*The Royal Infirmary*King Joong's POV
Gusto ko sanang tanungin kay halma-mama(grandmother) kung bakit in-address ako ng royal guard bilang Jusang(King) pero hindi ko na nagawa dahil tuloy-tuloy s'yang pumasok sa infirmary.
"Mama(your highness)/Jeonha(your majesty).." nag-bow of respect yung mga staff at retainer na inabutan namin dito sa loob.
Andito rin sina Saint-daebi(Queen Mother) at Joss-hyung(Kuya).
"Nasaan ang Wangseje(Crown Prince)?" tanong ni halma-mama noong mapansin n'yang walang-laman ang mga bay rito sa infirmary.
"Eoma-mama(mother-in-law).." si Saint-daebi ang sumagot. "Sapilitan pong umalis ang Wangseje rito sa infirmary. Huli na po ang lahat noong makarating kami ni Joss-daegun dito para pigilan s'ya."
Agad napasapo ng noo si halma-mama dahil sa mga narinig n'ya, "Kanino ba nagmana nang katigasan ng ulo ang bata na 'yon?" she sighed, "Alam n'yo na ba kung saan s'ya nagpunta? Pina-track n'yo na ba s'ya sa mga intelligence natin?"
"Nagawa ko na po, halma-mama.." si Joss-hyung naman ang nagsalita. "Nasa penthouse po s'ya ngayon ng law firm na hina-handle n'ya. Huwag na po kayong mag-alala, gasgas lang naman ang natamo n'ya sa minor accident kanina. Atsaka babalik din daw s'ya rito sa palasyo sa araw ng enthronement ni Joong.."
Enthronement ko?!
So ito pala yung real score kung bakit Jeonha na ang ginagamit nilang honorific sa'kin?!
Anong meron?!
Bakit bigla na lang nalipat sa'kin ang lahat?!
"Ano pong nangyari?" hindi ko na napigilang makisabad sa usapan nilang mga matatanda. "Bakit po ako ang papalit sa pwesto ni Joss-hyung? Hindi po ba't si Pavel-hyung ang dapat na next in line dahil s'ya ang Wangseje?"
Don't get me wrong, hindi naman ako totally against sa idea na maging Hari ako.
Pinalaki kaming mga Daegun(Prince) na well-educated at fit-to-rule kaya handa na talaga ako sa possibility.
Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit nila nilampasan si Pavel-hyung.
Atsaka hindi pa ako legal age, siguradong may regency na magaganap kapag ako ang umupo sa trono.
"Ayaw tanggapin ng Wangseje ang trono." paliwanag ni Saint-daebi. "Alam na rin ng parliament ang pag-abstain n'ya sa succession at 'yan ang dahilan kung bakit ikaw na ang kinikilalang Daejeon(King) ngayon dito sa palasyo. Congratulations to your new posision, Jusang."
Nag-congratulatory bow sa'kin si eoma-mama(Saint) after n'yang magsalita at dahil d'yan ay agad na nagsunuran ang mga staff at retainer dito sa loob.
"Chukadeurimnida, Jeonha. (Congratulations, your majesty.)" lumuhod silang lahat sa harapan ko.
Dahil sobrang overwhelmed na ako sa mga nangyayari ngayon, agad akong nag-gesture na pwede na silang tumayo.
After that ay humarap ulit ako kina halma-mama at eoma-mama.
"Wala po akong tutol sa mga gusto n'yong mangyari." I clarified. "Pero pwede po bang bigyan n'yo ako ng isang linggo para makapag-isip, mag-isa? Ihahanda ko lang po ang sarili ko."
I really need some 'air' right now.
Pakiramdam ko kasi ay masu-suffocate ako sa 'pressure' nitong palasyo kapag hindi ko hinanda ang sarili ko.
Atsaka gusto ko munang ipaalam sa totoong eoma-mama ko ang mga mangyayari.
I'm planning na bumalik sa hometown n'ya para ma-reminisce ko yung memories n'ya kahit papano.