QM's Note: Oh mag-vote at comment kayo ahh! 😂 Mahaba-haba 'tong chapter na 'to!
Nine's POV
*Chinyoung (King & Queen's Journey/Parade from Detached Palace to Main Palace) [Second Event of the Day(Highlight)]
"Jungjeon, wala ka bang sasabihin sa'kin?" nakangiting tanong ni Chen.
Katatapos lang n'ya i-confer sa'kin yung box ng formal court attire ko sa palasyo at yung mga legal documents ng investiture ko as Queen.
Ito ako ngayon, tulala nang malala. Pakiramdam ko kasi'y nagbalik yung Chen na nakasama namin noon ni Earth sa Jeju.
I swear, napaka-genuine ng mga pagtitig at pagngiti-ngiti n'ya sa'kin ngayon--- just like the times na gusto n'yang patunayan yung FAKE 'puppy love' n'ya sa'kin.
"Ma-ma, kailangan n'yo pong magpasalamat at mag-bow sa Jeonha.."
Binulungan na ako ng court lady no'ng mapansin n'yang tulala ako.
"Ay sorry.." agad akong natauhan, "Seongeuni manggeukhaomnida, Jeonha.."
Sa pagmamadali, nawala sa isip ko na four kilos nga pala 'tong suot kong headgear ngayon---ayun, na-out of balance tuloy ako sa pagyuko!
Sobrang bilis ng mga pangyayari, no'ng dumilat ako'y nasa bisig na ako ni Chen, "Jungjeon, dahan-dahan ka sa paggalaw.."
Bago pa ko nakasagot ay nagsigawan na ang mga tao dahil sobrang 'intimate' ng position namin ngayon.
"Jeonha.."
Sinubukan kong kumawala sa yakap n'ya pero pinigilan n'ya ako.
"Stay put.." he whispered, "Ang sarap sa pakiramdam na niyayakap kita sa harapan ng lahat.."
"Chen, ano nanaman ba 'to?" pakiramdam ko'y namumula na ako sa ginagawa n'ya ngayon, "Let me go.."
Akala ko'y papakawalan na n'ya ako pero laking gulat ko no'ng bigla n'ya kong binuhat na parang bagong kasal.
Mas lalo tuloy nagsigawan ang mga taong nanonood dito sa harapan ng detached palace!
"Ang palanquin ng Jungjeon, ihanda n'yo na.." utos n'ya sa mga royal guards.
Agad naman s'yang sinunod ng mga 'to, nilapit nila sa'min yung limang palanquin na naka-standby; isang malaki at apat na maliliit.
Dahan-dahan akong sinakay ni Chen doon sa pinakamalaking palanquin tapos nilagay naman ng mga court ladies yung Queen's seal, golden book, legal documents at box ng formal court attire ko doon sa apat na smaller palanquins.
"Ingatan n'yo ang asawa ko.." bilin ni Chen sa mga royal guards bago s'ya tuluyang umalis at sumakay sa palanquin n'ya sa harapan.
"UMPISAHAN NA ANG CHINYOUNG!"
_______________
Noong nag-commence ang parada namin ni Chen ay parang bumalik ang lahat sa makalumang panahon.
Sa harapan ng entourage ay nakapwesto ang mga royal musicians, puro folk music ang tinutugtog nila.
Kasunod nila ay grupo ng mga high rank royal guards, sila ang bearer ng mga ceremonial flags and weapons.
Nasa bandang gitna naman ang palanquin ni Chen; buhat-buhat to ng 18 na royal guards.
Sa gawing harapan nila ay yung bearer ng royal umbrella at sa bandang likod naman ay grupo ng mga selected ministers.
Bali ang last part ng entourage ay ang palanquin ko na buhat-buhat ng 14 royal guards
Unlike sa palanquin ni Chen na puro lalaki ang mga nakapalibot at nakasunod, 'tong sakin ay puro senior court ladies na galing sa Gyeongbok Palace.