AUTHOR'S POINT OF VIEW:
Dumaan ang mga araw at linggo pero wala paring Arya. Pinilit ni Maria na itanong sa boss nila kung sino ang bumili kay Arya pero ayaw nitong mag salita.
Saan saan na napadpad sina Ken pero wala parin. Unting-unti na syang nawawalan nang pag asa.
Andito si Ken ngayon sa loob nang apartment ni Arya, nag babakasakali na andito si Arya pero tulad nang dati-wala. Nakatulala lang sya dito, tandang tanda nya nung una sya pumasok dito.
Lumalim ang pag hinga nya at hindi nya lang naman namalayan na umiiyak na sya.
"Arya...asan ka" mahina nyang Tanong sa kawalan. Napatingin sya sa cellphone nya nang tumunog ito.
Sejun:
Ken, kunin mo na mga gamit ni Arya. Ilagay mo nalang sa apartment mo.
Ang tanga ni Ken sa part na wala syang number ni Arya. Si Josh lang ang merong number ni Arya sa kanila pero hindi sya mahagilap, hindi nga ata alam ni Josh na nawawala si Arya. Alam din naman nila na busy si Josh kaya hindi na nila ito inabala pa.
Napatingin muli si Ken sa hawak nang isa nya lang kamay. Eyeglasses ni Arya.
Naka tingin sa malaking bintana si Arya, nakatulala sya sa hardin nang mansion nila Josh.
Dalawang linggo na sya dito at gaya nang sabi ni Mister Santos pasiyahin nya lang ang anak nya.
Wala naman problema ito kay Arya pero ang kapalit naman nang saya ni Josh-ay ang lungkot nya.
Iba parin talaga ang saya nya pag kasama nya si Ken.
Si Ken, hindi pa pala sila nag kaka ayos non.
Ayan, you need space diba? Ang laki nang space na binigay sayo.
Wala namang problema kay Arya kung ano yung nang yari sakanila. Nabigla at nahiya lang sya non.
Parang wala syang muka na maihaharap kay Ken.
Naramdaman nya naman na may yumakap sa kanya sa likod nya at kilala nya sino ito.
Si Josh.
Hindi nya nga alam kung bakit nagiging ganito si Josh sakanya.
"Musta ka na?" Tanong nito malapit sa tenga nya.
"Ayos lang" walang gana nyang ani. Hinarap sya ni Josh sakanya-tiningnan sya nito deretsyo sa mata.
"May nag sasabi saakin na hindi ka okey" ani nya, kita mo ang pag aalala nito. Ngumiti naman nang marahan si Arya.
"Okey lang nga ako" ani nya uli, hindi naman kumbinsido si Josh. Nakahawak parin sya sa mag kabilang balikat ni Arya.
Sa dalawang linggo nyang kasama si Arya may napansin sya-hindi ito masaya sakanya pero hindi sya itigil dito. Kung nagawa syang pasayahin ni Ken dati, magagawa nya rin ito.
Gagawin nya ang lahat para mahalin sya pabalik ni Arya.
Nakatingin lang sya mga muka ni Arya na walang bahid nang saya. Ayaw nya nang ganito, gusto nya muling makita yung saya sa mga mata nito. Yung mga ngiti na nag pipigil nang hininga nya.
Yung mga tawa nya na kay sarap pakinggan.
Gusto nya marinig yun at sya ang dahilan.
Tumingin sya nang malalim sa mga mata ni Arya, hinahanap ang saya na matagal na nawala. Ngunit yung mga tingin ni Josh sa mata ay bumaba sa mga labi nya. Hindi nya namalayan ang ginagawa nya pero unti-unti syang lumapit para halikan si Arya pero nung isang pulgada nalang ang layo nila agad na umiwas si Arya at inalis ang pag kakahawak ni Josh sa mga balikat nya.

BINABASA MO ANG
Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎
Fanfiction《SB19 𝐊𝐄𝐍 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 》 "tama ba na mahulog ka sa dalawang tao?" Tanong ni Ken sa kaibigan nyang si Sejun. Hindi mapinta ang muka ni Sejun na nakatingin sa kaibigan nya "Sino ba ang mas matimbang sa dalawa?" Napa kamot nang ulo si Ken. ...