QM’s Note: Please comment and vote for guaranteed brighter skin! Charot! 🤣 This is a almost 5k words update so sana ma-appreciate n’yo.
*weeks later
Gangnyeongjeon(King’s Palace)
Nine’s POV
“Jungjeon(My Queen), what’s wrong? Bakit mukha kang distracted? Affected ka pa rin ba sa ‘failure report’ ng royal infirmary kagabi?”
Hindi ko naituloy ang pag-aayos sa gonryongpo(dragon robe) ni Chen dahil sa biglang pagtatanong n’ya.
Ngayon ko lang na-realize na kanina pa pala n’ya pinapanood ang mga ‘distracted’ gestures ko.
“Ayos lang po ako, Jeonha(Your Majesty).” I gave him my assuring smile, “Don’t worry, ‘di ko na po iniisip yung ‘failure report’ ng royal infirmary last night.”
Obviously, I’m lying.
He’s right, affected pa rin talaga ako sa ‘failure report’ ng royal infirmary dahil pang 17th na ‘yon since the royal collection.
Ang sakit kasi isipin na out of those seventeen tries, lahat nag-fail sa first phase pa lang ng procedure. Wala man lang nag-advance sa second phase para ma-boost naman yung morale namin kahit papano.
Ni-hindi ko na nga ma-channel yung ‘optimistic self’ ko ngayon dahil pakiramdam ko’y wala na talaga kaming pag-asang magkaanak ni Chen.
“Hindi mo ako maloloko, buin..” bigla akong hinila ni Chen sa bisig n’ya at niyakap nang mahigpit, “Don’t overthink, okay? Magiging maayos din ang lahat.”
“I don’t know, I don’t know..” hindi ko napigilang umiyak dahil sa getures n’ya, “I’m really afraid na baka hindi kita mabigyan ng anak. I’m sorry kung ang komplikado ng lahat dahil hindi ako pinanganak na babae..”
“Shhh, don’t say that, marami pang way para magkaanak tayo.” hinagkan n’ya ako sa noo, “Atsaka may anak man o wala, hindi magbabago ang pagmamahal ko para sa’yo. You’ll always be my Jungjeon(Queen), my buin(wife)..”
All of a sudden ay nawala yung mga worries ko dahil sa mga sinabi ni Chen.
Ganitong-ganito yung naramdaman kong assurance noong ‘nililigawan’ pa lang n’ya ako sa Jeju.
“You’re so good with words, sweet talker majesty.." I chuckled, “But still, hindi pa rin talaga ako okay..”
“Aww, anong assurance pa ang gusto ng asawa kong maganda?” sobrang lambing ng boses n’ya, “Gusto mo bang magpa-presscon ako at sabihin ko sa buong bansa na mahal na mahal kita kahit wala tayong anak?”
“Baliw!” I gently hit his back, “Kaya tayo minamalas kasi ayaw mong magseryoso eh..”
“Anong ayaw magseryoso? Hindi mo ba alam na pina-cancel ko lahat ng mga schedule ko ngayong araw dahil pupunta ako sa Jongmyo(Royal Ancestral Shrine)? Ipagdadasal ko sa mga royal ancestors na tulungan nila tayong magkaanak..”
“What?” kumalas ako sa yakap namin para tignan s’ya sa mukha, “Seryoso ko ba d’yan, Jeonha? Hindi ba’t maraming pinapa-review ang parliament sa’yo this week?”
“My work can wait.” he uttered with finality, “Gusto kong ako naman ang gumawa ngayon ng ‘merit’ para sa magiging anak natin.”
Parang biglang sumigla ang mga bodily cells ko dahil sa sinabi ni Chen.
Ang buong akala ko kasi second priority lang n’ya ang magiging anak namin dahil puro work ang inatupag n’ya eversince the royal collection.
“I love you!” tumingkayad ako para halikan yung labi n’ya, “Okay na po ako ngayon..”