CHAPTER 43

2.4K 65 0
                                    

Nakabusangot na nakaupo si Divine sa isa sa mga sopa sa kwartong inookupa ni Sharalyn.










"Kasal ko ngayon" nakangiting pahayag ng kaibigan niya pero tumango lang siya habang nananatiling gusot ang mukha. "Kasal ko ngayon" ulit nito kaya lumingon siya dito at nakatingin na pala ito sa kanya.










"Alam kong kasal mo ngayon" saad niya at nameywang naman ito.










Silang dalawa lang ang nasa kwartong iyon dahil inaantay nalang nila na tumawag ang coordinator para makaalis na sila. "You should smile. It's your best friend’s special day.”











She suddenly woke up. She stood up and smile at her best friend. Nagtataka itong napatingin sa kanya ng lumapit siya rito at niyakap ito ng mahigpit.











"Hey, you okay?" May pag-aalalang tanong nito pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya rito.










"Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong okay ako" pumikit siya habang kayakap ito. "Ilang buwan na si SH pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasabi kay Joshua na may anak na kami. Kung kailan handa na akong sabihin sa kanya ang lahat saka naman ito mawawala. I hate it. I hate having thoughts that maybe he already met someone that opposite to me, that someone who's better than me."











A tear fell on her cheeks. She separated from the hug and her best friend wipe her tears. "Stop crying."












Parang kawawang napatingin siya dito habang sapo nito ang dalawang pisngi niya. “Shasha…”












"Napakaganda mo ngayong araw na ‘to kaya ‘wag mong hayaang mawala ang gandang ‘yan once na makita mo siya. I know hindi kami ganoon kaclose ni Joshua, pero nararamdaman kong mahal ka niya. Kaya ‘wag ka ng umiyak dahil masisira ang make-up mo" pangungumbinsi ng kaibigan niya sa kanya.










She took a deep breath and nodded. "Lalabas muna ako" she said and Sharalyn just nodded.










She went outside the room and only the heels of her stiletto can hear in the silent hallway. The groom and groomsmen are in the same building were the bride is, because Venom wants in the same building.










Nang makarating na siya sa pakay niyang kwarto ay nagtimpla siya ng gatas para sa kanya dahil bine-breastfeed niya pa si SH. Mas gusto niyang magbreastfeed ito kaysa sa bote.









Nang matapos siyang magtimpla ay kinuha niya ang baso saka lumabas ng kwartong iyon. Inumpisahan niya na ring uminom ng gatas na tinimpla niya pero napatigil siya sa paglalakad ng biglang may tumawag sa kanya mula sa likuran niya.










Paglingon niya ay nanatiling nasa bibig niya ang nguso ng baso pero naibaba niya ‘yon at ngumiti ng makita si Sheedz.









"Kuya Sheedz" she said while smiling and her brother smile too when he stands next to her.









LFD 2: Beautiful Liar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon