33: NANGARAP

287 14 3
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

Nabaling ang tingin ni Josh kay Arya nang pumasok ito sa kwarto nya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya. Napa kagat nang labi si Arya at tumingin sa paa nya.

Hating gabi na ngayon at hindi parin sya makatulog. Meron kasing gumagambala sa utak nya.

"H-hindi ako makatulog..." mahina nyang ani. Tumayo naman si Josh sa pag kakaupo nya at lumapit sa babae at niyakap ito.

"Iniisip mo parin ba?" Tanong nya, tumungo naman si Arya.

"Arya, may sasabihin ako" simula ni Josh.

"Akala ni Dad ako yung tatay nang dinadala mo" napabitaw sa yakap si Arya at tumingin kay Josh.

"Alam nya?" Tumungo naman si Josh.

"Sobrang saya nya kasi mag kaka-apo na sya. Alam mo naman si Dad matanda na at masaya nya na maabutan nya pa ang magiging apo nya"

"Ayaw kong sirain ang saya nya..."

At dito na nag simula ang pinaka maling nagawa ni Josh.

Ang gamitin ang tatay nya para hindi umalis si Arya. Natatakot kasi sya na umalis ito at bumalik kay Ken.

"Anong ibig sabihin mo?" Tanong ni Arya. Huminga sya nang malalim at ngumiti nang bahagya kay Arya.

"Pwede, ipalabas nalang natin na anak ko yan? Ang saya kasi ni dad kanina nung nalaman nya na mag kaka-apo sya. Pero okey lang naman kung ayaw mo-"

"Mag sisinungaling tayo?" Tanong ni Arya, napalunok si Josh at tumungo.

"Ngayon ko lang kasi nakitang ganoon kasaya si Dad Arya..."

Umiwas nang tingin si Arya at nag isip.

"Ikaw ang tatayong tatay nito?"

Tumungo si Josh.

Madaming nagawang mabuti ang tatay ni Josh sakanya, binayaran ang utang nya at trinato sya na parang pamilya.

"Matagal na kasing mag isa si Dad at masaya sya dumadami na ang kasama nya" tumingin sya muli sa mga mata ni Josh. Napahinga sya nang malalim.

Hindi ito ang tama pero.....magiging maganda ang buhay nang magiging anak nya dito. Ayaw nya naman na tumulad sa kanya ang anak nya, pag dito sya siguradong maganda ang future nya.

Dahan dahan na tumungo si Arya.

Gagawin nya to para sa anak nya.

"Sige.." mahina nyang ani, ngumiti naman si Josh at niyakap sya.

Mali ito pero ito lang ang paraan na naisip nya.

Dumaan ang linggo at buwan, naging responsable na tatay si Josh kahit hindi pa lumalabas ang bata. Galing sya nang trabaho tapos pag uwi dito dala dala nya na yung mga bagay na pinag lilihiaan ni Arya.

Bilib lang sya sa lalake na to kasi kahit gaano kapagod nito hindi parin nawawalan nang oras sakanya.

Tinanong pala sya nang kasal nang tatay ni Josh pero ayaw nya mag pakasal dahil...hindi sya handa....kaya ang ginawa nila nag suot nalang sila nang wedding ring para hindi sila isipan nang masama.

Hindi narin natutulog si Arya sa kwarto nya, katabi na nya si Josh matulog ngayon. Naging maayos na din ang pag sasama nang dalawa pero nanatili parin si Ken sa puso nya.

Si Ken naman, hanggang ngayon nag hahanap parin. Minsan hindi na sya makatulog kaka isip kung asan si Arya, kung ayos lang sya, kung nakakakain ba ito nang maayos.

Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon