QM's Note: Comment and vote! Pati ako excited sa next na magaganap! Hahaha
Nine's POV
Natigilan ako sa pagmulat ng mata dahil parang nagkakagulo rito sa kwarto noong magising ako.
"Jeonha, kumain na po kayo.." boses ng babae, "Kahit itong juk(porridge) lang po na pinadala ng Wangdaebi.."
"Wala talaga akong gana, Seo-sanggung." boses ni Chen, "Tsaka na 'ko kakain kapag gising na ang Jungjeon.."
"Pero Jeonha, maghapon na pong walang laman ang sikmura n'yo--- baka kayo na po ang sunod na magkasakit kapag pinagpatuloy n'yo yan.."
Wait, maghapon?!
So almost 24 hours na pala akong natutulog?!
"Seo-sanggung, wala ako sa wisyo para makipagtalo sa inyo. Hindi ako kakain hangga't hindi nagigising ang asawa ko, pwede na kayong umalis.."
"Masusunod po, Jeonha.."
Pagkalabas ng mga court ladies dito sa kwarto ay biglang nag-announce yung nagbabantay sa pinto.
"Jeonha, narito po si Ron-uisengnim(Dr. Ron) ng royal infirmary.."
"Papasukin n'yo s'ya agad!"
"Jeonha.." bati nung doctor pagdating n'ya rito sa loob, "Dala ko po ang mga laboratory results ng Jungjeon-mama.."
"Talaga?" parang sumigla 'yong tono ni Chen, "Kumusta ang mahal ko?"
"Tama po ang initial findings namin; slightly dehydrated at overfatigued po ang Jungjeon-mama.."
"Overfatigued?" Chen mumbled, "Pero mukha namang masigla ang Jungjeon kahapon, paano nangyari na biglaan s'yang na-overfatigued?"
"Jeonha, malaking factor po yung honeymoon wine na nainom n'ya kagabi--- nakaka-drain po kasi talaga 'yon ng vital energy. Atsaka elevated din po ang mga stress hormones ng Jungjeon-mama, symptom po ito ng mental & emotional exhaustion.."
Nakaramdam ako ng bitterness nung narinig ko yung condition na 'emotional exhaustion'.
Why? Cause the doctor is right--- sa tingin ko nga ay emotionally stressed ako ngayon.
Like seriously, sinagad na ni Chen yung limits ko kagabi. Literal na nadurog ang puso't pagkatao noong hiniling n'ya na gawan ko s'ya ng royal harem.
"Ganon ba.." Chen sighed, "Kung final na ang findings n'yo ay bigyan n'yo na ng gamot ang mahal ko. Ayaw kong nakikita s'yang nagkakaganito.."
Ugh, 'mahal ko' talaga?! Pangalawang beses na 'to ah?!
Hindi ba s'ya kinikilabutan sa mga sinasabi n'ya?! Such an asshole!!
"Jeonha, pahinga lang po ang gamot sa fatigue. And regards po sa slight dehydration ng Jungjeon-mama, okay na po 'yong IV na kinabit namin sa kan'ya kanina.."
After magbigay ng pointers nung doctor ay iniwan n'ya na kami ni Chen dito sa kwarto.
I was expecting na iiwan na rin ko ni asshole dahil hindi na nya kailangang magpakitang-tao pero laking gulat ko noong bigla s'yang umupo dito sa kama ko at humawak sa kamay ko na walang swero.
"Sorry kung wala akong kwentang asawa.." he whispered in such shaky voice, "Kung mas naging buo lang sana ang loob ko noon ay hindi ka sana nahihirapan ngayon, kasalanan ko ang lahat.."
After magsalita ni Chen ay narinig ko s'yang humikbi tapos bigla n'yang hinalikan yung kamay ko.
Gusto ko sanang isipin na 'for show' lang ulit 'tong ginagawa n'ya, pero hindi eh; damang-dama ko talaga yung sincerity n'ya ngayon.