AUTHOR'S POINT OF VIEW:
Nakatulala si Ken sa kama nya ngayon, mag isa nanaman sya. Bumalik si Arya dito kanina pero umalis din nung nakarigurado na ok sya.
"Bring back my youth please"
Kanina pa yan tumatakbo sa utak nya, ano ba ang ibig sabihin nya? Medyo tamad at masakit na din kasi ang ulo ni Ken na mag isip.
"Bring back my youth please" ani nya at napa higa sa kama nya at tumingin nang deretsyo sa kisame nya.
Bigla namang may pumasok sa isip nya, nakalimutan nya may kaibigan pala sya na sobrang talino at sobrang lalim mag isip. Kinuha nya naman ang cellphone nya at hinanap ang number ni Sejun.
Dre
oh Ken, bat napa text ka?
May tanong ako
Ano naman yang gumagambala sa utak mo?
Alam na alam talaga ni Sejun pag may kailangan sya eh.
Anong ibig sabihin nang 'bring back my youth' ?
Saan mo naman narinig yan? 🤨
Basta, ano ibig sabihin non?
Tamad mo rin mag isip noh? 🤣
Kilala mo naman ako, tamad ako sa lahat.
Sa sobrang tamad mo pati pag bihis mo di mo magawa🤔😏
Shut up, sagutin mo nalang ang tanong ko 😒
Ito na atat na ata
😒
Parang yung nag sasabi nyan ay hindi naranasan maging bata.
I mean may pumigil ata sakanya maranasan ang naranasan nang normal na teenager.
At gusto nya itong maranasan, parang pinahihiwatig nya na ibalik ang kabataan na nawala sakanya.Napatigil si Ken, gusto lang pala ni Arya na maranasan maging normal na teenager.
Salamat dre🙂
Napa bitaw sya sa cellphone nya at napa tulala nanaman sa kisame.
"Paano ko maibabalik yun?"
Oo naranasan naman ni Ken maging teenager pero iba naman kasi ang ginagawa nya dati malayo sa normal. Ang sama nya kayang teenager, nag cu-cutting class sya, tumatambay kung saan saan, nag iinuman at ano pa. Hindi naman ata appropriate para sa babae yon.
Napa isip nanaman sya, sino kaya sa mga kaibigan nya ang nakaranas na normal na kabataan? Hindi naman si Stell kasi nag trabaho yan, lalo naman si Josh mukang walang kabataan ata yan si Sejun—ayaw nya na gambalain.
Bigla naman sumagi sa isip nya ang kaibigan nya na mukang walang problema sa mundo.
Si Justin.

BINABASA MO ANG
Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎
Fanfiction《SB19 𝐊𝐄𝐍 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 》 "tama ba na mahulog ka sa dalawang tao?" Tanong ni Ken sa kaibigan nyang si Sejun. Hindi mapinta ang muka ni Sejun na nakatingin sa kaibigan nya "Sino ba ang mas matimbang sa dalawa?" Napa kamot nang ulo si Ken. ...