Nakangiting pumasok sina Divine sa loob ng bahay nila sa Singapore. Pagpasok ay tatlong kasambahay nila ang tumulong para buhatin ang mga gamit pero pinili niyang buhatin ang kanya dahil mas kailangan na 'wag magbuhat si Sharalyn.
"Ang laki naman ng bahay niyo dito sa Singapore" Kalaunan ay turan ni Sharalyn habang pinapalibot ang tingin sa buong bahay.
"Hindi naman" sagot niya at inalalayan itong umupo sa sofa.
"Hindi mo na 'ko kailangang alalayan dahil hindi pa naman gano'n kalaki ang t'yan ko."
Umiling-iling siya at nginitian ito sabay tabi rito. "You know what? As much as possible, I want to make sure na ipapanganak mo sila ng malusog. Mahirap nang makunan ng dahil sa hindi pag-iingat kaya hanggat maaari 'wag na 'wag kang magbubuhat ng mabibigat at mag-iingat ka palagi. Mamadaliin ko ang passport ni Nay Tess para madali siyang makapunta rito sa Singapore. I still need to go back to the Philippines" mahabang litanya niya at ngumiti naman ito.
"Honestly, thank you for all of this" saka siya niyakap nito.
Napalingon silang dalawa sa bandang likuran niya nang biglang magsalita ang isang kasambahay nila kaya napabitaw sila ng yakap sa isa't isa.
"May tawag po kayo, Ms. Div, mula sa Pilipinas" sabi nito habang may hawak na high tech na telepono.
"I'll just answer the call" paalam niya sa kaibigan at tumango naman ito.
Kinuha niya ang teleponong hawak ng kasambahay pero inutusan niya muna ito. "Mag-prepared ka ng drinks and dessert para sakin at sa Ma'am Shara niyo" kaagad naman itong tumango at handa na sanang umalis ng may maalala siya. "Wait. 'Yung isang drink gatas then 'yung isa mango juice, okay?" Dagdag niya at tumango naman ito at kaagad nagtungo sa kusina.
"Hello" bungad niya sa tumawag pagkatapos niyang utusan ang kasambahay nila.
"Sa'n mo dinala si Shara?"
She rolled her eyes when she knew who it was. It's Venom.
"Hindi ko alam" walang buhay na sagot niya at saka sumandal sa dingding.
"Imposibleng hindi mo alam. Ibalik mo sa 'kin si Shara."
Napabuga siya ng hangin ng marinig ang galit nitong boses. "Hindi ko nga kasi alam. Bakit ba ang kulit mo? Hinahanap ko din siya kaya maghanap ka rin hindi 'yung ako ang ginugulo mo" inis na sabi niya saka niya ito pinatayan ng tawag.
Mukhang sinabi ni Kuya Sheedz ang numero ng bahay namin dito sa Singapore, dapat pala hindi ko nalang sinabi. Anang isang bahagi ng isip niya.
She took out her phone and she saw a lot of misses call from Joshua. She sighed then she send a message to Matthew. We're here. She typed then hit send.
She was about to hide her phone when it suddenly ring. She sighed again when she saw Joshua's name in the screen. She decided to answer the call.
"Oh! Anong kailangan mo?" Bungad niya rito.
"Uhm. Where are you?" Tanong nito at isang alaala ang biglang nagsink in sa utak niya.
BINABASA MO ANG
LFD 2: Beautiful Liar (COMPLETED)
Romance[LE FAVORI DESIRE SERIES 2] WARNING 🚨🚨🚨 SPG | R-18 | Matured Content > A story of Joshua and Divine He wants a hinest person but she's a liar. All Rights Reserved @2019 ***** Cover by @Animoons DATE STARTED : September 10, 2019 DATE ENDED : Novem...