CHAPTER 21

2.4K 63 1
                                    

"Okay na ba ang lahat?" Maawtoridad na tanong ni Divine kay Tairon habang kausap niya ito sa telepono.










"Yes. We are now going to land in the airlines at nahacked na rin naman ang location nito bago pa man kami lumipad rito sa Singapore."









"Good" then she end the call.









Iniangat niya na ang handle ng dala-dala niyang maleta pauwing Pilipinas pero napatingin siya sa gawing hagdan at nakita niya doon si Sharalyn na nakatayo sa unang hakbang ng hagdan habang nakatingin sa kanya.








She sighed and face her and Sharalyn immediately walk toward her. "So, tuloy ka na talaga ngayong araw?"









Ngumiti siya ng pilit ng marinig ang malungkot nitong boses. Hinawakan niya ang dalawang kamay nito bago ngumiti.









"I need to go back to the Philippines. Kapag nanatili ako rito na kasama ka malalaman ni Venom kung nasaan ka. I hacked your location but not mine. I also hacked Nanay Tess location, so she can't locate then. Don't worry, uuwi at uuwi ako rito kapag hindi ako busy" pangungumbinsi niya rito.











"Mag-iingat ka sa Pilipinas" nakangiting saad nito kaya tumango siya sabay yakap nito sa kanya.










Ramdam niya na ayaw siya nitong paalisin base sa higpit ng yakap nito at ayaw niya rin namang umalis pero hindi pepwede. Kung gusto niya itong mailayo sa lalaking iyon, kailangan niyang mag-ingat sa bawat galaw niya.










"Oh! Pa'no? Mauuna na ko, huh?" Nakangiting paalam niya rito pagkabitaw ng yakap nila at tumango naman ito.











Muli niyang hinawakan ang handle ng maleta at lumabas ng bahay. Nakahanda na sa may garahe ang kotseng sasakyan niya at kaagad namang kinuha ng isang bodyguard ang dala niyang maleta saka inilagay sa likod ng sasakyan.








Pinagbuksan siya ng pinto ng isa pang bodyguard, pero bago pa man siya tuluyang pumasok ay muli siyang tumingin sa pintuan ng bahay. At doon niya nakita si Sharalyn na nakatayo roon at nakatingin sa kanya kaya nginitian niya ito bago tuluyang pumasok sa sasakyan.











They only took twenty minutes to reach the airport. Pagpasok niya sa loob ng paliparan ay nasa paanan na ng hagdan ng eroplano sila Tairon kasama si Tess.







Ngumiti siya sa mga ito ng tuluyan na siyang makalapit habang pinapalibutan ng mga ito si Tess. Masuyo niyang kinuha ang isang kamay ni Tess at nagmano rito.






"Kaawaan ka ng diyos, iha" sabi nito at napangiti nalang siya.

LFD 2: Beautiful Liar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon