CHAPTER 30

2.5K 60 0
                                    

Joshua was just watching the teenagers training in one room by using different weapons. In one week that he's been in the organization, he observe the loyalty and respect of every agents to Divine.









Napag-alaman niya rin na kinupkop ni Divine ang mga ito. Ang iba sa kanila ay nag-aaral pa habang ang iba ay malapit ng makagraduate.








"Mr. Hitler."









Napalingon siya kay Jack. Ito ang pinakanakakausap niya sa lahat at ito rin ang panay ang kwento sa kanya ng mga ginagawa ni Divine para sa kanila.









"Sinabi ko naman na sa 'yo na Kuya Joshua ang itatawag mo sa 'kin, ‘di ba?" Nakapameywang na sabi niya rito at napakamot naman ito sa batok.











"Eh, kasi hindi ako sanay, eh" sabi nito na parang naiilang.










Napangiti siya at inakbayan ito saka iginaya sa isa sa mga sopa sa loob ng room. Umupo sila roon at inabot niya naman rito ang isang bote ng tubig.









"Salamat, Kuya."









Tinanguhan niya lang ito saka niya chineck ang cellphone niya kung tumawag na ba si Divine, dahil sabi nito na isang linggo lang ito sa Singapore pero wala pa rin ito hanggang ngayon.









"Alam mo, Kuya..." Napalingon siya kay Jack at nakatingin ito sa mga kapwa nito mga binatilyong nag-eensayo. "Si Ate Divine na yata ang kilala kong may mataas na rangko pero may awa sa aming mga mahihirap" nagbuntong hininga ito at itinukod ang dalawang siko sa mga tuhod nito saka muling tumingin sa mga nag-eensayo.









"She's a good person yet she's a devil too" sabay marahang tawa nito sa huling sinabi,  "nasa sampung taong gulang palang ako no'n ng makilala ko si Ate Divine. Noong una akala ko kukunin ako ng mga sindikato dahil nakasakay sila sa puting van pero nagkamali ako. Dahil isang anghel ang bumaba sa sasakyang iyon at binigyan ako ng pagkain at pera na pwede ko nang ipambili ng mga bagong damit, masasarap na pagkain at pangbayad sa hospital bill ni Nanay" ang kaninang nakangiti nitong mga labi ay naging malungkot.

"Nabayaran ko ang kalahati ng bill ni Nanay pero hindi naging sapat iyon. Akalain mong ang limang libo na binigay sa akin ni Ate Divine ay pinangbayad ko lang sa Ospital" mabilis pa sa alas-kwatro na pinunasan nito ang pisngi nito nang may tumulong luha mula sa mata nito. "Wala na kaming bahay dahil wala naman akong ipangbabayad sa upa na 'yan. Until two days passed, nagulat ako ng muli kong makita si Ate Divine. Nakakagulat kasi hindi ko akalain na babalikan niya ko para tulungan ako" nagbuntong hininga ito na para bang hirap na hirap itong magkwento.








Tinapik niya ang balikat nito pero tuluyan nang tumulo ang luha nito na kanina pa nito pinipigilan. "Hindi lang ang buhay ko ang binago niya, pati si Nanay tinulungan niyang makapagpa-opera pero..." Ginamit niya na ang dalawa niyang kamay para hawakan ito sa mga balikat nito, "pero namatay si Nanay, that time wasak na wasak ang buhay ko ayoko na ngang mabuhay pa pero tinulungan ulit ako ni Ate Divine. Naging Nanay ko siya sa mga panahon na nangungulila ako sa pagkamatay ni Nanay. Hindi niya ko iniwan, hindi niya hinayaan na masira ang buhay ko, hinayaan niya kong maglabas ng sama ng loob.










"Pinag-aral niya ‘ko at ayokong tanggapin ang alok niya pero alam mo ba kung anong sinabi niya sa ‘kin? Sabi niya 'we live for the better, we choose to be better, and we decide to be better, but choosing something that can ruin your whole life then change it for you to be better' napakalalim, makahulugan pero 'yon ang naging dahilan para magising ako" nakangiti na ito na para bang inaalala ang mga panahong iyon.








LFD 2: Beautiful Liar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon