Bas' POV
"Problema mo?" tanong ko kay Peach.
Inabutan ko s'yang aligaga rito sa main hallway ng candidate's quarters; kakabalik ko lang galing sa chamber ni Saint-daebi(Queen Mother).
"Samchon(Uncle)!" she blurted out, "May kailangan akong sabihin sa'yo!"
"Bigbig mo, Park-agasshi(Lady Park).." tinignan ko s'ya nang masama, "Nakalimutan mo na bang bawal sumigaw rito sa palasyo? Atsaka bakit samchon ang tawag mo sa'kin?"
"Ay.. Sorry po, Park-agasshi.." agad s'yang nag-apologetic bow.
"Whatever.." I sighed, "Pasalamat ka at hindi mga in-charge court lady ang nakakita sa'yo."
Isang violation lang ng palace laws ay enough ground na for disqualification.
Atsaka puro court lady ng Wangdaebi(Grand Queen Dowager) ang in charge rito sa selection; wala talaga kaming magagawa ni Saint-daebi kapag nagkataon.
"So ano pala yung sasabihin mo?" nag-pay attention na 'ko sa concern n'ya.
"Uhm.." tumungin muna s'ya sa paligid bago tuluyang sumagot, "Nakita ko ang Jusang(King) at Prime Minister kanina.."
Medyo napa-rolleyes ako sa sinabi n'ya, "So? Hindi pa ba common sighting sa'yo na palaging magkasama ang Jusang at Prime Minister dito sa palasyo?"
"Wait, hear me out first. What I mean is nakita ko silang dalawa rito sa candidate's quarter na nag-aaway kanina.."
"That's absurd.." I snorted in derision, "Unang-una, bawal ang mga lalaki rito sa candidate's quarters. Atsaka kung totoo yang sinasabi mo, mga anong oras sila pumunta rito?"
"Ngayon lang, as in kakaalis-alis lang nilang dalawa!"
"I think you're mistaken." I uttered in certainty, "How come na pumunta sila rito eh nasalubong ko pa ang entourage ng Jeonha(His Majesty) noong pabalik ako rito sa quarters?"
"No way, sigurado ako sa mga sinasabi ko. Una ko pa ngang nakita ang Prime Minister, may kausap s'yang candidate sa back garden! Tapos biglang dumating ang Jusang mula sa back gate, pinahila n'ya palabas si Mew-daegam sa mga royal guards! Hindi ko masyadong narinig at nakita yung mga pangyayari pero sigurado akong may something silang dalawa roon sa candidate.."
This is frustrating!
Sigurado akong imposible yung mga sinasabi n'ya, pero sigurado rin akong 'di s'ya nagsisinungaling ngayon..
"Nakilala mo ba 'yong candidate na kausap nila?" I chose to believe her.
"Yes, yung roommate mo! Umiiyak pa nga s'yang pumasok sa kwarto n'yo.."
The heck?! Of all people naman talaga, paanong magkakaroon ng 'something' ang Jusang at Prime Minister sa isang commoner doctor?
"This is so so so absurd, Peach. Hindi ko na ma-fathom kung nagsasabi ka ba ng totoo or hindi. Pero sige, to give benefit of the doubt, I'll check my roommate for you. Kung umiiyak nga s'ya sa kwarto namin ngayon, then fine, I'll fully believe you na.."
Without delay, naglakad na 'ko papunta sa assigned room namin.
Nonchalant akong pumasok sa loob at pasimpleng tinignan ang roommate ko.
Tahimik s'yang nagbabasa ng libro; walang bakas nang pag-iyak gaya ng sabi ni Peach!
__________________
*the following day
Nine's POV
"Oh my God!" gulat na gulat si Elle noong makita ako, "Bakit hindi ka pa nakaayos, Dr. Nine?"