CHAPTER 35

2.3K 62 2
                                    

Read at your own risk!
****

Divine forcedly pushed Joshua but he didn’t even move an inch.









“What the hell are you saying?” She asked with anger while trying pulling her hand that he was holding.







“I miss you” he said.









P'wersang hinila niya ang kamay niya at saka tumayo. Balak niya itong iwan sa kwarto niya ng hilahin siya nito pabalik at sinandal sa pader. “Ano ba!?”










Pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak nito pero hindi niya magawa. She even tried to kick him but he just moved his body closer to her.













“Can you listen to me first bago ka magwala ja’n?” naiinis na turan nito kaya pagak siyang napatawa.










“Makinig? Nakinig ka ba sa mga paliwanag ko? Hindi ‘di ba? Tapos na ‘kong makinig sa mga sasabihin mo, Joshua. Hindi ko na kayang tanggapin pa ang mga sasabihin mo dahil masakit na” aniya at hindi niya na napigilang hindi mapaiyak. “Masakit na, Joshua. Ayoko nang madagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko ng dahil sa ‘yo.”









Pinakawalan nito ang mga kamay niya at pinunasan ang pisngi niya. They both look at the door when it suddenly opened and they saw Sheedz while frowning.









“You, asshole!” Sheedz said with anger and throw a hard punch on Joshua.









Napatakip siya ng bibig ng mapasubsob si Joshua sa kama niya at hindi pa man nakakabangon ay itinayo na ito ng kapatid niya at kinuwelyuhan.








“Kuya, stop it!” sigaw niya pero parang wala itong naririnig.









“Binalaan na kita, ‘di ba? Hindi pa ba sapat na binugbog kita dahil sa ginawa mo sa kapatid ko, huh! At saka paano ka nakapasok dito?” Galit na tanong ng kapatid at nagtatakang napalingon naman siya kay Joshua na sinasalubong ang tingin ng kapatid at hindi ito pinapatulan.










Did he lied to me just to enter my room? At binugbog siya ni Kuya? Kaya ba may ilang pasa na hindi natakpan ng concealer sa mukha nito dahil kay Kuya? Mga tanong na nabuo sa isipan niya.










“Kahit ipapatay mo pa ‘ko ngayon hindi kita papatulan dahil may respeto ako sa ‘yo hindi bilang kaibigan ko o bilang head agent, kung ‘di bilang kapatid ni Divine.”










Napayuko siya sa naririnig mula kay Joshua habang nanatiling nakatingin lang dito ang kapatid niya.










“Tinanggap ko ang lahat ng suntok mo dahil deserved ko ang mga ‘yon, dahil sinaktan ko ang kapatid mo, at dahil pinaiyak ko ang babaeng parehas nating pinangangalagaan, pero hindi ko hahayaan na basta mo nalang akong paaalisin dito ng hindi man lang nakakapagpapaliwanag kay Divine” ani Joshua.

LFD 2: Beautiful Liar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon