AUTHOR'S POINT OF VIEW:
Dahan dahan na napadilat si Arya, unang tumabad sakanya ang magandang kisame at ilaw. Napansin nya rin na sobrang lambot nang kama na hinihigaan nya at ibang ang amoy nito.
"A-asan ako...?" Mahina nyang ani, agad na bumalik lahat sakanya.
Binenta pala sya nang boss nya.
Binalot muli nang takot si Arya at napaupo. Napatingin sya sa paligid nya—wala sya sa kwarto nya. Gusto nya nang umiyak sa takot, hindi nya alam kung saan sya at kung sino ang bumili sakanya.
Paano pag isang matandang manyakis ito!?
Napatingin sya sa pinto nang tumunog ito, napalunok sya at napaurong—yung dumikit na ang kanyang likod sa head board nang malaking kama.
Dahan dahan na bumukas ang pinto kaya napapikit si Arya at nag dadasal.
"Arya" ani nang isang pamilyar na boses, agad syang napadilat at nag tama ang mata nila ni Josh. Yung iyak na namumuo sa lalamunan nya ay biglang kumalas. Nawala ang takot at pangamba sa dibdib nya.
"J-Josh!" Sigaw nya at napatayo sa kama at tumakbo sa nasabing lalake, agad nya itong niyakap nang mahigpit at umiyak sa mga bisig nito.
Niyakap pabalik ni Josh si Arya at puno nang konsensya.
Josh, kalma ka.
Umiyak sya dahil natatakot sya kasi hindi nya alam kung asan sya.
Hindi na sya matatakot muli pag nalaman nya nasa bahay mo sya.
"J-Josh.. asan ako.." ani ni Arya pagitan nang iyak.
"N-nasa bahay ko..." napabitaw nang yakap si Arya at puno nang pag tataka na nakatingin kay Josh.
"Tatay ko ang bumili sayo" mas lalo napuno nang pag tataka si Arya.
Mas lalo syang natakot nang malaman nya na tatay ni Josh ang bumili sakanya.
"B-bakit..." mahina nyang tanong, tumingin sya sa mga mata ni Josh pero umiwas si Josh at hindi nag salita.
"Josh! Bakit?" Hindi lang sya pinansin nito. Nabaling ang tingin nila sa pinto nang may pumasok–si Charles.
"Sir Josh, mauna na daw kayo sa hapag kainan. Kakausapin daw ni Mister Santos si Miss Arya" ani nito, napatingin si Josh sa babae na kitang kita ang takot sa mga mata nito. Hinawakan nya ang kanyang mga kamay kaya napatingin sakanya si Arya.
"Wag kang matakot kay Dad, wala syang gagawin na masama sayo" ani nya at ngumti, parang nawala naman ang takot ni Arya.
"S-samahan ma a-ako..." ani nya at humawak nang mahigpit sa mga kamay nito. Napatingin naman si Josh kay Charles—humihingi bang permiso, napa buntong hininga si Charles.
"Hanggang pinto lang" ani nya.
"Arya, sasamahan kita pero hindi ako papasok" kita nya na parang nabahala si Arya.
"Promise, walang gagawin si Dad sayo" ani nya.
Nag simula na silang mag lakad habang naka-kapit nang mahigpit si Arya sakanya. Palinga-linga sya sa paligid. Sobrang tahimik at laki nang bahay.
Tumigil sila sa isang malaking pinto. Napatingin lang si Arya dito at sinundan nang tingin si Charles na binuksan ang pinto at tumabi para may daan sya.
Maa humigpit ang kapit nya kay Josh, ngumiti lang si Josh sakanya at inalis ang pag kakapit ni Arya sakanya.
"Sige na, mag aantay ako sa baba" mahina nyang ani. Napa kagat nang labi si Arya at humarap sa pinto. Dahan dahan syang lumapit dito at napa hawak sa tabi nang pinto. Lumingon pa sya muli kay Josh, ngumiti lang si Josh sakanya na pinapakita na ayos lang.

BINABASA MO ANG
Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎
Fanfic《SB19 𝐊𝐄𝐍 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 》 "tama ba na mahulog ka sa dalawang tao?" Tanong ni Ken sa kaibigan nyang si Sejun. Hindi mapinta ang muka ni Sejun na nakatingin sa kaibigan nya "Sino ba ang mas matimbang sa dalawa?" Napa kamot nang ulo si Ken. ...