AUTHOR'S POINT OF VIEW:
"Fedriko Enterprises wants a deal with us" ani ni Mister Santos.
"Are they going to buy wines?" Tanong ni Josh. Nag kabit balikat lang si Mister Santos. Tahimik naman na kumakain sa tabi si Arya.
Dati isang tao lang ang kumakain dito hanggang sa naging dalawa at ngayon tatlo na sila.
Tunog nang mga kubyertos na tumatama sa mga plato nila ang maririnig sa hapag kainan. Sa dalawang linggo ni Arya dito hindi parin sya sanay sa ganitong gawain. Yung uupo nalang sya at kakain tapos sobrang mamahalin pa nang mga naka handa sa lamesa at parang laging may pista.
Natigilan naman si Arya sa pag kain at nabitawan ang kutsara na hawak nya parang may namumuo sa lalamunan nya na gustong kumawala. Agad syang napa hawak sa bibig nya kaya natigilan sa pag uusap ang mag ama at napatingin sakanya.
"Arya, okey ka lang?" Tanong ni Josh at hinawakan ang balikat ni Arya. Napatungo naman sya pero bigla nalang syang naduwal pero pinigilan nyang itong lumabas. Nanliit ang mga mata ni Mister Santos na nakatingin kay Arya.
Tumawa naman si Josh at Arya at agad silang pumunta sa banyo. Doon na sumuka si Arya habang hinihimas ni Josh ang likod nya. Binigyan naman sila nang tubig nang maid nila.
"Arya, ayos ka lang ba?" Tanong ni Josh. Hinugasan naman ni Arya ang bibig nya at tumayo. Nag aalala si Josh sakanya at sinundan lang si Arya nang lumabas ito sa sa banyo.
Bigla nalang sya nahilo nang hindi nya alam at napa hawak kay Josh.
"Arya?!"
Umikot ang paningin nya at bigla nalang itong nag dilim.
"Arya!?! Dad!! Tulong si Arya nawalan nang malay!!" Sigaw ni Josh.
Agad na napaupo si Ken sa pag-kakahiga nya.
"Arya" ani nya. Puno nang pawis ang noo nya nang hindi nya alam. Malalim ang pag hinga nya.
Pakiramdam nya may nang yaring masama kay Arya. Agad nyang kinuha ang cellphone nya at tinawagan si Maria.
"Maria, may balita ka ba tungkol kay Arya?" Tanong nya.
"Ken, wala. Wag ka mag alala, ginagawa ko ang lahat para maka kuha nang impormasyon dito sa club" ani ni Maria sa kabilang linya. Binaba naman ni Ken ang tawag at napa tulala lang.
"Asan ka na ba kasi....." mahina nyang ani.
"Ang dami kong gustong sabihin sayo..."
"Miss na kita...sobra..."
Sobrang lungkot nya, hindi nya alam ang gagawin nya. Hindi nya alam kung saan sya mag sisimula.
Walang bakas ni Arya kahit saan.
"Doc, musta po si Arya?" Nag aalalang tanong ni Josh. Lumapit naman si Mister Santos at nakatingin lang sa anak nya.
"Halata naman sa mga symptoms na pinapakita nya pero gumawa pa kami nang test to confirm. Sir Josh, she's 1 week pregnant" nanlaki ang mga mata ni Josh at halos hindi maka galaw.
Pregnant?
Paano?
Nabaling ang atensyon ni Josh nang hawakan nang kanyang ama ang balikat nya.
"Anak nga kita" ani nya dito, puno naman nang pag tataka si Josh.
wala naman akong ginawa sakanya. Nakakabuntis ba ang tingin?
Hindi naman! kanino... paano!?!?!
Nabalik ang tingin nya kay Arya na hanggang ngayon ay wala paring malay.
BINABASA MO ANG
Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎
Fanfiction《SB19 𝐊𝐄𝐍 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 》 "tama ba na mahulog ka sa dalawang tao?" Tanong ni Ken sa kaibigan nyang si Sejun. Hindi mapinta ang muka ni Sejun na nakatingin sa kaibigan nya "Sino ba ang mas matimbang sa dalawa?" Napa kamot nang ulo si Ken. ...