AUTHOR'S POINT OF VIEW:
Unti-unting napadilat si Arya dahil sa sakit nang ulo nya at sakit nang katawan nya. Pero hindi nya nalang ito pinansin at pinikit muli ang mga mata nya at nag talukbun nang kumot.
Napakunot ang noo nya nang maka dama sya nang parang may ibang tao syang kasama. Agad na bumukas ang mga mata nya nang matandaan yung mga nang yari kagabi. Ang klaro lang sa utak nya ay nag inuman sila ni Ken. Dahan dahan na inikot ni Arya ang katawan nya para makita kung sino ang kasama nya.
Pinikit nya ang kanyang mga mata at hindi pa handa sa ano man makikita nya. Dahan dahan nya itong dinilat at agad na napa takip nang bibig nang tumambad sakanya ang muka ni Ken ang sarap nang tulog. Dahan dahan na huminga si Arya at napa kapa sa sarili nya.
Wala syang damit.
Pilit nyang kinalma ang sarili nya at napatingin muli kay Ken na tulog mantika at doon na sya gusto sumigaw nung nakita nya na wala ding damit si Ken.
Pilit nyang inaalala ang mga nang yari.
kalma Arya!
Kumain kayo
Nag inuman
Tapos nag inuman nanaman
Sumayaw.....
Dahan dahan na tumayo si Arya para hindi magising si Ken, hindi nya alam ang gagawin pag nagising ito.
Agad nyang hinanap ang mga damit nya at madalian na sinuot–wala na syang pake kung baliktad ba. Hindi nya naman mahanap ang eyeglasses nya kaya hinayaan nya nalang ito. Dahan dahan syang lumabas sa kwarto ni Ken, napalingon pa sya sa lalake na ang sarap parin nang tulog.
Pagod yan bakit ba.
Agad syang tumakbo palabas. Nung nasara nya na ang pinto nang apartment ni Ken agad syang naupo naman sa harap nang apartment nya.
Niyakap nya ang sarili nyang binti at pinatong ang ulo nya sa mga tuhod nya.Gago ka Arya! Bakit nang yari yon!
Kumalma ka,lasing kayo pereho.
Alak na ang nag kontrol sainyo.
Napalunok sya.
Ang sakit nang katawan nya.
Lalo na nang ulo nya.
Gusto nya nalang umiyak at lamunin nang lupa.
"Arya" halos mapatalon sya sa gulat at napatingin sa nag salita.
Nag tama ang mga mata nila ni Stell at Justin.
"ayos ka lang ba? Bakit ka naka upo dyan?" Tanong ni Stell. Agad naman syang napatungo.
"a-ayos lang ako n-nag papahangin lang..." mahina nyang ani. Pinanliitan naman sya nang tingin ni Justin.
"Arya, baliktad ang damit mo" ani nya, agad namang napatingin si Arya sa damit nya.
"a-alis na ako!" Bigla nyang ani at agad na tumayo at pumasok sa apartment nya.
Napakunot lang ang noo nang dalawa.
"Weird" ani ni Stell at kumatok sa pinto ni Ken pero walang sumagot. Napa buga nalang nang hangin si Stell.
"Bukas yan, jokeee" biro ni Justin, hinawakan naman ni Stell ang door knob at pinihit ito at—bumukas. Gulat namang nag tinginan ang dalawa.
"alam mo Jah, maging mang huhula ka nalang" ani ni Stell, tumawa naman si Justin at pumasok sila sa loob nang apartment ni Ken.
"Itong si Ken hindi na ako mag tataka kung manakawan—" napatigil si Stell nang makita ang sofa. May nag kalat na shot glass, pagkain at yung white Christmas lights.
BINABASA MO ANG
Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎
Fanfiction《SB19 𝐊𝐄𝐍 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 》 "tama ba na mahulog ka sa dalawang tao?" Tanong ni Ken sa kaibigan nyang si Sejun. Hindi mapinta ang muka ni Sejun na nakatingin sa kaibigan nya "Sino ba ang mas matimbang sa dalawa?" Napa kamot nang ulo si Ken. ...