6: AKING MATA

436 21 10
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

"HAPPY BIRTHDAY SEJUN!!" Sabay sabay nilang ani kay Sejun, napangiti naman si Sejun sa apat nya na kaibigan.

"Salamat" masaya nyang ani.

"OH! ASAN ANG INUMAN!?" Sigaw ni Josh, sinamaan naman sya agad nang tingin ni Sejun.

"Alam mo ikaw? lassengo ka eh" ani nya sabay turo kay Josh na napa nguso.

Isa lang ang nasa isip ni Ken, kung inuman man nais nya doon sa club kung saan nag tra-trabaho si Sinclair. Hindi kasi mawala sa isip nya eh.

"Sejun naman, inuman lang eh. Nakakapagod din tong practice nang practice" ani ni Josh habang nakatingin sa salamin sa dance room nila.

Napairap nalang si Sejun at napa buga nang hangin. Hindi nya ba alam mukang mas matanda pa sya kay Josh mag isip eh, puro goodtime lang ang alam di lang ba sumagi sa isip nya na time is gold?

"may suggestion ako, mag inuman nalang tayo pero sa bahay nalang ni Ken tutal bahay nya naman ang pinaka malapit dito eh" suggest ni Stell kaya napatingin sila doon. Napa 'hah?' naman si Ken, dahil pag doon sila sa apartment nya isa lang ang ibig sabihin non. Hindi nya makikita si Sinclair.

Patungo-tungo naman si Josh, mukang gusto ang ideya.

"Deal! sige na punta na tayo doon. Daan nalang tayo sa grocery para bumili nang beer tapos mga chips at kung ano man" ani nito, mukang ok naman kay Sejun ang ganitong ideya-atleast nasa bahay lang sila.

Nakabili na sila nang kakaylanganin nila kaya ngayon on the way na sila sa apartment ni Ken. Ang ingay ingay nila sa daan kaya pinag titingnan sila, si Josh at Justin kasi nag kukulitan.

"wag na kayong masyadong maingay may ibang tao na nakatira dito" ani ni Ken nang papasok sila nang building.

"pwede ba mag elevator nalang tayo?" Reklamo ni Stell, tiningnan naman sya ni Ken.

"Sa tingin mo may elevator dito? Kung meron man sana di ako nag hahagdan diba?" Sambit nya pabalik, napa kamot naman nang ulo si Stell.

Nag tyaga silang umakyat sa hagdan hanggang sa maka abot sila sa floor nang apartment ni Ken. Reklamo naman nang reklamo si Stell dahil bakit ang creepy nang floor na to.

Ang tahimik at dilim kasi sa floor na tinitirahan ni Ken, konti lang kasi ang mga naka tira dito at halos lahat naman yun ay busy na mga tao.

"Ken, bilisan mo nga ang bagal bagal naman! Inom na inom na ako eh!" Reklamo ni Josh kaya napairap si Ken sakanya.

"Sir? Di ako papasok ngayon? Ah sige po, thank you"

Napatingin silang lahat sa babae na lumabas sa kabilang pinto, naka suot ito nang itim na eyeglasses at maraming dala na bag.

Napatingin agad si Stell kay Josh na ngayon ay nakatingin kay Arya. Hindi nya matanto kung ano ang nasa isip ni Josh ngayon.

"Arya!" Biglang sigaw ni Josh na kinagulat ni Arya at nang iba. Napangiti sya nang marahan sa limang lalake na nasa harapan nya.

"Saan punta mo?" Tanong ni Josh, napa kamot naman nang ulo si Arya at hindi alam ano ang sasabihin. Pupunta palang sana sya sa club kaso tinawagan sya nang boss nya na wag nalang pumunta dahil araw nang bidding ngayon. Wala naman syang gagawin doon at baka ipag pilitan nanaman nang mga costumer na bayaran sya.

"S-sa... t-trabaho sana" mahina nyang ani, napatungo naman si Josh.

"Hindi ka na tuloy, hula ko?" Ani ni Stell.

"Oo, tinawagan ako bago lang"

Napangiti naman si Josh.

"Gusto mo ba sumama saamin?" Tanong nya, pinanlakihan naman sya nang mata ni Sejun pero mukang wala syang pake.

Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon