Kasama ni Joshua sa isang lamesa sila Seift at kapwa sila may mga hawak na wine glass na may lamang alak.
He was just listening to them. He's not in the mood to talk because of what happened between him and Divine. He also observed that every agents are close to Divine and treat them like a friends and family.
"Walang mangyayari kung tititigan mo lang."
Napalingon siya sa katabi niyang si Seift at doon niya nakita na sa kanya na nakatuon ang atensyon ng lima. Napailing-iling nalang siya at uminom sa wine glass niya. Narinig niya naman ang marahang pagtawa ni Seift na sinamahan pa ni Honey, samantalang ang iba ay naiiling-iling nalang sa kanya.
"Nakakagulat na isa ka palang susunod na successor ng Reikokuna Yakunin at talagang anak ka pa ng pinakapinuno ng Reikokuna Yakunin. Kakaiba ka, man" iiling-iling na sabi ni Seift na sinang-ayunan naman ng lahat.
He look at Tairon when he speak. "Maswerte si Divi dahil sa 'yo siya nagkagusto."
Napakunot-noo siya sa sinabi nito. "Maswerte dahil ako ang susunod na successor?" Tanong niya rito.
Umiling ito bago ibinaba ang hawak nitong wine glass at ipinatong ang dalawang braso sa lamesa saka tumingin sa kanya. "Hindi dahil sa ikaw ang susunod na successor, kung 'di dahil may taong poprotekta sa kanya."
Tumingin ito sa gawi ni Divine kaya napatingin din siya sa gawi nito at nakangiti ito habang nakikipagkwentuhan kayla Jane at sa iba pang agents.
"Kahit astig siyang babae at kaya niyang lumaban ng mag-isa, I'm sure na kinakailangan niya pa rin ang proteksyon mo" dagdag nito at muling tumingin sa kanya. "Isang amazing woman and a highest official? Magandang lahi" nakangisi nitong saad kaya hindi niya rin naiwasang hindi mapangisi.
"By the way..." He said and place his arms over the table and look at Tairon with a serious face. "Tama ba ang narinig ko na may gusto siya sa akin?" Naniniguradong tanong niya rito at tumawa naman ito na kinakunot ng noo niya.
"Seriously? Ang tagal niyo ng nagsasamang dalawa pero hindi mo ramdam 'yun?" Sabay tawa nitong muli ng malakas.
Sa inis niya dahil sa pagtawa nito ay hinugot niya ang nakatagong kutsilyo sa beywang niya at kaagad sinunggaban ang kamay nitong nakapatong sa lamesa, dahilan para makalikha iyon ng malakas na ingay.
Dama niya ang pagkatahimik ng paligid kahit na may musikang namumutawi sa buong kwarto. Ngumisi siya rito ng makita na nanlalaki ang mga mata nito na nagpapabalik-balik ang tingin sa kanya at sa kamay nito.
Hindi niya naman ito sinugatan, pero sobrang lapit ng kutsilyong nakabaon sa lamesa sa kamay nito at konti nalang ay maaaring mahiwa ang kamay nito.
"At last tumigil ka rin sa pagtawa" nakangising saad niya at hinugot ang kutsilyo niya, sakto namang dating ni Divine habang nasa gilid nito sila Mr. Yamamoto at Jane.
BINABASA MO ANG
LFD 2: Beautiful Liar (COMPLETED)
Romance[LE FAVORI DESIRE SERIES 2] WARNING 🚨🚨🚨 SPG | R-18 | Matured Content > A story of Joshua and Divine He wants a hinest person but she's a liar. All Rights Reserved @2019 ***** Cover by @Animoons DATE STARTED : September 10, 2019 DATE ENDED : Novem...