Prologue: The Royal Edict

3.4K 107 13
                                    


627th year of Joseon Dynasty, Korea
122nd year in Constitutional Monarchy
Year 2019

*King's Palace*

King Joss' POV

"DEPOSE THE KING!"

"PETITION: ABOLISH THE ROYAL FAMILY!"

"JOSS LEE: KING OF DRUGLORDS"

"JOSS LEE: THE LAST KING OF JOSEON DYNASTY?!"

"SOON: JOSS LEE'S ABDICATION OF THE THRONE"

Hindi ako nagdalawang isip na ibalibag ang mga gamit ko rito sa lamesa noong mabasa ko ang mga trending news sa Internet.

"Mga walanghiya!!"

Gusto kong durugin ang pagmumukha ni Mr. So ngayon, ang taong dahilan kung bakit ako ginigipit ng parliament at general public ngayon!

S'ya ang deputy CEO ng mga pharmaceutical company ng royal family at wala akong kamalay-malay na ginawa na pala n'yang illegal drug factory yung isa naming laboratory sa probinsya.

Na-raid 'to kagabi at ngayo'y nakabunton sa'kin ang lahat ng sisi dahil ako ang in-charge sa lahat ng mga family business namin.

"Jusang(King).." biglang may nagsalita, hindi ko namalayang may pumasok pala rito sa quarters ko.

Si Saint-daebi, ang stepmother ko.

Mukha s'yang nagdadalawang-isip na lumapit sa'kin ngayon dahil sa mga gamit na nagkalat sa sahig.

[Saint-daebi (Queen Mother Saint) - second wife of the late King Yujong.]

"Eomma-mama(Royal Mother).." sinubukan kong kalmahin ang sarili ko, "Anong dahilan at naparito ka? Sesermonan mo ba ako?"

Hindi ko s'ya masyadong kinakausap nang "formal" dahil hindi naman nagkakalayo ang edad naming dalawa.

33 lang s'ya at ako nama'y 29.

"Hindi ako pumunta rito para sermonan ka.." she calmly shook her head, "Nandito lang ako ngayon para tanungin kung anong plano mo, Jusang. Ayaw ko kasing magkaiba ang sasabihin natin sa press conference at parliament meeting mamaya.."

"Ganun ba.." tumango na lang ako, "Si Halma-mama(Royal Grandmother), alam na rin ba n'ya ang mga nangyari?"

[Minhyun-wangdaebi (Grand Queen Dowager Minhyun) - mother of the late King Yujong. Age: 75]

"Oo Jusang, alam na ni Eomma-mama (mother-in-law) ang lahat. Tumawag s'ya kanina sa'kin at sinabing dapat naming suportahan ang kung anumang magiging desisyon mo. Pinapasabi rin n'ya na hindi s'ya makaka-uwi dahil nasa Jeju Island pa sila ni Joong-daegun."

[Joong-daegun (Prince Joong) - 3rd son of King Yujong. Age: 17]

"Jeju Island?" I smiled bitterly, "Malapit nang ma-abolish ang Royal Family tapos uunahin pa nila ang magbakasyon? Yung totoo, may pamilya pa ba ako rito? Bakit hindi ko maramdaman na concern kayo sa'kin?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Naiinis talaga ako sa fact na wala man lang tumutulong sa'kin gayong malapit nang lumubog ang pamilya namin!

"Huwag kang mag-isip ng ganyan." sinaway ako ni Saint-daebi, "Intindihin mo na lang si Eomma-mama, may katandaan na s'ya kaya't ayaw na n'yang mag-meddle sa mga political decisions mo. Kung kailangan mo ng payo, nandito lang ako. Ano nga bang plano mo sa ngayon, Jusang?"

Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa mga sinabi n'ya.

Ano nga bang plano ko ngayon?

Gusto ko sanang panagutin si Mr. So sa mga kasalanan n'ya pero paano?

Walang nakakaalam ng whereabouts n'ya ngayon dahil nalusutan n'ya nang walang kahirap-hirap ang royal intelligence.

Ramdam ko tuloy na may kakampi s'ya rito sa loob ng palasyo o sa parliament na gustong pabagsakin ako.

"Honestly, hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin ngayon, Eomma-mama." I hopelessly admitted, "Kahit pwede ko kasing malusutan ang mga kaso na sinampa sa'kin dahil matibay ang alibi ko regarding sa pag-abscond ni Mr.So, hindi ko naman alam kung papano lalabanan ang public sentiment. Nakita mo naman yung mga trending news, 'di ba? Gusto na nila akong mag-abdicate, gusto na nilang i-abolish ang Royal Family."

Napasapo na lang ako ng noo after kong magpaliwanag kay Saint-daebi.

"Public sentiment.." she paused for few seconds, "Jusang, alam kong naiilang ka kapag trinatrato kitang anak, pero pwede ba kitang payuhan ngayon bilang legal na nanay mo?"

Tinitignan n'ya ako ngayon na para bang ako si Best-daegun, yung totoong anak n'ya.

[Best-daegun (Prince Best) - 4th Prince. Son of King Yujong & Queen Saint. Age:15]

"Sige, gusto kong marinig ang payo mo Eonma-mama.." I gave her my permission.

"Regards sa public sentiment, mahirap protektahan ang trono mo sa ngayon dahil cargo mo ang lahat ng nangyaring iskandalo." she started, "But luckily, I think it's not too late to save our family. Jusang, I suggest na mag-abdicate ka muna sa ngayon.."

"Mag-abdicate?" I smirked in derision, "Tapos sinong papalit sa'kin? Si Best-daegun? I didn't expect na gusto mo pala maging Queen Regent, Eomma-mama.."

15 years old pa lang si Best-daegun kaya siguradong si Eomma-mama ang mamumuno sa Royal Family kapag nagkataon.

"Bakit nadamay si Best-daegun dito? Nand'yan naman si Pavel-wangseje at Joong-daegun, bakit tumalon ka agad kay Best-daegun? Wala akong interes sa trono, Jusang. Huwag mo sanang masamain ang payo ko.."

[Pavel-wangseje (Crown Prince Pavel, King's brother successor)- 2nd son of King Yujong. Age: 27]

"Come on, Eomma-mama." mas lumaki ang ngisi ko, "Alam nating pareho na hindi uupo ang mga kapatid ko sa trono dahil mas gusto nilang mamuhay ng normal. Si Best-daegun lang ang nakikita kong papalit sa'kin.."

"As the eldest of the Royal Family, si Eomma-mama(Minhyun-wangdaebi) ang magdedesiyon kung sinong ipapalit sa'yo kapag nagkataon. Atsaka kahit sa ayaw at sa gusto ni Pavel-wangseje, kailangan n'yang gawin ang tungkulin n'ya bilang Crown Prince. Sorry to say pero next to impossible ang mga iniisip mo ngayon, Jusang. Huwag mo sanang masamain ang payo ko kanina.."

Hindi na ako nakasagot sa mga paliwanag ni Saint-daebi dahil may punto kasi s'ya.

Atsaka naisip ko rin na masyadong harsh ang mga sinabi ko dahil all this time ay puro kabaitan lang naman ang pinakita n'ya sa'ming magkakapatid.

"Patawarin mo ako, Eomma-mama." I bowed, "Sobrang stress na kasi ako kaya kung anu-ano nang naiisip ko ngayon."

""Naiintindihan ko ang lagay mo, Jusang. Wala sa'kin ang mga sinabi mo." she gave me an assuring smile, "Sana ay i-consider mo ang payo ko, in order to drop the second bomb to save our family."

"Second bomb?" I asked in curiousity.

"A 'bomb' to cause turmoil." she explained, "Bibigyan natin ng distraction ang general public para makalimutan na nila ang sentiment nilang i-abolish ang pamilya natin.."

"Bomb to cause turmoil?" I frowned, "Wala akong maisip na pwedeng pagkainteresan ng general public.."

"Actually, meron.." she smirked, "It's something na hot topic globally at siguradong bebenta rito sa conservative na bansa natin.."

"Ano 'yon?" sobrang clueless ko talaga sa mga sinasabi n'ya.

"Simple lang, bago ka mag-abdicate, gumawa ka ng Royal Edict. Ipasa mo na sa parliament ang.."

"..Equality Act at Same-Sex Marriage Law."

HIS Majesty, The Queen (J9 Fanfic) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon