XXIX. The Grand Prince's Request

969 67 28
                                    

QM’s Note: Comment and vote! 😘 Sana matapos ko na ‘tong story na ‘to by Chapter 40! 🤣

*the next morning

Nine's POV

"Anong nangyayari rito?"

I'm on my way to do my morning inner court routine pero bigla akong natigilan dahil punong-puno ng mga royal guards ngayon dito sa loob ng Gyotaejeon.

"Jungjeon-mama!"

Sabay-sabay silang nagbigay galang sa'kin noong makita ako.

After that ay lumapit si Darwin-janggun(General Darwin), ang chief royal guard slash personal bodyguard ni Chen.

"Janggun, anong ibig sabihin nito?" I cluelessly asked, "Hindi n'yo naman siguro nakalimutan na against sa palace laws 'tong ginagawa n'yo ngayon, 'di ba?"

According to palace law article no. 46, hindi pwedeng basta-basta pumasok at mag-stay nang matagal ang mga male palace staffs sa mga living residences ng 'women' of inner court.

"Ma-ma, ipagpatawad n'yo po ang presensya namin ngayon dito sa palasyo n'yo." nag-apologetic bow si Darwin-janggun sa'kin, "Ngunit kasalukuyan pong naka-red alert ang security ng buong Gyeongbok Palace at kayo ang main priority."

"Red alert?!" I literally dropped my jaw, "Dahil ba 'to sa incident na ginawa ni Mr. So last night?"

"Tama po kayo Jungjeon-mama, dahil nga po ito kay Mister So." he confirmed, "Hanggang ngayon po ay nag-aalala pa rin para sa inyo ang Jeonha."

"Uhm, pero hawak na ng National Security Agency si Mr. So ngayon, 'di ba?" I shrugged, "Hindi ba 'too much' na mag-red alert pa tayo rito sa palasyo?"

Agad napailing si Darwin-janggun sa mga sinabi ko.

"Ma-ma, hindi lang po si Mr. So ang problema natin ngayon, according po sa initial investigation ng NSA ay may mga kasamahan s'ya rito sa loob ng palaso. Even though wala pong solid proof, kailangan pa rin po nating mag-ingat."

"O-oh, I see.." I stuttered; ngayon lang nag-sink in sa'kin kung gaano kadelikado ang sitwasyon ko ngayon, "Hmm, so magiging parte na talaga kayo ng retinue ko ngayon?"

"Opo, Jungjeon-mama. Lahat po ng mga first class royal guards ng palasyo ay dito na magdu-duty sa Gyotaejeon simula ngayon."

Medyo nakahinga ako nang maluwag knowing na ako nga ang main priority ng palace security.

Pero grabe, until now ay hindi ko pa rin talaga ma-fathom na high profile criminal si Mister So.

Who'd have thought na isa sa mga pinakamabait kong pasyente ang taong nagpabagsak kay Joss-daegun?

______________

*lunchtime

"Ma-ma, lumalamig na po ang pagkain n'yo.."

Kinuha ni Edma-sanggung ang atensyon ko noong mapansin n'yang nakatulala lang ako sa harapan nitong hapag.

"Wala akong ganang kumain." I absentmindedly muttered, "Pwede n'yo nang ibalik ang mga 'to sa royal kitchen.."

Don't get me wrong, hindi ako basta-basta um-attitude ngayon.

Hindi lang talaga ako mapakali dahil pumunta si Chen at Joss-daegun sa National Security Agency ngayon para kausapin si Mister So.

I'm really hoping na magsalita na yung matanda para matahimik na ang mga bagay-bagay rito sa palasyo.

"Hindi n'yo po ba nagustuhan ang mga hinanda namin, Ma-ma?" tanong ulit ng head court lady ko, "Gusto n'yo po bang magpaluto na lang ako ng bago?"

HIS Majesty, The Queen (J9 Fanfic) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon