"Mommy, dito ka nalang please? Magpapakagood boy na po 'ko basta dito ka lang po."
Napatingala si Divine para pigilan ang pagluha niya. Gusto niyang isama ang kambal pero hindi pupuwede. Maaari itong mapahamak kapag sumama ang mga ito sa kanya, at least sa Canada ay mapoprotektahan ang mga ito.
Bumaba siya para magpantay ang mukha nilang tatlo at hinaplos-haplos niya rin ang buhok ng dalawa.
"Alam niyo naman na hindi pupuwede, 'di ba? Alam niyo naman na hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa inyo. Masakit rin para sa 'kin na malayo kayo sa akin pero mas pipiliin ko ang dapat at ang mas makakapagprotekta sa inyo. Please, understand me, babies, hindi ko kaya kapag nawala kayo sa buhay ko" hindi niya na napigilang hindi ilabas pa ang luhang pinipigil niya.
"Mommy" sabay na sabi ng dalawa at niyakap siya ng mahigpit.
"Don't cry, Mommy. Hindi ko po kayang makita na umiiyak kayo ng dahil sa amin. Sorry po, Mommy" ani Tyler kaya mas niyakap niya ang mga ito ng mahigpit.
"Sorry rin po, Mommy" sabi naman ni Taylor.
Humiwalay siya ng yakap sa dalawa at sabay na pinunasan ng mga ito ang pisngi niya.
"Alam niyo ba na ang swerte ko dahil dumating kayo sa buhay ko? Kayo ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko at hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa inyo kaya sana kahit anong mangyari 'wag kayong magagalit kay Mommy" aniya.
Sabay na tumango ang dalawa saka nagsalita si Taylot. "We will never be mad at you, Mommy. Kayo nalang po ang meron kami and also Lola and Lolo kaya magpapakagood boy at good girl kami para hindi po kayo magalit at malungkot."
Napangiti siya sa sinabi ni Taylor at muling niyakap ang dalawa.
"We need to go."
Napalingon siya kay Tairon na nakatingin lang sa kanila.
"Mommy, alam niyo po ba na dumalaw po si Tito Jarell dito po? Pero saglit lang po siya kasi may pupuntahan daw po siya" inosenteng sabi ni Tyler.
"Si Tito Jarell mo? Are you sure, baby?" Paniniguro niya at tumango-tango naman ito.
Napatingin siya kay Tairon at kay Lea na nagkibit-balikat lang. Muli siyang tumingin sa kambal.
"Saan dumaan ang Tito Jarell niyo?" Tanong niya.
Nag-angat ng tingin ang dalawa na parang inaalala kung saan hanggang sa biglang ngumiti si Taylor. "I remembered it na, Mommy. Nakita ko po siya na dumaan sa likod ng bahay po natin. Nagtataka nga po ako kung bakit du'n po siya dumaan."
"Yes, Mommy. I saw him walking at the back door. Kung hindi po ako nagkakamali may nakita po akong lalaki na parang inaantay po siyang lumabas" ani Tyler.
Kumunot ang noo niya dahil sa huling sinabi nito. "Lalaki?" Tumango si Tyler at muli siyang napalingon kay Lea. "Sandali lang mga babies, ha? Kakausapin ko lang si Ate Lea niyo" nakangiting sabi niya at inosenteng tumango naman ang dalawa.
BINABASA MO ANG
LFD 2: Beautiful Liar (COMPLETED)
Любовные романы[LE FAVORI DESIRE SERIES 2] WARNING 🚨🚨🚨 SPG | R-18 | Matured Content > A story of Joshua and Divine He wants a hinest person but she's a liar. All Rights Reserved @2019 ***** Cover by @Animoons DATE STARTED : September 10, 2019 DATE ENDED : Novem...