8: LALONG NAG NINIGNING

349 19 6
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

"And 1, 2, 3 Go!" Ani nang manager nila at pina-tugtog ang 'Mic Drop' nang BTS. Nag simula naman ito pati narin ang sayaw nang lima.

Manghang nakatingin si Arya sa lima dahil ang galing nila, ang smooth nang mga galawan lalo na si Josh at Ken.

Nakangiti na nakatingin si Stell kay Ken habang sumasayaw ito, sa wakas nabalik na ang angas ni Ken na nawala sa mahigit na isang linggo.

"Sabi ko sayo Sejun eh" ani ni Stell habang sumasayaw, napa ngiti naman si Sejun.

"Yan ang Ken na nakilala natin" ani nya.

[MIC DROP-BTS]

Did you see my bag? (where?) Did you see my bag? (where?)
It's hella trophies and it's hella thick (hella thick, hella thick)
What you think 'bout that? (well) What you think 'bout that? (well)
I bet it got my haters hella sick (hella sick)
Come and follow me, follow me with your signs up
I'm so firin', firin', boy, your time's up
Keep on and runnin' and runnin' until I catch up
How you dare? How you dare? How you dare?

Napa palakpak naman si Arya dahil talagang ang galing nila. Hindi nya naman alam na mga dancer pala ang mga to. Natigil sya sa pag palakpak nang mag tama ang tingin nila ni Ken, nakatingin lang si Ken sakanya habang sumasayaw. Hindi nya alam pero parang matutunaw sya ano mang oras.

"Yan! Yan ang hinahanap ko sayo Ken na nawala! Buti naman at bumalik yang charisma mo" ani nang manager nila kaya napatingin si Arya doon. Ah, parte pala nang sayaw.

Baby, watch your mouth (mouth), it come back around (-round)
Once upon a time (time), we learnt how to fly (fly)
Go look at your mirror, same damn clothes (git)
You know how I feel, gaehaengbok (turn up)
How many hours do we fly?
I keep on dreamin' on the cloud
Yeah, I'm on the mountain, yeah, I'm on the bay (pop)
Everyday we vibin', mic drop, baam

Napangiti lang si Arya kay Josh na ngayon naman ay sakanya naka tutok. Aaminin nya ang galing sumayaw ni Josh, bagay na bagay sakanya ang mga galawan at talagang parang inaangkin nya ang part na yan.

Natigil naman ang music at pati narin ang lima na sumasayaw.

"Good job! Ayan ang sinasabi ko! Ganyan ang gusto ko! Keep it up Ken, wag na sana mawala yang charisma mo sa pag sasayaw. Yan ang nag papanalo saatin yang mga tingin mo na yan" ani nang manager nila, napangiti naman nang marahan si Ken habang hinimas himas ni Stell ang likod nya.

"Kanino naka tingin?" Tanong nya, agad na napatingin si Ken kay Stell.

"Sa kasama nya na babae, sa tingin ko mas mabuti na lagi nandito yan para laging ganyan performance ni Ken" napatawa naman sila habang si Ken ay napa yuko nalang sa hiya.

"Before I forgot! Josh! I want that fire in your eyes. Ganyan ang ibig sabihin ko na dapat feel mo na si Kim Namjoon ka! Yung tingin palang nakakabuntis na" puri nang manager nila kay Josh na napatawa.

"At sino naman tong sinusubukan nyang buntisin sa tingin?" Ani nanaman ni Stell, Alam naman talaga ni Stell kung kanino pero gusto nya lang na ma-tusta tong mga kaibigan nya. Nahampas naman sya ni Sejun.

Bumaba ang tingin nang manager nila kay Arya kaya napatingin sila dito.

"I believe hindi ko na dapat sabihin dahil mukang may nakikita akong triangle" ani nang manager nila at napatawa. Tumawa naman sila maliban kay Ken na hindi nakikita na nakakatawa ang sinabi nang manager nila.

Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon