AUTHOR'S POINT OF VIEW:
Napadilat si Ken sa kanyang mga mata at kadiliman ang bumati sakanya.
Patay na ba ako?
Yan ang unang tumakbo sa isipan nya, eh kasi naman yung sakit na naramdaman nya kanina ay sobrang solid. Sobrang nahihilo sya at nanghina pero ngayon medyo ok na sya, bumabalik na ang lakas nya.
Napatingin sya sa bintana sa kwarto nya at nakitang gabi na pala, napahawak sya sa noo nya at inalis ang bimpo. Nilibot nya ang paningin nya pero wala syang nahagilap na Arya.
Napa upo sya at binaba ang kanyang mga binti sa dulo nang kanyang kama. Agaran syang napahawak sa ulo nya dahil medyo sumakit at nahilo sya, nung ayos na sya dahan dahan syang tumayo.
"shit" mura nya nang muntik na syang matumba, inayos nya ang tayo nya at napatingin sa suot nya. Muntik nya nang makalimutan na binihisan pala sya ni Arya. Naalala nya nanaman ang kaguluhan kanina at napahawak sa muka nya.
"mabaon na sana yang alala na yan sa lupa" bulong nya sa sarili nya. Nag lakad sya palabas nang kwarto nya, sobrang dilim nang sala pero hindi sya nag reklamo dahil gusto nya rin to—hindi masakit sa mga mata nya.
Nag lakad pa sya dito at napatigil nang may nahagilap sya na natutulog na babae sa sofa nya. Lumapit sya dito at lumuhod sya harap nito, nasanay naman ang kanyang mga mata sa dilim at tuluyang nakita si Arya na ang sarap nang tulog.
Pinag masdan nya lang muka ni Arya, simula sa itim na salamin nito pababa sa mga labi nito. Parang isang manika si Arya—yung mga labi nito na may natural na kulay— yung leeg nya na kasing puti rin nang muka—agad na napailing si Ken dahil saan saan na umaabot ang utak nya.
"bobo" ani nya sarili nya, mukang narinig ata ito ni Arya kaya sya napadilat. Nag tama ang mga mata nila ni Ken kaya agad na napa-bangon si Arya sa gulat.
"K-Ken!" Sigaw nya, gulat ring nakatingin si Ken sakanya. Umayos naman nang upo si Arya at agad na nilagay ang mga kamay nya sa noo ni Ken.
"bumaba na lagnat mo, hindi ka na masyado mainit" ani nya, bumalik ang tingin nya sa mga mata ni Ken na kanina pa nakatingin sakanya. Agad namang napa bitaw si Arya at umayos nang upo. Umupo naman din si Ken sa tabi nya.
"so.." simula ni Ken, binabasag ang katahimikan. Napalunok naman si Arya, ang awkward nila dito sa dilim.
"Salamat.. " Tuloy nya, napatungo naman si Arya.
"Wala yun, kailangan mo nang tulong eh" sagot nya, binalot nanaman sila nang katahimikan. Napatingin si Ken sa wall clock nya at nakita na 10 na pala nang gabi.
"Ken" sa pag kakataon na to si Arya naman ang bumasag sa katahimikan.
"hmn?"
Napa langhap nang hangin si Arya.
"P-pwede kung ano man yung....nang yari kanina...kalimutan na natin.." mahina nyang ani na parang halos sya lang ang nakarinig.
Halos.
Narinig nya ang malalim na pag langhap nang hangin ni Ken at ang pag kamot nang ulo nito.
Paano makakalimutan ni Ken yon? Oo makakalimutin sya pero yung bagay na yon hindi na ata maalis sa utak nya.
"Ok, dapat na nga natin kalimutan yon..." mahina nyang sagot.
"Wala akong n-nakita" dagdag ni Arya, mukang napangiti naman nang bahagya si Ken dahil ewan parang na kyu-kyutan sya kay Arya. Nakonsensya tuloy sya kasi parang nasira nya ang inosenteng utak nito.
Emergency naman din yon.
"Ayos lang, naka piring ka naman" agad na napatingin si Arya sa katabi nya.
BINABASA MO ANG
Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎
Fanfic《SB19 𝐊𝐄𝐍 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 》 "tama ba na mahulog ka sa dalawang tao?" Tanong ni Ken sa kaibigan nyang si Sejun. Hindi mapinta ang muka ni Sejun na nakatingin sa kaibigan nya "Sino ba ang mas matimbang sa dalawa?" Napa kamot nang ulo si Ken. ...