stell.

"Wala ba talaga saatin ang boto kay Josh at Arya? Lahat ba tayo Ken at Arya?" Tanong nya nanaman uli, napa tigil sila sa pag lalakad at napa kamot nang ulo si Stell.

"Wag ka na maraming tanong mag lakad ka nalang" ani ni Stell at tinuloy ang pag lakad nila. Nasa loob sila nang apartment building ngayon at paakyat sa floor ni Ken, mag surprise visit daw kasi sila at si Stell ang pasimuno.

Nasa harap na sila nang pinto ni Ken, nakatayo lang ang tatlo doon.

"Ano pa ginagawa nyo? Katok" ani ni Sejun, napatingin naman si Stell sakanya.

"Parang may nag sasabi saakin na wag na tayong kumatok at pumasok nalang" ani nya, napakunot naman ang noo ni Sejun.

"At may nag sasabi rin saakin na bukas lang ito" biro ni Justin at hinawakan ang door knob, nanlaki ang mga mata nya nang bumukas ito. Nang tinginan naman silang tatlo.

"Woah, nag bibiro lang yun ako" tawa nya, hindi nalang sya pinansin ni Stell at mas binuksan ang pinto. Papasok palang sana sila nang makita nila si Ken at Arya na natutulog sa sofa, pag bukas mo palang kasi nang pinto sofa agad makikita mo.

Nasa ibabaw ni Ken si Arya at nakayap si Ken sakanya, ang sarap nang tulog nilang dalawa.

Napa hawak si Stell sa bibig nya at pinipigilan ang sarili na gumawa nang ingay dahil takte kinikilig sya.

Sya kasi ang president nang love team na yan.

Agad namang kinuha ni Justin at phone nya at kinunan nang litrato ang dalawa na natutulog.

"Sanaol" ani ni Justin, dagan dahan silang nag lakad papasok sa loob. Nilapag ni Sejun yung dala dala nyang plastik sa coffee table.

"Alam nyo, ang laki laki nang kama ni Ken pang dalawang tao bakit dyan kayo natulog sa sofa—hmn baka gusto nyo ganyan ka-close" ani ni Stell sa dalawa, unti-unti namang napadilat si Arya dahil sa ingay ni Stell.

Tumambad sakanya ang nakangiti na Justin kaya napakunot ang noo nya. Naramdaman nya naman na humigpit ang hawak ni Ken sa bewang nya kaya agad syang napatingin sa ibabaw nya, sumalunong sakanya ang muka ni Ken na natutulog kaya agad syang napaupo sa gulat pero nawalan sya nang balanse at nahulog sa sofa—sa kasamaang palad naman ay nagising si Ken at pati sya ay nahulog rin sa sofa. Napaungol sa sakit si Arya nang mahulog sa ibabaw nya si Ken—ang bigat kaya ni Ken.

"HUY! TULUNGAN NYO!"sigaw ni Sejun,agad namang tinulungan ni Stell si Ken para maka upo ito. Umupo narin si Arya at napa hawak sa noo nya, tumama kasi yung mga noo nila ni Ken.

"ayos lang ba kayo?" Tanong ni Justin, napa tungo nalang ang dalawa. Bigla namang may napag tanto si Arya at agad na lumapit kay Ken, mukang nagulat naman si Ken kaya napa urong sya. Hinawakan lang pala ni Arya ang noo ni Ken.

"Mainit ka pa pero konti nalang talaga" ani ni Arya, napangiti naman si Arya sakanya. Hindi alam ni Ken parang natigilan sya, pati ang mundo nya.

"Ehem, andito po kami" ani ni Stell kaya napatingin ang dalawa dito. Napa tayo naman silang dalawa at naupo si Sofa. Yung mga tingin nang tatlo sakanila hindi parin maalis.

"So, bakit kayo natulog sa sofa? ang laki nang kama nyo doon" asar ni Justin sabay tawa, nanlaki naman ang mata nang dalawa.

"Anong  nyo ka dyan" bulong ni Ken. Mukang naging awkward naman ang paligid kaya naisipan na ni Sejun na mag salita.

Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon